QUEEN!!! QUEEN!!! QUEEN!!!
Yan lang maririnig mo sa buong Battle arena sigawan ng mga gangster. Magkaiba ang gangster arena kaysa dito sa battle arena. Gangster arena doon nagtitipon ang mga gangster pag may mahalagang annoucement pero ang Battle arena ay dito mo makikita ang labanan, laban ng mga gangster na gustong magpustahan. Mahigit siyam na buwan ang nakakalipas ng mangyari ang pinakamasakit na kaganapan kay Queen.
Oo bumalik ang dating Queen dito sa gangster world pati kami. Masakit isipin na wala na naman ang dating sigla niya. Nawala pati yung nararamdaman niya. Napapaiyak ako pag nakikita ko siyang walang emosyon at malamig siya sa amin. Namimiss na namin ang palatawa at palangiting Rarina Classy.
Nanonood kami ngayon ng laban niya at alam namin na diyan lang nabubuhos yung sakit na nararadaman niya. Nandito kami sa isang VIP room para lang sa amin pero nakikita ito sa arena dahil kami lang naman pwede umupo dito. Nakikita din namin lahat ng mga gangster na nanonood at dito rin nakatingin ang ilan pero nakita ko kong paano nila panoorin si Queen.
Syempre nakakagulat naman diba na bumalik kami dito sa gangster world. Akala namin di na kami babalik dito pero bumalik pa rin kami dahil sa kanya ng nalaman namin na bumalik siya dito, nakikipaglaban at nakikipag drag racing sa mga gangster syempre nagalala kami.
Nandito rin ang dalawang gang lahat sila kompleto pati guardian, nakikita namin kong paano sila humanga sa galing ni Queen makipaglaban. Sino ba di hahanga sa galing niya at napapatingin din sila sa gawi namin kahit di pa kami tumingin pero nararamdaman namin yung mga matang nakatingin sa amin. Ang tatlong guardian din ay nabigla rin saming pagbabalik sino ba di mabibigla eh matagal na kami nagquit sa ganitong laro pero sa nakikita kong paano paslangin ni Queen ang mga kalaban niya. Tama kayo ng iniisip di lang iisa ang kalaban niya kundi nasa thirty plus at brutal kong brutal ang ginagawa niya talagang patay, may napuputol ng mga parte ng nasa katawan nila at at ang iba ay takot sa mga mata nila na di sila makalapit kaya tumatakas pero nahuhuli niya agad ang gustong tumakas sakanya, kong sino man ang haharap sa kanya ay nawawalan agad ng buhay sa isang iglap at nasa iisang pwesto lang siya simula umpisa di siya umaalis sa pwesto niya na siya lang makakagawa nun kahit kaming tatlo di kaya yung ginagawa niya. Wala talaga silang takas dahil sa entrance mismo siya nakaharang, na ang tanging labasan lamang ngunit ang hawak niya lang na sandata sa kamay ay katana di rin kami magtataka kong may nakatagong dagger sa loob ng botts nito, meron din siyang needles sa likod na alam namin may lason yun na isang iglap pagnatamaan ka nun wala pang minuto mamatay kana. Ito kasi ang mga traydor/rogue sa Gangster World dahil sa panahon na nawala kami madaming lumalaban o ayaw ng iba ang namumuno dito dahil ang gusto nila kami lang mga Queens. Nakakairita lang di lang dapat kami nanonood dito kundi kasama kami dun sa ginagawa niyang pagpaparusa sa mga nagtaksil sa Gangster World. Wala naman kami magagawa dahil yun ang gusto niya. So we should behave coz once we do not obey the order of her we will have also a punishment that we not want to.
Di naman makikita ang mga mukha naming apat dahil may takip ito na pare-parehas kami ng disenyo pwera lang sa mga damit namin at buhok ni Queen na iba dahil nilagyan niya ng wig na di mahahalata with matching ponty tail kaya akala mo totoong totoo pero fake pala.
Sa mga nangyayari ngayon at nakikita ko sa battle arena bumalik ang dating Queen namin na walang pakialam sa mundo kong sino man makakita sakanya na pumapatay dahil ang mata niyang napakalamig na walang buhay at nakangiti siya na akala mo parang laruan lang niya ang mga nasa harapan niya pero masama to na kailangan namin siya babain at hatakin dun dahil nakita ko sa mga mata niya yung lust sa pagpatay dahil dun kinikilabutan ako na kahit ilang minuto lang baka mawipe out tong battle arena. Kaya napatulala ako sa nakikita kong mga mata niya nagbibigay kilabot sa buong sistema ko dahil samin siya nakatingin.
BINABASA MO ANG
Cry a Thousand Tears (On-going)
Любовные романыLong Distance na matatawag ang relasyon na meron kami pero kahit ganoon di pa rin mawawala ang pangambang magkakaroon kami ng problema at kaakibat nito ay pagkalito. Long Distance mabilis bigkasin ngunit salitang napakalalim na halaga. Long Distance...