Last Week before Birthday of Danielle Shin :))
Grabe napuyat ako kagabi kasi ang kukulit nila marie di nila talaga ako tinantanan na magkwento pero di ko pa rin sinabi no tutuksuhin lang nila ako pag nagkataon. Gabi na rin kasi kami nagsiuwian dahil nagtagal pa kami sa hospital dahil sa sobrang tagal di namin siya nadalaw dun. Gising na ako pero ayaw ko pa bumangon kasi saturday naman literal na walang pasok at maaga pa naman. Tinignan ko yung clock ko at nagulat talaga ako 12:00pm na pala. Ganoon ba talaga ako napagod at puyat na puyat, malamang kasi no anong oras na kami nakauwi at di lang gabi kundi madaling araw na kaya ganyan siguro gising ko. Tumayo na ako at ginawa ko na ang morning rituals ko. Bakit nga ba di ako ginising ni Mama Rosita nakakapagtaka. Bumaba na ako at wala man lang ako nakitang mga tao ano ba tong bahay ko walang katao-tao saan kaya nagpunta mga tao dito. Makapunta nga sa kitchen pero wala din tao at may napansin akong flowers ang laki-laki pero ang nakakamangha green flowers may favorite kaya patakbo akong tinignan at inamoy-amoy to.
Ang bango talaga ng amoy nito natural na mabango at fresh pa siya. Sa ibang bansa lang kasi meron nito eh wala dito sa pinas kong meron man at may makikita ka man fake yun. Pagmulat ng mata ko may nakita akong maliit na papel sa harapan ko pero kanina wala akong napansin. Malamang sa malamang pagkakita ko palang kasi tong flowers agad sinunggaban ko na...hahahah...Kinuha ko yung card at binasa ko ang nakasulat dito ay "Green is the prime color of the world,and that from dream sky which its loveliness arises and everything is natural way to infinite my life for you"- JM. Nagulat ako sa nabasa ko dahil madalas sabihin sa akin ni jm ang katagang to pag binibigyan niya ako ng flowers lalo na't favorite ko ang green flowers.
Di ko namamalayan na umiiyak na pala ako at binasa ko ulit yung dulong nakalagay "I Love You and Have a nice day princessa ko". Pinunasan ko yung mga luha ko sa pisngi pero kahit ganoon kusa pa rin ako lumuluha ang mga mata ko. Di ko mapigilan di yung typical na iyak kundi tears of joy and love. Niyakap ko yung flowers at sakanya pala galing, ang galing naman... May napansin ulit akong Papel sa lamesa naman kaya kinuha ko to at binasa "GARDEN" yun lang nakalagay kaya pumunta ako doon pero wala naman tao. Babalik na sana ako kaso nagulat ako ng may palapit sa akin. Natulala ako sa nakikita ko. Waaaaaaaaahhhhhh ang cute no scratch that words not literally cute it's super duper cute puppy husky. Tumakbo sila ng malapit na sila sa akin at pumunta sa paa ko at dinidilaan nila yung paa ko para silang kambal parehas ng color ng balat pero magkaiba sila ng color of eyes. Kaya binaba ko muna yung flowers sa lamesang katabi ko saka ko sila tinignan at super cute talaga nila. Pinagdidila pa rin nila paa ko kaya yung isa mo na kinarga ko yung may blue collar at tinignan kong may panglan kaso wala basta alam ko lalaki to at tinignan ko rin yung mata niya wow pure black. Bilog na bilog ang mata niya at black na black. Binaba ko muna siya at yung isa naman kinuha ko yung may pink na collar alam ko babae to kasi malamang sa malamang pink eh wala din kasi pangalan pero ang ganda rin ng mata niya blue eyes.
"Super Cute no"
Nagulat ako sa nagsalita at nakita ko lang yung sapatos niya black sneakers. "Oo super, ano kaya pangalan nila at naligaw sila dito sa bahay ko" sambit ko ng nakangiti.
"Sayo yan princessa ko" pagkabanggit niya sa pangalan ko napatingala ako sa kanya at natulala. Bumuhos na naman yung luha ko na kanina lang ay meron. "Nanaginip ba ako" naisa tinig ko ng di ko namamalayan ay dapat sa isip lang.
"Hindi ka nanaginip rarina, hindi mo ba ako namiss at wala akong yakap at ki------" di na niya natuloy yung sasabihin nya kasi niyakap ko siya ng mhigpit.
Tuloy pa rin ako sa pagiyak at hinigpitan ko lalo yung yakap ko pati na rin siya hinigpitan niya yung yakap niya sa akin. Parang ayaw ko na siya pakawalan baka nanaginip lang ako. "Ayaw ko na magising kong panaginip lang to" di makapaniwalang sambit ko.

BINABASA MO ANG
Cry a Thousand Tears (On-going)
RomansaLong Distance na matatawag ang relasyon na meron kami pero kahit ganoon di pa rin mawawala ang pangambang magkakaroon kami ng problema at kaakibat nito ay pagkalito. Long Distance mabilis bigkasin ngunit salitang napakalalim na halaga. Long Distance...