"Bakit dito mo ko dinala"
"Ayaw mo ba, namiss ko pumunta dito eh"
"Wala lang!!! natanong ko lang"
"Ahhhh"
"So anong gagawin natin ngayon dito"
"Syempre dating gawi"
"Kaya pala!!! namiss ko na rin labanan kita sa karera jm ko"
"Ako din naman princessa ko"
Masayang naguusap sila habang nakahiga sila sa damuhan at balak nilang magkarera dahil nasa resthouse sila na pagmamay-ari ni rarina.
"Pero saglit jm ko iisa lang kotse na dali natin at sayo lang kaya paano naman tayo magkakarera aber?"
"Madali lang naman princessa ko, time kong sino mas mabilis yun ang panalo" sabay ngiti ng binata at tumingin sa kasintahan niya kaya napatingin sakanya ito "Sure ka?" nakakasiguradong tanong niya sa kasintahan niya at titig na titig ito sa mga mata niya.
"Oo naman sure na sure ako" pasigurado niyang sambit at pinisil niya ang ilong ng kasintahan niya. "Aray naman jm ko masakit!!! bitaw" inis niyang sambit.
"Ayaw ko nga" sambit ng binata at sabay dila pa dito kaya ang ginawa ng dalaga ay pisilin rin ang pisngi nito para fair sila.
"Ayan!!! ano ayaw mo bumitaw ah" at lalo pa pinanggigilan ng dalaga ang pisngi ng binata.
"Arr--ray!!! mhaskit nha princhessa kho" reklamo ng binata sa kasintahan niya.
"Bitaw ka na muna kasi sa ilong ko, lagi mo na lang pinanggigilan yan eh" bulol na sabi ng dalaga.
"Ah ano princessa ko di kita naiintindihan" sambit ng binata pero naiintindihan naman niya talaga kaya lang lalo niya lang iniinis ang dalaga.
"Ewan ko sayo jm ko" sambit ng dalaga at sumimangot na lang siya at tinanggal pagkakahawak niya sa pisngi ng binata.
"Ito naman di na mabiro, halika nga dito princessa ko namiss ko lang kasi pisilin yan ilong mo eh" lambing na sambit ng binata saka binitiwan yung ilong dalaga at saka hinalikan siya sa noo, sunod ang ilong niyang namumula at pisngi kaya napangiti ang dalaga sa ginagawang paglalambing sa kanya. "Yan buti naman ngumiti kana princessa ko pangit kasi kong nakasimangot di bagay, bagay sayo laging nakangiti kasi napakaganda mo eh".
"Bola ka na naman jm ko" nahihiyang sambit ng dalaga.
"Di ah!!! di ako marunong mambola pagdating sayo kasi ikaw yung tipong sineseryoso" biglang seryosong sambit ng binata kaya naptulala sa kanya ang dalaga at napatitig din sa kanya ang binata at palapit ng palapit ng biglang maputol.
"Ooooopppssss!!! nakakailan kana ngayong araw jm ko, tara na" agad na nakabawi ang dalaga sa pagkatulala kaya di nangyari ang gustong mangyari ng binata. Tulala pa din ang binata kaya tumayo ang dalaga at pinagpag niya yung suot niya at inabot niya yung kamay niya sa binata kaso tulala pa din kaya nilapitan niya to at kinaway-kaway yung kamay niya sa mukha niya.
Hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga at hinatak niya to pero mas mabilis ang dalaga kaya nakaiwas siya sa gagawin ng lalaki at lumayo ito agad sa binata kaya napatayo na lang ang binata.
BINABASA MO ANG
Cry a Thousand Tears (On-going)
RomanceLong Distance na matatawag ang relasyon na meron kami pero kahit ganoon di pa rin mawawala ang pangambang magkakaroon kami ng problema at kaakibat nito ay pagkalito. Long Distance mabilis bigkasin ngunit salitang napakalalim na halaga. Long Distance...