Bakit kaya kong saan ang bawal 'yun 'yung ginagawa natin. Parang gamo-gamo 'yung alam n'yang masusunog siya sa apoy pero lapit pa rin siya ng lapit. Kahit na alam n'yang mapapahamak siya, masusunog ang kanyang mga pakpak.
Siguro ganon talaga lahat gagawin mo kahit maging hadlang pa ang lahat.Pero may mga bagay talaga na hindi dapat dahil hindi lahat napipilit. Kapag pinilit mo kasi ang isang bagay kahit hindi naman dapat, masasaktan ka lang. Parang sapatos kapag pinilit mong suotin masasaktan ka, ganon rin ang sapatos mo na sinuot maaaring masira rin siya.
Tama kaya 'yung kasabihan na "Kapag mahal mo ipaglaban mo". Ginawa naman naming ang lahat pero bakit kahit mismong tadhana gusto kaming paghiwalayin. Kami laban sa lahat? 'Yung napakahigpit na pagkapit ay unti-unti ng bumibitaw.
.
- Tracey Rhae Fuentebella--------
START: DEC 09, 2017
DATE FINISHED: JAN 05, 2018PUBLISH HERE IN WATTPAD: JULY 26, 2019
BINABASA MO ANG
I Love You A Thousand Times [On-Going]
Romance"I Love You, I really do. If you say you love me too, I'll promise I will do everything just for you my love. Even I risk my own life." - Jared -FUENTEBELLA SERIES 1