PASINTABI MUNA NI AUTHOR 2

32 0 0
                                    

Near Group

Marahil ilan sa inyo ang alam itong app or link na near group sa messenger na kung saan may makakausap kang unknown person or stranger na kung saan mag bi build kayo ng communication na habang tumatagal nakikilala nyo ang isa't isa , ang ilan sa mga don ay boring kaya nag near group , the others is to just have more friends , at ang iba pa ay para lang magka jowa sa internet. Marami na akong nakasalamuhang tao dun. Yung iba masarap kausap, yung iba ang wierd , yung iba boring kausap, yung iba mabiro at magaling bumanat , at yung iba ay matured na kausap. Hindi mo talaga maiiwasang hindi mag near group lalo na kung dun ka lang nakakahanap ng kaibigan at ka chat , sabi ko nga sa sarili ko mas mainam pa yung mga internet friends ko mas naiintindihan ako kaysa sa nandito.

So eto na nga mga paps dahil nga nag nea near group ako nag chat now ako sa near group then naka lagay " Please wait.. I'm searching for your match 🔎

I will ping you, as I find your match (takes 5 to 30 mins) " and ayun na nga may makaka chat na ako sa near group. Nag simula sa simpleng "Hi" at nauwi na sa tawanan at biruan hanggang sa magkatanungan na ng pangalan. Syempre ladies first kaya sinabi nya name nya, pag search ko sa facebook grabe d ko inaakala na yung ka chat ko na yun ay crush ng bayan, super ganda nya as in pero hindi sya poser, edi ayon na nga nag try akong mag add , hindi naman ako nag e expect na i accept nya ako kasi hindi din naman ako gaano ma itchura pero siya yung ganda nya pang masa talaga , after ng ilang minutes nagulat nalang ako ni accept nya friend request ko , d ko lang ma imagine may mga tao parin talaga na hindi bumabase sa itchura. Edi ayun katulad ng chatan sa Near group getting to know each other, hanggang sa na fall na ako mga paps bukod kasi sa maganda sya masarap pa sya kausap parang simple lang siyang tao, pero dahil torpe nga ako hindi ako makapag confess ng feelings ko sa kanya kahit sa internet ko lang sya nakakausap.

Then tumagal tagal d ko na mapigilan feelings ko ewan ko din kung bakit lumakas loob ko at sinabi ko totoong nararamdaman ko sa kanya. Sabi ko sa sarili ko " okay lang ma reject atleast nag try ka self" then eto na nga umamin na ako sa kanya , kaso bigla syang nag log out without reading my chats. Edi ayon malungkot syempre nag patugtog ako ng ilang music na makakapag pa relax sa utak ko at sinabi sa sarili na "Maging Positive ka lang , okay lang ang lahat :>" . So nag online ulit ako at nakita ko message nya na nag sasabing "Kung gugustuhin din ba kita maiipangako mong mamahalin mo ako ng totoo at hindi mo ako lolokohin kahit malayo tayo sa isa't isa?" Then ayon tuwang tuwa ako dahil yung crush ng bayan na crush ko din magugustuhan din pala ako.

Ang dami nang nangyare sa relationship namin halos puro kalokohan, lambingan , tampuhan, syempre hindi maiiwasan na mag away, pero nag kakabati pa din at hindi pinapatapus ang isang araw na hindi nagkakabati.

To make the story fast umabot kami ng 10 months na akala ko ay madaragdagan pa. Ang dating tawanan , lambingan , pag ta type ng LSM tuwing umaga na nag sasabing mahal na mahal kita ay napalitan ng lungkot , panlalamig sa chat, at ang maliit na problema kanyang pinalalaki. Syempre natiis ko yun mahal ko eh. And ilang linggo ang lumipas nag chat sya saakin ng
"Sorry mukhang ito na ang last na pag cha chat natin , sorry kung niloko kita na mahal kita pero ang totoo may iniintay lang akong bumalik saakin, sorry sa mga pag mamahal na peke na pinaramdam ko sayo, maraming salamat at madami akong natutunan sa iyo, sana mapatawad mo ako"

Then habang binabasa ko yung message nya na yon d ko maiwasang umiyak sobra akong nasaktan. Gusto ko syang puntahan at sabihin sa kanya ng personal na " Paano mo natiis ang 10 months na panloloko sakin, paano mo natiis na mag sabi na mahal na mahal mo ako kahit hindi naman pala iyon totoo? , paano mo natiis ang lahat ng ito"
At ang lahat ng yon ay hindi ko na sabi at nag reply ako sa chat nya na "Okay lang, malaya kana".

Siguro nga madaya ang tadhana
Pero siguro din na masyado pa tayong mga bata para sa relationship na yan
Focus muna tayo sa will ng Lord saatin
For sure hindi na tayo masasaktan sa bigay ng Diyos.

__________________
Ayan nlang muna HHHAHA SALAMATTT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAMPUS NERD TO CAMPUS QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon