Ilang minuto nang nakalabas ang binata ay nanatiling nakatingin sa may pinto si Joanna. Her fingers touched her still throbbing lips. She's seventeen at sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya'y she allowed a man to kiss her. How could a kiss made her feel weak. Tinalo pa niyon ang practice niya sa basketball nang isang oras.
Iyon pa rin ang ayos niya nang pumasok muli si Franz at may dalang tray ng pagkain. Ibinaba ito ng binata sa mesa at amused siyang tinitigan.
"May gamot ako sa aftershock." Akma itong yuyuko palapit sa kanya upang halikan siya uli nang bigla siyang tumayo.
"W-well, this is an aftershock question. Bakit mo ginawa iyon?"
Hindi nagkunwa si Franz na hindi naiintindihan ang tanong. "Matagal ko nang gustong hagkan ka. I've been trying to resist the urge. Hindi ko lang napigil kanina. Hindi agad kami nakawala ni Rigo sa pinuntahan namin then we had a flat. At nagagalit ako sa sarili ko dahil nakaalis ka na pagdating ko sa St. Ignatius. Then here you are at bale-wala kung nasundo ka man o hindi."
"N-naiintindihan ko na ang gusto mong sabihin kanina tungkol sa girlfriend ni Rigo."
"So?"
"I know that you—want to kiss me again."
"Certainly."
"And again... and again..."
"Of course."
Itinaas niya ang mukha at sa seryosong tinig ay nagsalita: "Please spare me. Hindi ko kaya ang pagkatapos."
"Who says na matatapos?"
"C'mon, Franz, kasasabi mo lang kanina na 'pag ang relationship ay natapos sa pagitan n'ong mga babaeng iyon at sa inyo ay walang samaan ng loob."
"I wasn't talking about you."
"What difference does it make?"
"I like kissing you."
"You can't kiss me forever, you'll get tired."
Ngumiti ang binata. Tinitigan ang mga labi niya as if remembering what happened moments ago. "I don't think so. I like the taste of you. It's sweet."
"Just as you like the taste of the other girls..."
"Iyon ang natapos. While I have no intention of ending what we haven't even started yet."
"Ano ang gusto mo?"
"Ikaw. You belong to me, sweetheart, to my heart."
"Meaning?"
"Be my girl."
"Ano ang sasabihin ni—Don Manuel?" Nagkalambong ang mukha niya. Sandaling nalimutan ang katayuan nilang dalawa sa buhay.
"Nothing. At kahit na may sabihin pa ang Papa, ako ang magpapasya para sa sarili ko pagdating dito." Itinuro nito ang dibdib.
"Hindi mo ako kilala nang lubusan, Franz. Malayo ang agwat ng kalagayan natin sa buhay. I won't fit in."
"I find it passe, Joanna. Outdated kung baga sa moda, this magkaibang kalagayan sa buhay thing. At kilala kita. I just can't remember the exact date but I can tell you how. First sem mo sa college at kinakausap ka ni Rigo. He was trying to flirt with you then. I'm glad you were not charmed by the handsome face dahil kakausapin ko talaga ang kaibigan kong huwag kang pakialaman. I've been watching you since then. Naduduwag lang akong lapitan ka."
"Napaka-snobbish ng dating mo sa akin. Minsan ay nainis mo pa ako. Binayaran ko ang pagkain mo sa canteen at nang sabihin sa iyo ng tindera na bayad na at itinuro ako, you gave me that 'sino ka ba' na mga titig and insisted on paying. Then I found out, hindi ka lang sa akin ganoon and I forgave you. When you took your mother's place here more than a month ago, hindi mo lang alam kung paano ako nag-blowout sa barkada na hindi naman nila alam ang dahilan," mahabang paliwanag ng binata.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)
Romance"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa s...