Blake's POV
makalipas ang isang buwan, sa isang buwan na yun, hindi ko alam ang nararamdaman ko kung mahal ko na nga ba talaga si kylie, dumating naman ung mga barkada ko, guilting guilty din sila sa nagawa nila kay kylie.
"Dre, alam kong may gusto ka na kay kylie, pero huwag mong pabayaan ang sarili mo"-sabi ni john
"onga dre, alam kong mapapatawad din tayo ni kylie, pag nagtagpo uli kayo."-sang ayon sa salita ni kian, pero tiningnan ko lang sila ng cold, hindi ko mapatawad ang sarili ko, kung hindi sana namin pinagpustahan si kylie edi sana walang naganap na aksidente. edi sana nakakapasok sya.
"hindi ko alam kung nasaan si kylie"- sabi ni eithan, sya ang nag tatrack kay kylie kung nasaang hospital ito ngunit hindi mahanap ni eithan si kylie,
" magpahinga na muna kayo, alam kong pagod din kayo sa pag hahanap kay kylie"-sabi ko nagsitanguan naman sila at lumabas ng HQ ako nalang mag isa dito sa HQ at nag iisip kung pano ko hihingi ng sorry kay kylie........
-------HOSPITAL-------
kylie's POV
nagmulat ang mata ko at nakita ko naman kung nasaan ako ang natatandaan ko nabangga ako ng kotse tumingin naman ako sa paligid at katabi ko si ate kaitleen at nakahawak ang kamay niya sakin. nakita ko naman sa sofa na natutulog si kuya DJ and nakita ko din si kuya drake na natutulog din sa sofa...bigla akong nakaramdam ng uhaw tila ba ilang buwan akong hindi uminom ng tubig.kaya ginalaw ko ang kamay ko... nagising naman si ate kaitleen at napatingi ito sakin nang may gulat sa muka...
"k-kylie... g-gising ka na!!!!"-sigaw ni ate kaitleen kaya nagising din sila kuya dj at kuya drake at napapunta sila sa hinihigaan ko at tinanong ako kung ano kailangan ko ng may pag aalala sa muka nilang lahat... tiningnan ko naman sila ng isa isa ng cold.. nagulat naman sila dahil nakita nilang walang ekspresyon ang muka ko...
"k-kylie.. kamusta ka na?"-sabi ni kuya dj kaya napatingin ako sa kanya subalit wala pa ring ekspresyon ang muka ko.
"o-ok lang kuya.."- cold kong sabi nagulat naman sya sa pag sasalita ko pero di ko nalang pinansin yun...
"gusto mo ba ng pag kain kylie?"-tanong ni kuya drake kaya napatingin din ako sa kanya seryoso lang sya ngunit mababakas mo pa rin ang pag aalala sa muka niya kaya sinabi kong...
"t-tubig.. kuya drake.. tubug"- sabi ko.. tumango naman sya at kumuha ng tubig agad naman niyang ibinigay nito sakin ang tubig. nang makainom naman ako ay huminga ako ng malalim at nag tanong..
"i-ilang araw akong tulog?"tanong ko sa kanila ng cold
"a-ahmm hindi araw kylie, kundi buwan, isang buwan kang tulog kylie"-sabi ni kuya dj kaya napalaki ang mata ko, grabe isang buwang walang kain, isang buwang walang ligo, huhu ang baho ko na siguro, pero charot lang... hindi ko naman pinahalata sa kanilang nagulat ako.. tumango na lamang ako...
"k-kylie.. sorry sa nagawa ko..."-sabi ni ate kaitleen
"ok na yun ate.. sorry din sa nagawa ko.."-sabi ko at napaluha na ako.. napaluha na din si ate kaitleen niyaka naman niya ako ng mahigpit kaya di ako makahinga ng maayos
"a-ate di ako makahinga ng m-maayos whoo!"-sabi ko napatawa naman si ate kaitleen sa reaksyon ko kaya napangiti na rin ako pero biglang bumalik sa ala-ala ko kung pano ako niloko ng mga kaibigan ni blake, kung pano nila ako pinagpustahan... kaya napayukom na naman ang kamay ko... napansin naman un nila kuya drake, kuya dj at kate kaitleen
"anong nangyari sayo bakit nakakuyom ang kamay mo?"-tanong sakin ni ate kaitleen, napayuko naman ako dahil nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.. hindi nakisama ang mga luha ko at tumulo ito ng tumulo... niyakap naman ako ni ate..
"a-ate ang sakit..." napakunot naman ang mga noo nila kuya at ate, kaya tianong ako ni ate..
"bakit? anong nangyari? anong masakit?"-tanong ni ate kaya mas lalo akong napaiyak niyakap naman uli ako ni ate..
"sabihin mo sakin kylie.. anong nangyari?"-sabi ni kuya dj na seryoso ang muka..
"k-kase kuya pinagpustahan ako nila blake akala ko totoong nanliligaw sya sakin pero pinagpustahan ako ng mga kabarkada niya.."-sabi ko habang tumutulo ang aking mga luha
"napaka gago talaga niyang blake na yan"- galit na sabi ni kuya drake seyoso lamang sila kuya dj at ate kaitleen
"mali ang binangga nila tss"- galit na sabi ni ate kaitleen kaya na pakunot ang noo ko.. tungkol kaya ito sa pagiging mafia heiress kaya tinanong ko si kuya dj na ikinagulat nila
"panong mali ang kinalaban kuya dj? is it about of being mafia heiress of natividad-de la vega org.?"-tanong ko na kinagulat nila kuya at ate... hindi naman sila makapagsalita dahil sa sinabi ko... kaya nag salita ako ulit...
"alam ko nang ako ang magiging mafia heiress ng pamilya natin pero sinabi ko non kay lolo na hindi pa ko handa.. pero ngayon handa na ko.. handa ko nang gampanan ang obligasyon ko..."-sabi ko ng seryoso.. yung kaninang pag aalala nila ngayon ay seryoso nang nakatingin sakin..
"sigurado ka na ba?"-sabi ni kuya dj.. hinihintay nila ang sagot ko..
"oo kuya handa na ko... "-cold na sabi ko.. tumango naman sila...
"sisiguraduhin kong makakaganti ako sa mga nanloko sakin"-cold na sabi ko at nakangisi..tiningnan ko naman sila isa isa ng seryoso...
"sige ihahanda na namin ang private plane para makapunta tayo sa japan,"-sabi ni kuya drake.. tumango naman ako at iniisip ko kung anong mangyayari sakin pag dating sa japan..habang nag iisip ako biglang dumating si lolo darwin....
_______________________
SORRY READERS WALA NANG MAISIP IISIP NA ULI AKO SA BAGONG MANGYAYARI SA BUHAY AT KUNG SINO SINO ANG DADATING SA BUHAY NI KYLIE.. THATS ALL THANKYOUUUU PLS, VOTE,COMMENT AND SHARE MY STORY
BINABASA MO ANG
CAMPUS NERD TO CAMPUS QUEEN
Teen FictionTitle:: CAMPUS NERD TO CAMPUS QUEEN?? ------------- PROLOGUE : MAGANDA KASO NERD, MALINAW MATA KASO NAKAMAKAPAL NA SALAMIN, MAPUTI AT MAY MAGANDANG NGIPIN KASO NAKABRACE, SEXY KASO HINDI FASHIONABLE ANG ISINUSUOT, MAYAMAN PERO HINDI HALATA, ALAMIN A...