"Kailangan niyo ng mahanap ang anak ni Georgina at Raphael baka siya pa ang magpahamak sakin"
"Opo"
"Hanapin niyo yung babae na pinatahimik niyo dati at patahimikan niyo na ng tuluyan, Makakaalis na kayo"
"Masusunod po"
Mawawala ka din sa landas ko, ikaw ang balakid sa mga plano ko. Kaya ko nga pinatay ang georgina at raphael na yun para mawala sila sa landas ko eh ikaw pa kayang anak nila. Matitikman mo kong gaano ko papatikim ang miserableng buhay na meron ako noon at sayo ko ipapadanas yun. Makikita mo!!!!!!!
***
Nakalapag na ang eroplanong sinakyan ko kanina pa at kanina pa ako nandito sa waiting area ang tagal naman niya. Ang dami ko naman dala. Walang pinagbago ang pinas magulo pa din, maingay, walang disiplina at walang pakialamanan. Nakaupo lang ako dito habang hinihintay siyang dumating para sunduin ako, may gagawin pa kasi akong mahalaga at kailangan ko ang tulong niya.
"Nainip kaba bro" nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko at humawak sa braso ko. Kaya napalingon ako sa kanya.
"Ohhhh!!! ikaw pala akala ko kong sino, di naman ako nainip your just in time bro" ngiti kong sambit at tumayo na.
"Kamusta na JM, wala pa rin pinagbago ah" sambit niya at lumapit siya sa akin at ginawa namin ang sign namin as magkaibigan. Hand to hand then hug.
"Ok lang naman, kayo kamusta dito sander"
"Ok lang din naman, ayun wala pa rin pinagbago ang barkada"
"Ah!!! so kamusta siya ang pricessa ko" seryoso kong tanong.
"Baby princess ok lang naman siya, namimiss ka na nun ang tagal mo kasi umuwi eh"
"Namimiss ko na din siya at gusto ko na siya makita"
"Kami ba di mo kami namimiss bro"biglang sabi ng nasa likod ni Sander at nagulat ako na nakita ko sila at tumakbo sila sakin, pinagyayakap ako.bwisit may jetlag pa ako eh. Tinignan ko ng masama si Sander at ngumingiti lang siya ng nakakaloko.
"JM di ko kasalanan na sumama sila sa akin kusa silang sumama kasi narinig ng isang kutong lupa yung tawag mo at ang akala ko lapag ng airline mo kasi bro akala ko 4 pa yun naman pala 3 kaya nagmadali pa ako/kami"
"Tssss napaaga lang flight ko kasi gusto ko na makita si Rarina at magsialis nga kayo para kayong mga bakla na nakakapit sa akin" inis kong sabi.
"Anong kutong lupa ka diyan sander, ang gwapo ko naman kutong lupa no" sambit ni Philip.
"Duga mo dude di mo kami sinabihan" singit naman ni Damon
"Syempre suprise nga eh kaso nabuking na pala ako ni philip" sagot ko naman sa kanya.
"Buti na lang may kutong lupa tayong kaibigan" asar na sambit naman ni Matt
"Hoy Matt!!! anong kutong lupa ka diyan baka ikaw kutong panot....ahahahah" balik na asar ni Philip sa kanya.
"Yan na naman kayong dalawa eh!!! nagbabangayan pa kayo eh parehas naman kayo kutong panget buti pa ako gwapo" singit naman ni Tristan.
BINABASA MO ANG
Cry a Thousand Tears (On-going)
RomanceLong Distance na matatawag ang relasyon na meron kami pero kahit ganoon di pa rin mawawala ang pangambang magkakaroon kami ng problema at kaakibat nito ay pagkalito. Long Distance mabilis bigkasin ngunit salitang napakalalim na halaga. Long Distance...