6 Silent Strangers

63 2 0
                                    

Bigla akong naalimpungatan sa pagtulog ko tapos na pala yung pinapanood namin at iba na ang nakasalang na cd kaya di ako napapansin ni Rarina na gising kasi may unan ako sa may bandang ulo kaya nakikita ko kilos niya pero di niya ako nakikita. Tulala na naman siya siguro iniisip na naman niyan si Jm. Yes i know him of course and we are happy for them that they build a best relationship ever as couple. Lagi na lang siyang tulala simula ng umalis si jm kala nga namin di na siya makakausap eh. Naging gloomy na siya at minsan na lang siya mayaya kaya ginawa namin tong over night to make her smile kahit hindi happy but course namimiss namin yung palangiting rarina at madaldal.

Tinignan ko siyang muli at parang wala sa sarili na lumabas siya kahit na ang dilim-dilim na ng bahay niya pero di na siya natatakot dati di makatulog yan ng di nakabukas ng mga ilaw takot yan sa dilim pero simula ng nawala sila tita at tito ganyan na yan wala nang kinakatakutan pero ng nagkaroon ulit siya buhay at kulay sa paligid niya marami na naman siya kinatatakutan at alam na alam namin kasi simula pagkabata magkakasama na kami at magbebestfriend. Dahan-dahan ko lang siya sinusundan kasi baka mapansin niya ako malakas pa naman pakiramdam niyan.

Lakad lang siya ng lakad na parang walang paki kong sino man makasalubong o wala talaga lang talaga siyang paki sa mundo sabagay ganyan siya dati simula ng nawala sila tita at tito. Malamang sa malamang din subdivision niya to kaya wala talaga makakapasok kundi patay ka sakanya. Pinamana sa kanya tong subdivision at yung rest house lang pero may mas malaking pinamana sa kanya at yun ay yung Platinum Gold Card niya trasfant kumbaga pero kahit anak at apo apuhan mo mabubuhay na to. Siya lang meron niyan eh kami wala typical na mayaman lang at may negosyo. Siya kahit di na magtrabaho mapapakain na niya sarili niya at mabibili na niya yung mga gusto niya. Kilala namin sila tita at tito pero never kong nalaman kong ano mga property nila. Ito lang talaga alam ko at sila mama at papa baka may alam; kaming mga anak nila wala.

Hoy lalim ng iniisip ah sigaw sa kanya at sabay akbay nito sa kanya kaya napatalikod ako at naglakad unti ng di ako mapansin o makita nila. Nakaramdam ako ng kirot sa puso lagi na lang ba ganito. Humarap ako sa kanila at masakit na makita na ganito sila kaclose matagal na rin naman dapat sanay na sanay kana athena kumbinsi ko sa sarili ko. Dito ako sa gilid ng puno tahimik na nagmamasid sa kanila. Alam ko naman na gusto niya si Rarina eh. Sino ba di magkakagusto kay Rarina living doll yan eh sa sobrang ganda niya at sexy minsan pag tumatabi ako sa kanya naiinsecure ako pero kaibigan ko siya kaya dapat na di ko naiisip ang mga bagay na yun. Sabi nga niya sa akin na maganda ako at boto daw siya kay Philip para sa akin. Kasi alam niyang may gusto ako sa kanya or shall i say mahal simula ng mga bata pa kami kaya nga bestfriend lang turing niya sa akin eh.

Para akong nanonood ng movie kasi bawat titig at ngiti niya kay Rarina ay para lang kay Rarina lang yung mga yun. Ganyan siya kasaya kay Rarina. Nakikita ko kong gaano siya kasweet sa kaibigan ko kaso si Rarina matagal na niyang alam na gusto siya ni Philip kaso may JM na siya yun ang sabi niya kaya di niya pwede magustuhan si Philip kasi turing lang talaga nia rito ay kaibigan lamang at ayaw niya ako masaktan pero sa nakikita ko ngayon kong gaano sila kasweet nasasaktan ako ng sobra kahit walang malisya sa kaibigan ko. Bakit nga pa kasi ako sumunod eh sermon ko sa sarili ko. Iyak lang ako ng iyak kahit wala naman nakakaiyak sa nakikita ko pero masakit sa bandang puso kaya napapaiyak talaga ako. Di ko naririnig mga pinag-uusapan nila kasi malayo ako at ayaw ko magpakita sa kanila masisira ko yung moment nila.

Oh bat dito ka lang ba ah Athena bat di ka kaya pumunta dun!!!

Paki mo ba sagot ko pero gulat ako mapalingon kong sino nagsalita na lalaking nasa likod ko at nag-atrasan lahat ng luha ko pabalik. Kuya Sander lang pala akala ko kong sino kahit dalawang taon lang agwat namin tawag ko pa rin sakanya kuya kasi magalang akong bata kahit di halata.

Cry a Thousand Tears (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon