Chapter 13

54 5 0
                                    


Katatapos ko lang ma meet ang iba ko pang mga client. Nakita ko si Lin with Jared syempre. Sana lang 'di halata ang pamamaga ng mata ko. Buong magdamag kasi akong umiyak kagabi. Mabuti nga na kaya ko pa mag work ngayon.

Akala ko hindi na ako pa pansinin ni Lin matapos nang nangyari sa engagement party n'ya.

"Tracey," niyakap n'ya ako dahilan na mailang ako. Hindi ko kasi alam kong totoo ba ito or fake lang.

"I'm sorry about last night. Besides tuloy pa rin naman ang kasal namin ni Jared." Ngumiti lang ako kay Lin hindi ko tinitignan si Jared kasi masasaktan lang naman ako. Kaya bakit pa?

"Sama ka nga pala pupunta kami sa resort nila Jared." Tatanggi sana ako pero baka iba ang isipin n'ya kapag tumanggi ako.

"Susunduin ka namin later. See you."

*****

Pag-uwi ko nag impaki na ako ng mga dadalhin ko. Nag text sa akin si Lin 3 days daw kami doon sa isla.

After 3 hours dumating na rin sila dito sa parking area ng condo na tinutuluyan ko.

Kinuha ni Jared ang mga bagahe ko at siya ang naglagay sa loob ng trunk. Nasa back seat ako at nasa front seat silang dalawa kaya kitang kita ko kong gaano sila ka sweet na dalawa.

Hindi nalang ako tumingin sa kanilang dalawa at inaliw ko ang sarili ko sa pagtitingin ng mga nadadaanan namin.

Matapos ng 1 hour na byahe sasakay pa kami sa yatch para makarating sa isla. Sobrang sakit makita na inaalalayan ni Jared si Lin habang paakyat ng yatch.

Aabutin n'ya rin sana ang kamay ko para alalayan sa pag-akyat sa yatch pero tumanggi na ako.

Habang nasa yatch ako tumingin nalang ako sa mga isla na nadaraanan namin. Kong bakit ba naman kasi naisipan ko pang sumama rito, puro pasakit lang naman 'yung nararamdaman ko.

Pagkarating namin sa resort agad akong pumunta sa room ko at nag shower bago nahiga sa kama.

Mag kasama sa iisang room si Jared and Lin. I wonder what will they doing? Ugh! Erase that nonsense.

****

Nagising ako dahil sa mga katok. Isa pala sa mga staff nitong resort at pinapa baba na ako para kumain.

Naka tulog pala ako, it's already 8 pm na kaya pala kumakalam na rin 'tong sikmura ko.

Bumaba ako at naabutan kong si Jared at Lin na kumakain at nagsusubuan pa silang dalawa.

"Gising ka na pala Tracey, let's eat." Masayang bati sa akin ni Tracey na ginantihan ko lang ng pagtango. Hindi ko kayang maging masaya, e bakit ba?

Umupo na ako at nag simulang kumain. Hindi ako tumitingin sa kanila ayokong makita ang ginagawa nila. Hanggang sa natapos nalang ako sa pagkain.

"I'm done, maglalakad lakad muna ako ah. Kasi mukhang matatagalan ako nito makatulog dahil kagigising ko lang." Paalam ko sa kanila.

"Okay sissy, enjoy."

****

Nang makarating ako sa dalampasigan naramdaman ko kaagad ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko.

"Sana naman nandito 'yong favorite spot ko sa mga sila."

Pumunta pa ako sa may dulo at hindi nga ako nagkamali may ganito rin dito. Yung batuhan tapos doon ako tatambay.

Umupo ako sa isa sa mga batong nandito at dinama ang hangin bago pumikit. Sobrang sarap sa pakiramdam. Naaalala ko tuloy 'yong nasa isla din kami dati ni Jared.

Pero wala ng lahat ng ala-ala na 'yun dahil siya naka pag move forward na, samantalang ako ito nandito pa rin hindi makaalis.

Napatingin ako sa kalangitan sobrang ganda nito dahil sa dami ng star.  Tumayo na ako dahil medyo nilalamig na ako.

Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran ko.

"I miss you, Yam." Napapikit ako ng marinig ko ang boses n'ya. Pero isa 'tong pagkakamali.

"Jared stop this nonsense. Bitawan mo ko." Nakapatong na kasi ang mukha n'ya sa balikat ko.

"I don't want to. Please pag bigyan mona ako mis na mis ko ng yakapin ka." Napapikit ako ng sabihin n'ya yan kahit ako din naman mis na mis na siya. Kaya kahit bawal hinayaan ko nalang siyang yakapin n'ya ako.

Humarap ako sa kanya dahilan para makabitaw siya sa pagkaka yakap sa akin at hinawakan ang pisnge n'ya.

"Jared may fiancé kana. Let's stop this." Palakad na sana ako palayo ng hawakan n'ya ako sa wrist at yakaping ulit.

"Mahal na mahal kita at kahit kailan hindi nagbago 'yun. Alam mo bang gusto ko na rin mamatay nong sinabi nila sa akin na patay kana. Kahit na ayaw kong ma kasal kay Lin pinilit ko 'yung sarili ko baka kasi makalimutan kita."

"I'm sorry kong nasasaktan man kita ngayon. Pero isa lang gusto kong malaman mo na walang nagbago mahal na mahal pa rin kita. Sa pagkakataong 'to 'di na ako papayag na mawala ka pa ulit sa akin." Nayakap ko siya sa sobrang saya ng malaman ko ang totoo. Akala ko tuluyan n'ya na talaga akong kinalimutan.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa sobrang saya. Pero at the same time kinakabahan din ako sa mga maaaring mangyari. These time kaya kakayanin na ba namin?

Pinunasan n'ya 'yong luha ko at ngumiti sa akin.

"You're such a cry baby Yam." Hinampas ko naman siya.

"Sa'yo lang naman."

Hinawakan n'ya ang face ko at damn hinalikan n'ya ako. Gosh I miss him so much.

*****

I Love You A Thousand Times [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon