"JOANNA!" Patakbong habol ni Franz subalit lalong binilisan ng dalaga ang takbo.
Sa dagat na inabutan ni Franz si Joanna. Niyakap nito ang dalaga na ikinatumba nilang pareho sa buhangin.
"Bit—tiwan mo ako! Wala... kang karapatang pigilan ako!" nagpupuyos niyang sigaw at pagpupumiglas subalit mahigpit at kasintigas ng mga bakal ang nakapulupot sa beywang niya. Hindi huminto sa pagpupumiglas si Joanna na galit na galit. Nang hindi siya bitiwan ni Franz ay pinagsusuntok niya ang dibdib nito.
Hinayaan siya ni Franz na ibuhos ang lahat ng sama ng loob at galit niya. Ni hindi siya nito pinigilan sa pananakit niya. Nang mapagod siya ay huminto at humagulhol ng iyak. Si Franz ay patuloy na nakayakap nang mahigpit.
Kung gaano katagal siyang umiiyak ay hindi niya alam. Ang tanging alam niya'y hindi lumuluwag ang pagkakayakap sa kanya ni Franz bagaman hindi nagsasalita. But she could feel his chest heaving. Natilihan ang dalaga. Itinukod niya ang mga palad sa dibdib nito at tumingala.
Nakatitig si Franz sa kanya in misty eyes.
"N-nasaktan ba kita?" nag-aalala niyang tanong dito. Nalimutan ang galit.
Sinikap nitong ngumiti. "Saktan mo ako kung makakaluwag sa dibdib mo, Joanna. It won't kill me. Pero ikamamatay ko kung mawawala ka pa uli sa akin ngayon..." he said brokenly.
Magsasalita sana ang dalaga nang mamalayang may dalawang pares na maliliit na paa sa tabi nila. Tumingala siya.
"She's angry, Dad, I saw her fighting you," si Vida na nakapameywang. "How can she be my Mom kung galit siya sa iyo?"
"Mom?" gulat niyang tanong. Muling kumawala. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan siya ni Franz. Paluhod siyang naupo sa buhangin.
"Yes. Daddy said you will be my mom if you will have him."
Nilingon niya si Franz na umupo sa buhangin. "Well, I won't have him!" naningkit ang mga matang asik niya rito.
"That's sad because Dad loves you." Nilingon ng bata ang ama. "I guess you have to do a lot of convincing, Daddy." Pagkatapos ay si Joanna naman ang nilingon. "I kind of like you, you know. And I also want to be a flower girl. I have never been one unlike my friends in the States."
"F-flower girl?" nauutal niyang tanong.
"Yes. Sa wedding ninyong dalawa ni Daddy. Didn't he tell you yet?" Wala sa loob na umiling si Joanna na kinakitaan ng kalituhan ang mukha. "Well, Dad will marry you. He told me at lunch over the phone. Will you be my mom?"
Hindi makasagot si Joanna na ilang beses lumunok. Nagpatuloy si Vida. "Please marry my Dad. And please be my Mom also. Alam mo, wala akong mommy, never had one." May lungkot sa tinig nito na gustong umiyak ni Joanna uli.
"This is so unfair, Franz," she said choking a sob.
"Go home, Vida," banayad nitong utos sa anak. "She will be your mommy, I promise you."
Umiling ang bata. "I want her promise," wika nito kay Joanna. "Will you promise to marry my Daddy?"
"Franz, please..." Naguguluhang lumingon siya dito. Si Franz ay seryosong nakatitig sa kanya na hinihintay ang sagot niya. Ganoon din si Vida. "P-puwedeng i-defer ko ang sagot?"
"No!" sabay na sagot ng mag-ama.
"Oh..." usal niya. Muli ang mahabang katahimikan. Ang mag-ama ay nakamasid at naghihintay ng sasabihin niya. Pagalit niyang hinarap si Franz. "You can't do this. Bakit ginagamit mo ang anak mo sa akin pagkatapos ng panloloko mo?"
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)
Romance"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa s...