Chapter 12

58 6 0
                                    


So, ayun nga dahil sa sinabi ni mama na kailangan n'ya ng pera. Tumanggap na talaga ako ng client kahit na gusto ko munang magpahinga at unahin 'yong kila Jared.

Psh!

Nagpuyat ako ng ilang araw dahil 'yong iba nagmamadali. Napatingin ako sa date ngayon at 'holy crop!'

Ngayon pala 'yong engagement party ni Lin at Jared. Nagdadalawang isip ako kong itutuloy ko ba ang pag punta doon o hindi.

Tumingin ako sa mga dress ko parang ang pa-panget. Tumingin ako sa wallet ko kong may cash pa ba ako. Meron pa naman pala akong 5 thousand.

Nagpalit lang ako ng damit ko dahil naka pantulog pa 'yong suot ko ngayon. Pupunta akong mall para makabili ng bagong dress. Tumingin ako sa wrist watch ko 4pm na at ang start nh engagement ay 7pm.

****

Halos mag 5 na ng makalabas ako ng mall dahil ang hirap mamili ng magandang susuotin. Pumunta ako kaagad sa malapit na parlor shop para maayusan ako.

Natapos akong ayusan 6:30 pm. Ang tanging suot ko ay pink na semi dress na above the knee at 4 inches heels. Naka pony tail ako na pinaka curly ang buhok ko sa dulo. Bago may kunting hibla ng buhok ko sa left face ko.

Dinala ko rin 'yong chanel bag ko para sosyal. Ayoko naman mag mukhang hampas lupa don sa party.

Pumara na ako ng taxi papunta sa venue. Sa isang 5 star hotel gaganapin 'yong engagement party nila. Sa bahay nga sana nila Jared. Mabuti nalang hindi.

Exact pagdating ko sa hotel 7:00 pm na. Start na kaya? Baka late na ako?

Nag da-dalawang isip pa ako kong papasok ba ako sa loob. May kakaiba kasi akong pakiramdam basta kinakabahan ako.

Kanina pa ako parang tanga dito sa labas kong papasok ba ako o hindi sa loob. Napatingin ako sa wrist watch ko at 7:30 pm na. Ang tagal ko na palang naka tunganga dito sa labas.

"You can do it, Tracey." Si Jared lang naman 'yong makikita ko sa loob. 'Yong Jared na minahal ko ng lubusan na akala ko wala na.

Pumasok ako sa loob na nakayuko at tumaas lang ako ng paningin ko ng nakatapak na talaga ako sa loob. Una kong nakita si Lin na naka ngiti sa akin at papalapit.

"My gosh besshy! I thought you're not going. Kong 'di ka talaga pumunta magtatampo talaga ako sa'yo ng bongga!"

"Pwede ba 'yon? Bestfriend kita kaya 'di ako mawawala sa kahit anong important na magaganap sa buhay mo."

"Yah! Mabuti nalang talaga, magtatampo talaga ako." Naka pout pa siya. Ngumiti nalang ako sa kanya hindi ko kasi talaga maiwasan kabahan.

"Besshy let's go. Ipapakilala kita sa parents ni Jared." Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo na ng makalapit kami sa parents ni Jared.

"Hi tita and tito, this is my best friend. Tracey Rhae." Ngumiti ako ng pilit sa kanila at halata namang na bigla sila ng makita ako. Pero hindi nila ipinahalata 'yun dahil papalapit sa puwesto namin si Jared.

Hinalikan siya ni Tracey ng makalapit siya sa amin. Ang sakit lang makita na 'yong mahal mo may iba ng mahal ngayon. At mas masakit pa dahil bestfriend ko pa. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon parang anytime sasabog na ako. Gustong-gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko.

"Mom, now tell me the truth!" Napatingin ako kay Jared na namumula na sa galit. Hindi ko alam kong anong dahilan.

"What do you mean son?" Tumingin sa akin si Jared at ngumisi. And fuck this shit! Because of that my heart beat so fast and those eyes of him I feel inlove again.

"She is Tracey Rhae Fuentebella, right? You told me that she's already dead! But why she's here infront of us!" Napatingin naman sa akin si Lin na puno ng pagtataka.

"I-ikaw 'yong girlfriend ni Jared na akala namin patay na?" Nanginginig si Lin habang sinasabi n'ya 'yan. Hindi ko siya kayang sagutin dahil natatakot ako. I don't want to take a risk!

"I am sorry," tanging nasabi ko sa kanya. At isang napakalakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Parang feel ko nag-iisa lang ako at wala akong kakamping nandito.

"Lin!" Sigaw ni Jared kay Lin ng sinampal n'ya ako.

"Ano Jared?! Siya na naman ba ang pipiliin mo over me? Siya na naman ba 'yong kakampihan mo this time? Ako na naman ba 'yong palaging option kapag wala siya!" Nag walk-out si Lin at sumunod sa kanya si Jared. Shit! That scene it's hurts me so bad.

"Alam mo dapat hindi ka na bumalik pa! Ginugulo mo lang ang buhay ng anak ko! Kaya pwede ba tumigil kana!"

"Jane, stop that." Pigil sa kanya ng daddy ni Jared.

"I won't stop! Hangga't itong babaeng 'to 'di tumitigil manggulo sa family natin! Get out or ako mismo ang hihila sa'yo palabas dito!"

"Hindi n'ya na kailangan pa ng tulong mo!" Napalingon ako at si tito Bhong nasa likuran ko. Nabigla din ng makita ng daddy at mommy ni Jared si tito.

"Let's go Tracey," hinila na ako ni tito palabas ng venue.

Tahimik lang kami buong byahe pauwi sa bahay. Hindi naman siya nagtanong or pinagalitan ako.

Pagdating namin sa mansion napa hinto ako ng nag salita si tito.

"Tracey, I know you love him and we know that you're old enough to know the right and wrong. Hindi na namin kayo pipigilan kong mahal n'yo talaga ang isat-isa. We will support you this time." After that umalis na si tito at ako naman naiwan sa labas.

Siguro kong maayos lang ang lahat ang saya ko siguro sa mga sinabi ni tito. Pero hindi dahil mukhang mas mahal na ni Jared si Lin ngayon kaysa sa akin.

Kahit masakit tatanggapin ko nalang. Ayoko ng manggulo pa. Ayoko ring masaktan ang bestfriend ko ng dahil sa akin. Kaya siguro kakalimutan ko nalang siya kahit na masakit na makitang may mahal na siyang iba.

I Love You A Thousand Times [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon