Sa unang reader ko nakacaptured ng title ng story ko at sa unang nagcomment!!! Salamat sobrang naappreciate ko...Salamat teddybear_17 sa paglagay ng story ko sa RL mo :)))))))))))))))
***
Umiiyak nanaman ako sa pagkamiss sa kanya, ano magagawa ko matapang lang naman ako pag kaharap siya pero pag talikod na para akong batang ngunguwa na lang.
Ito sa gabing madilim nakakumbli ako sa aking pinakakamamahal na kwarto, ang aking comfort zone kumbaga. Ang sabi ko sa sarili ko noon madali lang naman ang long distance relationship pero nagkamali ako kasi patagal ng patagal nangungulila ako sa kanya.
Masakit isipin na yung mga nagagawa namin dati hindi na namin nagagawa katulad na lang ng pagdadate sa labas, pakikipagusap ng kayakap siya at higit sa lahat yung pagaalaga niya sakin, buhay princessa.
Madami akong tanong sa isip ko paano kaya kong makahanap pa siya ng mas higit sa akin o mas masakit ang magmahal siya ng iba. Ang mawala siya sa buhay ko kakayanin ko kaya, magiging matatag pa rin kaya ako, magmamahal pa kaya ako ng iba, o mas malala ang mamatay ako sa sakit na nararamdaman ko pero tanga ko naman pag ginawa ko yun no. Mas mahal ko pa buhay ko para gawin yun.
Minsan pagpupunta ako sa mall nabwibwisit lang ako sa mga magjowa na makakasalubong ko o makikita ko kasi naiinggit ako...LONER ba naman ako eh.... Sarap sabihin na PDA msyado pero ano magagawa ko eh nandyan partner nila at halata naman masaya sila...LOVE LOVE LOVE nga naman...
Balik tayo sa kwento ko. Ayun ito hinihintay ko makatulog ako para paggising ko balik ulit sa dating routine ko. Makipagchat sa kanya after nun papasok kakain at uuwi...Palaging ganoon ang routine ko ng nagmigrate siya sa Amerika.
Lagi na lang bang ganoon nakakasawa, oo pero dun ako masaya ano paki-alam naman nila dun. Sabi sa kin ng mga kaibigan ko sumama naman daw sa mga hang-out nila, bar hopping at boy hunting sa mall. Ano magagawa nila taong bahay ako. Wala daw magagawa ko pag nagmumukmok ako sa bahay at maghintay ng ichat siya.
Isang taon na rin naman ang mawalay siya sa akin sa kadahilanan na kinailangan niyang tulungan ang mga magulang niya.
~Flashback~
Rarina please understand, i'm doing this for my family and of course for our future. ang nararamdaman ko ngayon ay sakit, takot at pangamba, di ako umiimik kasi ayaw ko may masabi ako na ikakadismaya niya. Gusto ko man umiyak pero kailngan kong pigilan para maisip niya na ok lang ako.
Please rarina, i know this is hard for us but i have faith on us and you. Kumawala ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan, alam ko rin naman nararamdaman niya masakit, mahirap na mawalay siya sakin.
O-of Course i have. Iyak lang ako ng iyak kasi ayaw ko mawala siya sa tabi ko. Yakap-yakap niya lang ako ng mahigpit.
Meron naman pala eh, huwag ka sana ganyan kasi nahihirapan din ako. Kasabay nito ang pagpatak ng luha nya. Mahirap oo pero alam ko kakayanin natin to dahil mahal kita at mahal mo ko di ba? tumango lang ako bilang sagot.
Paglipas ng mga ilang araw aalis na sya. Habang tinitignan ko siya na nakahiga at habang hawak niya kamay ko at ako naman nakasandal sa puno. Nagbabadyang luluha naman ako pero pinigilan ko. Kaya mas pinili kong ipikit ang mata ko ng hindi ako umiyak.
Mahal na mahal kita rarina. nagulat ako nasa harap ko na pala siya, unti na lang ay mahahalikan na niya ako huwag ka mag-aalala babalik ako sayo at hinalikan niya ako pero smack lang pero traydor pa rin ang mga luha ko kasi kusang bumagsak sa pisngi ko to. Niyakap ko na lang siya para di niya makita.
~end~
Puno nanaman luha ang mga mata ko. Mugto at makikita nanaman ng mga kaibigan kong mga baliw. aasarin nanaman nila ako. Tama na ang pag-iyak itulog ko na lang to kahit namimiss ko dapat di ako naiistress ng ganito...
ZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

BINABASA MO ANG
Cry a Thousand Tears (On-going)
RomanceLong Distance na matatawag ang relasyon na meron kami pero kahit ganoon di pa rin mawawala ang pangambang magkakaroon kami ng problema at kaakibat nito ay pagkalito. Long Distance mabilis bigkasin ngunit salitang napakalalim na halaga. Long Distance...