~CHAPTER THIRTEEN ~
---------------
Kylie's Pov
Uwian na. At ayun nga nagsipuntahan na kami sa kaniya-kaniya naming lugar. Buti na lang at Corridor lang ang natoka samin ni Blake. Kaso malaki-laki pa din 'tong lilinisin namin. Tsk.
Pagkadating ko sa unang part na lilinisan namin ni Blake. Halos malaglag ang mata ko sa nakikita ko.
Ang daming papel na nagkalat. Pati mga plastic bottles ay dito din nila tinapon. Sinadya ba nila 'to o hindi? Tss. Nilagay ko ang bag ko sa isang gilid at nagsimula ng pulutin ang mga kalat at nilagay ko ito sa Garbage Bag. Grabe, wala pa din 'yung kasama ko maglinis. Asan na ba 'yung pipe na 'yun?
*After 30 minutes.''
Lintek naman oh! Ang sakit sakit na ng balakang ko kakapulot-tayo-lakad-pulot-tayo-lakad dito! Hanggang ngayon wala pa din! Grabe ha! Ang bait niya! Tss.
Pupulutin ko na sana 'yung papel kaso saktong may humawak din nun. Kaya napatingin ako sa nakasabay kong pumulot.
Ohlala *Q* ang pogi niya. Nakasando na lang siya at nakasukbit sa balikat niya ang t-shirt niya pawis na pawis pa siya at halatang hingal na hingal. Pero teka! Dapat galit ka sakaniya, Kylie! Ano ba!
''S-sorry ngayon lang a-ako nakapunta. Ang hirap kasing takasan nila Ian kaya n-ngayon lang ako nakahabol. Sorry ha? Magpahinga ka muna. Ako na muna ang pupulot.''
Habol hininga niyang paliwanag. Infairness ang haba ng sinabi niya. Ayun na ata ang pinaka-mahabang sinabi niya sa'kin.
''S-sige.'' ayun lang ang nasabi ko at umupo.
Uminom muna ako ng tubig at tinignan ko siyang magpulot. Ang pogi niya talaga. Hindi mo maiiwasang mapatingin sa labi niya. Napaka-kissable ang sarap hal---
*Bzzt Bzzt*
Nagulat ako nung nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko naman 'yun. At si Kuya pala ang nagtext.
From: Kuya <3
- Heyyy! Lil sis! Saw you at the Corridor sitting while looking at the Rank 1 prince. Baka matunaw 'wag masyadong titigan. Hahaha. Btw, ikaw ako at si Kaitleen. Sabay sabay ulit tayong uuwi. Magpa-practice lang ako ng basketball. Tapos si Kaitleen naman may aasikasuhin lang sa CQ's Room. Sige, ingat! Hindi mo sinabi sa'kin na nagco-community service kayo. Tsk tsk. Explain later, baby. Bye! Loveyou :*
Ang haba naman ng tinext niya. Mala-mmk. Nagreply naman ako.
Pero teka, k-kasabay namin si Ate na uuwi? Sheez. Sana naman hindi maging awkward ang atmosphere mamaya sa sasakyan ni Kuya.
Pagtingin ko kay Blake ay nakita kong pawis na pawis na ito at omg! Bakat na 'yung abs niya dahil sa pawis.
Nilapitan ko siya at pinunasan ko ang pawis niya. Nagulat naman siya, ngumiti na lang ako.
''Magugulatin ka naman masiyado. Nagkakape kaba?'' tanong ko at pinunasan ulit ang pawis niya.
Umiling naman siya.
''Magsalita ka naman. Alam mo minsan pipe ka minsan hindi. Ang gulo din ng takbo ng buhay mo eh. Hahaha!''
''Tss.''
Pinisil ko naman ang ilong niya.
''Fvck! What was that for?!'' inis na sabi niya sa'kin.
Binatukan ko naman siya at syempre nainis naman siya lalo.
''Hahaha! You''re cute you know. At para sa batok? Bawal magmura.''
''There's no rule for cussing!'' singhal niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
CAMPUS NERD TO CAMPUS QUEEN
Fiksi RemajaTitle:: CAMPUS NERD TO CAMPUS QUEEN?? ------------- PROLOGUE : MAGANDA KASO NERD, MALINAW MATA KASO NAKAMAKAPAL NA SALAMIN, MAPUTI AT MAY MAGANDANG NGIPIN KASO NAKABRACE, SEXY KASO HINDI FASHIONABLE ANG ISINUSUOT, MAYAMAN PERO HINDI HALATA, ALAMIN A...