8 years na ang nakakalipas ng marinig ko sila tita at tito ng di sadya kasama ang parents namin pati parents nina marie, athena at annica.
~Flashback~
"Paano yan georgina alam na ng emperor kong saan kayo" seryosong tanong ni mama.
"Di ko alam di habang buhay nagtatago kami" seryosong sagot ni tita georgina.
"Pero kailangan natin magtago ulit dahil kay rarina para sa kaligtasan niya ayaw ko siya mapahamak at alam mo gaano kagulo sa mundong ginagalawan ng tatay mo kaya tayo tumakas dati" seryosong mahabang paliwanag ni tito raphael.
"Alam ko love" tipid na sagot ni tita goergina.
"Sa ngayon mag-ingat na lang tayo" sambit ng mama ni marie.
"Tama siya kailangan natin ng doble ingat" sambit ng mama ni annica.
Seryoso lahat ng nasa office nila mama at papa kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko para malaman kong bakit?ganoon na lang takot nila sa emperor na yun. Nagulat sila ng makita nila ako sa harap nila at seryosong nakatingin sa kanila.
"Sino si Emperor mama" curious kong tanong sa kanila at parang di sila makapaniwala na narinig ko pag-uusap nila.
"Iha usapang matatanda to labas kana muna ah" sambit ni tita georgina, ang unang nakabawi sa pagkabigla di ako tanga kasi may isip na ako at nagdadalaga na rin ako kaya kailngan kong malaman.
"Tita di pwede kailangan kong malaman dahil tungkol to kay liltle sis ko" pag-aalalang sambit ko.
"Baby princess" maawtoridad na sambit ni papa
"Pero pa---" naputol agad sasabihin ko.
"Walang pero-pero danielle shin, walang kang narinig at wala kang pagsasabihan" seryosong sabi ni papa at pag binanggit na niya pangalan ko alam kong dapat na ako tumigil.
~End of Flashback~
Pero mapilit ako kaya inalam ko lahat hanggang sa pumasok ako sa gangster world at buti na lang natrain ako ni papa at mama kasi lagi nila pinilipit yung mga martial arts na ayaw ko naman talaga at paghawak ng baril at iba-iba pang weapon di ko alam para saan pero ngayon alam ko na para sa proteksyon sa sarili ko at kay lil sis ko. Hinding hindi ko hahayaan na makuha siya ni Emperor. Nalaman ko ang dapat malaman dahil na rin sa naging gangster queen ako at masayang nalaman ko na pinsan ko pala si Rarina, sobrang saya ko ng malaman ko yun pero ang di ko malaman kong bakit? kailangan niya pang kunin sa amin si rarina. Matagal ko nang gustong malaman yan pero ng nalaman ko at ito ang nakapagpahamak sa akin. Kaya nawalan ako ng boses na di ko alam kong paano ibabalik at paano nangyari dahil lang sa isang pagkakamali ko.
Kahit mga doctor di maipaliwanag ng nawalan ako ng boses at nagkaroon din ako ng sakit kaya nakakapagtaka dahil alam kong healthy ako. Kaya ngayon may taning na buhay ko at nakakapgtaka na buhay pa ako ngayon dahil alam ko sa sarili ko ay mamatay ako sa saktong birthday ko pero di pa pala sa tagal ng tulog ko at lantang gulay ako ng nagdaang taon. Bumitiw na rin ako sa pagiging queen at nalaman ko na naging queen din si rarina at doon ako nagsisisi ng ipakilala ko siya sa mundong ginagalawan ko dahil hinanap niya gumawa sa akin pero nahanap niya at di mismo yung gumawa sa akin kundi underlying lang ni emperor. Pagkakaalam ko may tinu-----------
"Danielle masaya kaba sa suprise namin" tanong ni mama at tumango lang ako bilang sagot ko, kanina pa pala ako tulala at duon ko lang napansin na nandito kami sa garden kumakain ng di ko namamalayan dahil siguro kakalakbay ng isip ko.
***
"Ano Nico nakilala mo na kong sino"
"Wala daw boss eh!!! Kahit ginamit ko na pangalan ko pero daw wala silang ganoon na kotse kahit sa ibang company nagtanong na ako eh pero ito yung listahan lahat ng kotse, wala sa pilipinas pero sa ibang bansa tatlo at ang may-ari ay poro naman lalaki"
"Ano walang kwenta naman to" di makaniwalang sambit ko. Tumungo lang siya at binigay sa akin yung papel pati na rin tatlo hinihintay ko pa baka may balita sila.
Tinignan ko isa-isa wala ngang kotseng green kaya hinagis ko na lang sa lapag at humiga na lang.Nakakayamot naman dito at kanina pa kami naghihintay. Nandito kasi ako sa condo ko ngayon at iniisip si blondie girl. Nakakainis ilang months na di ko pa rin siya nahahanap o nakikilala man lang kahit pangalan man lang malaman ko ok na!!!!
Lagi ko iniisip yung paghalik ko sa kanya. Bakit?ko nga ba nagawa yun dahil natetempt ako na halikan siya. Kissable lips ba naman kasi... Parang bakla na ata ako...hahahah...
"Oh boss bat ka ngumingisi diyan"sambit ni Jin. Nandito na pala sila ng di ko namamalayan kaya napatayo ako at sumalubong sa kanila.
"Tss"
"Ito na boss nakuha namin" sambit ni Frederick
"Lahat ng may kotse ng copper dito sa pilipinas lahat nandyan pero ang nakakapagtaka boss walang green" biglang sambit ni Daniel
"Kaya nga boss at sinama na rin namin diyan yung ibang bansa pero tatlo lang ang meron niyan poro naman lalaki ang may-ari" sambit naman ni
"Tss walang kwenta yan din dala ni Nico eh" inis kong sambit.
"Pero try mo boss yung mga mukha baka isa yung babae mo" biglang sambit ni Nico at kinuha ko ulit yung papel at iniscan pero wala talaga kaya kinusot ko at binato sa lapag sa sobrang badtrip ko.
"Oh boss chill" sambit naman ni Daniel at tinignan ko lang siya masama.
"Makikita mo din yun boss malay mo diba nasa tabi-tabi lang"
BINABASA MO ANG
Cry a Thousand Tears (On-going)
RomansLong Distance na matatawag ang relasyon na meron kami pero kahit ganoon di pa rin mawawala ang pangambang magkakaroon kami ng problema at kaakibat nito ay pagkalito. Long Distance mabilis bigkasin ngunit salitang napakalalim na halaga. Long Distance...