Chapter 10

90 6 0
                                    


Bumukas ang mga mata ko. Una kong naaninag ang puting kisame. Anong nangyari? Napatingin ako sa paligid.

Nakita ko si mama, papa, tito Sean and tita Elca.

Lumapit sila sa akin kaagad ng makita nila akong gising na.

"Mabuti naman gising kana." Hinawakan ni mama ang kamay ko at hinalikan. Hindi ko maalala kong bakit ako nandito? Sobrang sakit pa rin ng katawan ko.

"Anong nangyari?" Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Hindi pa nag si-sink-in sa utak ko ang lahat ng mga nangyari. Wait? Si Jared?

"Saan si Jared?" Tuluyan na akong umiyak ng maalala ko lahat ng mga nangyari.

"Alam ko against kayong lahat sa amin ni Jared. But can you all please tell me whe he is? Is he okay?" Pumatak na ang mga luha ko. Ang sakit ng dibdib ko.

Tahimik lang silang naka tingin sa akin.

"He is gone, Tracey." Parang dumilim lahat ng paligid ko ng marinig ko ang sinabi ni tito. Nanginig din ang mga kamay ko.

"Hindi ako naniniwala. Sabihin n'yo sa akin ang totoo. Hindi pa siya pa-" Hindi ko kayang sabihin ang mga katagang na 'yun.

"Wala na siya Tracey, alam ko mahirap para sa'yo pero wala na talaga siya."

"Pwede bang iwan n'yo muna ako."

****

Tumulo ang mga luha ko ng sabay-sabay na akala mo wala ng katapusan. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Bakit kailangan pa 'tong mangyari sa amin? Bakit kailangan n'ya pang mawala?

Kong nakinig ba ako sa mga sinabi nila buhay pa siya? Selfish ba ako kong iniisip kong wala na ding kwenta ang buhay ko kong wala siya.

Napatigil ako sa pag-iyak ng pumasok si Amae.

"Tracey, I'm so-sorry kasalanan ko. Kong hindi ko siguro sinabi sa'yo 'yun. Hindi mangyayari ang lahat ng 'to. Siguro buhay pa si Jared at ikaw hindi ganito ang nangyari sa'yo." Niyakap n'ya ako at naiyak na naman ako.

"Amae hindi mo kasalanan. Ako ang may kasalanan nito. Nasa akin ang lahat ng decision pero mali 'ata 'yong decision ko. Nang dahil sa akin nawala 'yong taong mahal ko." Hinaplos nya ang likod ko habang umiiyak ako. Kahit papaano gumaan yong pakiramdam ko.

"Amae, na saan si Jared? Gusto ko siyang puntahan." Bumitaw na siya sa akin sa pagkakayakap.

"Hindi ko alam Tracey, umalis sila ng bansa after that accident. Don inilibing si Jared. Dead on arrival si Jared." Parang pinagpiraso piraso 'yong puso ko sa mga narinig ko.

"Ilang araw na ba ako dito?"

"Hindi araw, kun'di months. 3 months kang comatose." Hindi ako makapaniwala na 3 months na pala ang nakalipas. Hindi ko man lang nakita si Jared kahit saglit.

Bakit ang sama ng kapalaran sa amin?

****

1 week na simula ng magising ako at kalalabas ko lang ng hospital. Hindi na ako naka pag-aral ng third year college.

Nasa balcony lang ako ng mansion at nakatingin sa kawalan. Mis na mis ko na siya, lalo na 'yong boses n'ya. 'Yung mga pang-aasar n'ya sa akin pati na rin ang pagka pikon n'ya. Mis na mis ko na ang lahat sa kanya. Gustong-gusto ko na siyang makita at mayakap pero kahit ano mang gawin ko hinding hindi na mangyayari 'yon.

Sobrang imposible na makita ko siya dahil wala na siya. Kong bibigyan man ako ng pagkakataon na ibalik ang oras. Gagawin ko na ang tama, kahit na hindi man maging kami sa huli basta nakikita ko lang siyang buhay at masaya. Hindi 'yong ganito, sobrang sakit.

****

After one day...

Nandito ako ngayon sa malimit naming puntahan ni Jared. Kong saan masaya kaming mag kasama. Dinama ko ang hangin na humahaplos sa mukha ko.

"Jared, kong na saan ka man ngayon. Sana masaya ka. Mahal na mahal kita and I will remember you forever here in my heart. You will never fade away, specially the memories we shared to each other."

"Goodbye Jared, I will always treasure you. Hanggang dito nalang siguro ang story natin.. Pero alam mong hinding hindi ka mawawala sa puso ko. I Love You so much."

****

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Nakapag-aral ako ulit at sa ngayon graduate na ako.

23 years old na ako ngayon. Hindi ako nag-aral kong saan ko na kilala si Jared. Kasi bawat detalye na memories namin maalala ko lang at babalik sa dati na masasaktan ako.

Alam kong di magiging masaya si Jared kapag nakita n'ya akong miserable. Kaya I need to be a better woman.

Sa ngayon ayaw ko muna mag trabaho kahit graduate na ako. Gusto ko munang i-enjoy ang buhay ko na hindi nag-aaral or nagtratrabaho. Kahit 1 year lang gusto ko muna magpahinga. Gusto ko mag vacation or mag travel.

Pero dahil wala naman akong saving para magawa ko ang mga bagay na gusto ko. Kailangan kong tumanggap ng clients hayys.

Pero ayos lang naman dahil 'yong bestfriend ko naman 'yun at malaki laki 'yong kikitain ko. After that mag va-vacation na ako para ma refesh naman 'yong utak ko.

I Love You A Thousand Times [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon