~CHAPTER ELEVEN ~
Kylie's Pov
I can't. Parang hindi ako makahinga sa nakikita ko.
Ang picture ko ang nakalagay dun. Pagkatapos ay may nakalagay sa ilalim nun na 'Campus Nerd' may mga pictures pa ko dun na 'yung natapunan ako ng pintura, nahalikan ang sahig nung tinisod ako ni Vanessa nunf first day, nung natapunan ako ng juice. Pero hindi lang 'yun meron pang picture dun na magkasama kami ni Blake papasok eto 'yung mga oras na lagi kaming magkasama dahil sa project. Nagtatawanan kami nun.
Nasa isang bond paper 'yun at may-nakalagay sa ilalim ng picture na:
BEWARE! MALANDI 'YANG NERD NA 'YAN KAYA KUNG AKO SAINYO IWAS-IWASAN NIYO NA 'YAN BAGO PA NIYA MAAHAS ANG MGA BF NIYO. KUNG MAKALANDI AKALA MO NAPAKA-GANDA.
P.S ON THE SECOND THOUGHT WALA NGA PALANG PAPATOL SAKANIYA DAHIL PANGIT SIYA. HAHAHAHAHAHA!
Hindi ko kinaya ang nakikita ko kaya tumakbo na ko papuntang CR.
Nilock ko ang sarili ko sa isang cubicle at dun umiyak.
Ang sakit! Bakit kailangan pa nila kong siraan?! Ano bang problema nila?!
''Beshy? Beshy asan ka? Beshy ako 'to, lumabas ka naman oh. Please.''
Hindi ko namalayang nakapasok na pala si Beshy dito sa CR.
Binuksan ko ang cubicle ko at sakto namang nandun si Beshy kaya niyakap ko siya agad.
''Beshy ang sakit. Bakit kailangan pa nilang siraan ako? Okay lang naman nasaktan nila ako kaso 'yung gawin ang bagay na 'yun? Ang sakit beshy. Sobra.''
Iyak ko sakaniya. Siya naman ay hinahagod lang ang likod ko.
''Beshy, tama na. Hayaan mo na sila. Kami bahala nila Doms dun. Kaya tama na Beshy. Tahan na.''
''H-hindi ko kaya B-beshy eh. M-masakit.''
''Kaya nga beshy gusto naming bumalik ka sa dati. Para makalaban ka. Please Beshy bumalik kana sa dati.''
''Ayoko *sob* ayoko ng bumalik sa dati *sob*''
''Bakit ba, Beshy? Bakit ba ayaw mo?''
''Meron akong rason *sob* ayoko ng maulit ang *sob* dati.''
''Siguro nga hindi ko na talaga kayang baguhin ang isip mo. Sige, basta tatandaan mo. Nandito kami palagi sa tabi mo. Hindi ka namin iiwan. Kung iiwan ka man namin, sisiguraduhin namin na malakas kana sa panahon na 'yun. Kaming bahala sa'yo Beshy.'' at niyakap niya na ko pabalik.
''Salamat Beshy. Salamat.''
''Nag-bell na hindi na tayo nakapasok. Tara sa garden na lang muna tayo Beshy.''
Tumango ako at nag-hilamos muna bago lumabas.
Bryan's Pov
Late na ko! Lintek! Sumakay na ko sa motor ko at pinaharurot agad ito wala na kong pake kung mahuli ako basta late na ko!
Pinark ko agad ang motor ko at tumakbo papuntang room. Sht wala ng tao sa Hallway.
'Yung iba ngang nadadaanan kong Classrooms napapatingin sa'kin 'yung mga studyante. Kasi nga diba Glass ang bawat room pwera sa pinto xD
Pagkadating ko sa tapat ng pinto ay kumatok agad ako. Bumukas naman ito at sineswerte ka nga naman! Buti hindi mahigpit ang Teacher namin ngayon.
BINABASA MO ANG
CAMPUS NERD TO CAMPUS QUEEN
Teen FictionTitle:: CAMPUS NERD TO CAMPUS QUEEN?? ------------- PROLOGUE : MAGANDA KASO NERD, MALINAW MATA KASO NAKAMAKAPAL NA SALAMIN, MAPUTI AT MAY MAGANDANG NGIPIN KASO NAKABRACE, SEXY KASO HINDI FASHIONABLE ANG ISINUSUOT, MAYAMAN PERO HINDI HALATA, ALAMIN A...