12 We can't stop

63 1 0
                                    

Riiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnngggggggggggggggggggggggggg

Hudyat ng paglabas ng mga studyante, nagsisiunahan umuwi kasi naman bored na bored na sila, kakaumpisa palang ng klase pero excited lahat umuwi.

"Tara gala tayo" yaya sa amin ni athena.

"Oo nga nakakabagot ng maghapon lang tayo nakaupo dito sa klase natin" tamad na sabi ni marie.

"Sabagay may point kayo walang exciting nangyayari sa buhay natin ngayon!!! tara lets go to mall" excited na sabi ni annica.

"Kayo na lang!! pass muna ako" paalam kong sabi sa kanila kaya nawala yung excitement nila sa mga mukha nila.

"Bakit?naman rarina maaga pa naman ah"

"Wala lang type ko lang maaga umuwe annica"

"Ganun ba sayang naman" walang buhay na sabi ni annica.

"So mauna na ako sainyo ah!!" paalam ko ulit sa kanila.

"Sabay-sabay na tayo sa parking lot!! so athena at annica tayo lang ngayon" sabi naman ni marie at tumingin sa dalawa at nagsmile.

"Sige na nga!!! sama ka next time ah rarina kulang kasi bonding natin kahapon" paalalang sabi ni athena

"Oo naman no!!! tinatamad lang ako umalis ngayon kahit wala tayong assignment"

"Yun na nga eh walang assignment pero di ka sasama pero next time ah bawi ka na lang sa amin"  sabi naman ni marie habang palakad na kami papuntang parking lot.

"Oo na po madam marie" ngumiti lang ako sa kanila kasi alam ko nagaalala sa akin yang mga yan at ngumiti na rin sila. Sabay-sabay kaming sumakay sa sasakyan namin at nakasunod lang sila sa akin. Nakalabas na kami pero may likuan, kaya dun ako sa right pauwi pero sila sa mall left naman sila kaya bago ako umandar ulit tumingin muna ako sa tatlo at nagwave at ganun din sila. Kaya after ng paalaman umuwi na ako pero bigla akong lumiko ulit sa right side ko kasi ang left side ko ay pauwi na talaga ng diresto pero iba ang tinatahak kong daan.

Nagstop ako dito kong saan kami madalas ni JM. Dead End na kasi talaga tong right side at walang nakatira dito o nagpupunta dito pero sa amin ni JM paraisao ito dahil makikita mo yung magandang tanawin sa loob ng gubat na to.

Pumasok ako sa masukal na gubat at pumunta sa malaking puno na gitnang gitna, pumwesto ako sa ilalim ng malaking puno at pumikit ako saglit para maramdaman ang kapayapaan ng paligid at pagmulat ng mata ko tanaw na tanaw ko yung dagat sa harap nito. Di ko nga alam na may ganito eh dito kong di lang ako dinala dati ni JM dito. Napakapaya ng tanawin at kapaligiran maririnig mo lang huni ng ibon at mga punong akala mo'y nagsasayaw sa hangin.

Dito rin ang huling araw namin na magkasama kami. Nandito lahat ng masasayang araw na magkasama kami. Pumikit ako para alalahanin lahat ng mga araw na magkasama kami. Namimiss ko na siya ng sobra, nitong mga nakaraang araw madalang na siya magmessage o tumawag man lang dahil ba sobrang busy niya. Nakakaligtaan na niya akong tawagan at message man lang kahit isa. Ako na nga minsan ang tumatawag sa kanya kaso laging busy.

Gusto ko siya makausap man lang kahit di kami magkita ayos na sa akin. Lalo lang ako nangungulila sa mga panahon na namimiss ko siya. Gusto man magduda ng isip ko ngunit ang puso ko tutol sa sinisigaw ng isip ko. Gusto ko man magtiwala sa kanya ngunit sarili ko wala akong tiwala lalo na't di nakikisama ang isip ko sa puso ko.

***

Nakatanaw ako sa nakapikit na nakaupo sa puno at humahangin ang buhok niya. Napakagandang bata pero makikita mo ang lungkot sa pagkatao niya puno ng kalungkutan at alam ko na kong bakit?pinapabantay sa akin ni Emperor to para pangalagaan ang susunod na henerasyon.

Cry a Thousand Tears (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon