~CHAPTER NINE~
-----------
Kylie's Pov
*Next Day*
Nandito na ko sa room. Wala pa sila Ara eh. Anong oras na kaya ang ginawa ko dinukdok ko na lang ang mukha ko sa desk.
Hindi matanggal sa isip ko yung nangyari kahapon. Akala ko, hindi nila ko lalaitin pero mali pala. Bakit ganun? Bakit hindi ako masanay? Nakakainis naman eh. Ayan napapaluha nanaman tuloy ako.
Tumungo ako at tumingin sa taas sabay pikit, ''Masanay kana Kylie. Masanay kana. Diba nilalait ka din naman? Masanay kana.'' sabi ko sa sarili ko.
''You don't need to be. Why not try to change? Ayaw mo kasing i-try na bumalik ka sa dating ikaw. 'Wag mong ipilit ang bagay na hindi naman talaga karapat-dapat sayo.''
Nagulat ako sa nagsalita kaya napadilat ako.
Halos malaglag na ko sa upuan ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
''P-panong--?''
''Just try, please?'' sabay upo niya at nakinig sa music.
Tinignan ko si Blake, oo. Si Blake ang taong biglang sumulpot.
''Sorry Blake, but I don't want to." bulong ko sa sarili ko.
Bakit ba lahat na lang sila gustong ibalik ang dating ako? Ayoko na nga eh. Ayoko na.
**
Lunch na, at nagsama-sama kaming magbabarkada present nga lahat eh. Kasi pati si Ate Love nandito.
"Aww guys! I miss you all na! Sobra. Kasi naman yung sched ko eh! Nawawalan na ko ng time sainyo." - Ate Love
Natawa naman ako ng bahagya sa inasta niya para kasi siyang bata nagpout pa.
"Miss kana din naman namin Ate eh! Dalaw dalaw din kasi sa Room namin pag may time ha? Kahit vacant mo." - Ericka
"Che! By the way, sige ganto na lang kada uwian niyo pupuntahan ko kayo. Kada Monday, Wednesday and Thursday okay? Maaga kasi lagi uwian namin sa tatlong araw na 'yun." - Ate Love
Napatingin naman ako kay Ara kasi nga diba? Community Service kami.
"We can't." - Ara
Napatingin naman sakaniya lahat except ako kasi kanina pa nga ako nakatingin sakaniya eh -_-
Yung mga mukha nila Ericka nagtataka tapos yung mukha naman ni Ate Love malungkot.
"Bakit? >3
"Argh! Stop pouting Ate! Guys! Hello? Community Service diba?" - Ara
Napaisip naman sila Ericka.
"Ay oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan >_
"Ah hehehe. Sorry, nawala sa isip ko." - Ericka
"Mianhe I forgot." - Beshy
Tumango naman si Ara at tumingin ulit kay Ate Love.
"Wait, did you say community service?" - Ate Love
"Oo Ate, community service kami."
"Why?" - Ate Love
Napatingin naman sila Ara sa'kin.
Hindi ko alam kung pano sasabihin. Argh! Pano ba? Ayokong malaman niya. Gusto ko kung sino lang ang nakakita 'yun lang ang makakaalam.
BINABASA MO ANG
CAMPUS NERD TO CAMPUS QUEEN
Teen FictionTitle:: CAMPUS NERD TO CAMPUS QUEEN?? ------------- PROLOGUE : MAGANDA KASO NERD, MALINAW MATA KASO NAKAMAKAPAL NA SALAMIN, MAPUTI AT MAY MAGANDANG NGIPIN KASO NAKABRACE, SEXY KASO HINDI FASHIONABLE ANG ISINUSUOT, MAYAMAN PERO HINDI HALATA, ALAMIN A...