Chapter 08

104 5 0
                                    


It's been a month, 3 months na kaming 'di nagkikita ni Jared o nagkakasama man lang. Sobrang mis na mis ko na siya.

Vacation na kasi namin ngayon at laging nandito lang ako sa mansion. Hindi kasi ako pinapayagan lumabas ni mama dahil wala siyang katulong sa mga gawain dito sa mansion. Tsaka ako lang talaga ang pwedeng katulong ni mama dahil sila Amae at Dyrine naman nagtatrabaho sila.

3 weeks ko na ring hindi nakakausap si Jared dahil nasira ang phone ko. Hindi ko naman kasi saulo ang number n'ya at 'yung laptop ko hiniram ni Dyrine nasira kasi 'yong kanya. Hindi rin ako makabili ng new phone dahil wala na akong allowance.

Si Uno sana kaya lang hindi ko naabutan si Uno na nandito. Lagi siyang wala tapos gabi na siya umuuwi. Next week pa 'yung uwi nila Amae and Dyrine.

Tapos tuwing maghihiram ako kay mama ng phone n'ya ayaw nya ipahiram. Hindi din naman kasi pwede sila lolo, lola at tita anne ang hiraman ko. Mahirap na tsaka si lolo walang phone 'yun tanging si lola lang.

Tinawag na ako ng isa sa mga kasambahay dito para kumain. May mga kasambahay naman kasi talaga dito pero kapag ganitong vacation pinapatulong talaga kami sa mga gawain. Ma swerte nga lang 'yung dalawa dahil wala sila dito. Don sila sa mga condo nila umuuwi.

Bumaba na ako para kumain. Wala kasama si mama sa hapag kainan ngayon mukhang may pinuntahan siya.

"Ma'am may naghahanap po kay Tracey." Kumalabog agad ang dibdib ko ng malaman kong may naghahanap sa akin.

Napalunok ako dahil baka si Jared 'yun. Please lang 'wag naman sana siya.

"Sino? Papasukin mo para makasalo sa tanghalian." Sagot naman ni tita Anne.

Tahimik lamang akong kumakain at hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko.

"Good afternoon po," tuluyan na akong nanghina ng marinig ko ang boses n'ya. Hindi ako lumilingon sa kanya at nakita kong tumango sa kanya si lolo.

"Anong ginagawa mo dito?!" Napatingin ako kay Uno nakakarating lang din. Please Uno help me. Nang mapatingin sa akin si Uno halos magma kaawa na ang tingin ko sa kanya na tulungan n'ya kami.

"Classmate mo ba siya Uno? Baka may kailangan sa'yo. Wait si Tracey nga pala ang hinahanap n'ya." Si tita Anne ang nagsabi non and confirm hindi nila alam na si Jared ay isang Fuentebella.

"Hindi ko siya classmate ma," umupo si Uno para kumain.

"Anak ka ba ni Hades? Medyo hawig mo siya." Mas lalo akong kinabahan sa mga tanong sa kanya.

"Yes, po." Halos mapatigil sila lolo, lola at tita Anne sa naging sagot ni Jared. Hindi ko naman kasi alam 'yung name ng parents ni Jared pero mukhang kilala na siya. Si Uno naman parang walang pakialam sa mga nangyayari dahil kumakain lang siya. Hindi n'ya man lang ba nararamdaman 'yung atmosphere?

"Anong ginagawa ng anak ng isang Fuentebella dito?" Napakagat ako sa labi ko at napapikit mukhang katapusan na namin.

"Ako po 'yong boyfriend ni Tracey," napatingin ako sa kanya at hindi siya nakatingin sa akin. Sinasalubong n'ya 'yung mga tingin sa kanya nila lola, lolo at tita. Ako 'yung kinakabahan sa ginagawa ni Jared parang any minute gusto kong mag teleport at isama si Jared.

"Is that true Tracey? He's your boyfriend?" Yong tingin sa akin ni tita Anne hindi ko kayang tagalan para kasing jinujudge n'ya ako. Masama bang mahalin ang katulad ni Jared?

"Opo," bigla nalang nag-unahang pumatak ang mga luha ko.

"What?! Hindi ka ba aware na ang pamilya nila ang dahilan kaya nasira ang family natin! Namatay ang parents ni Dyrine because of them!" Nanginginig na ang mga kamay ko.

"Alam ko po tita. Pero wala namang kasalanan si Jared don. Ang kasalanan ng magulang n'ya ay hindi kasalanan n'ya!" Napatayo naman si tita at lumapit sa akin bago ako sinampal.

"Ma!" Doon palang nag react si Uno nang sinampal ako nang mama n'ya.

Lumapit sa akin si Jared at niyakap ako. Pero hinila din siya kaagad ni Uno.

"Umalis kana hanggat hindi pa lumalala ang situation." Napatigil naman kami ng mag salita si Lolo.

"Umalis kana Fuentebella kong gusto mo pang makita ang apo ko!" May authority sa mga boses ni lolo na kahit sino matatakot kapag siya na ang nag salita. Ayaw n'ya pa sanang umalis pero ako na ang nagtulak sa kanya palayo.

"Umalis kana Jared," kahit ang sakit makitang papalayo siya sa akin kailangan kong maging matatag.

"Pumasok kana sa loob Tracey."

"What? Ganon ganon nalang 'yun papa!" Complain ni tita.

"Tita hindi ko naman kasalanang mahalin si Jared. Hindi ko naman pwedeng pigilan 'yong puso ko."

Nakaramdam ako ng pamamanhid aa mukha ng maramdaman ko ang sampal sa akin ni lola.

"Hindi ka man lang ba nahihiya Tracey huh! Rumespesto ka naman isa na ngang kahihiyan ang ginawa mo sa pamilya natin. Ano? Tapos matutuwa 'yung pamilya ng lalaking 'yun dahil ito na naman siya sinisira na naman ang pamilya natin! Layuan mo na ang lalaking 'yun!" Pinalayo na ni tita si lola dahil baka atakihin siya ng high blood n'ya sobrang inis n'ya sa akin.

Nakatingin lang sa akin si lolo.

"Im sorry po." Bago umalis na ako.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Nag kulong lang ako sa kwarto ko.

*tok*tok*tok

Hindi ako nag salita hinayaan ko lang ang kumakatok at ilang sandali pa bumukas ang pinto.

"Tingin ko dapat mo talagang layuan si Jared. I think ginagamit ka lang talaga n'ya para masira ulit 'tong pamilya natin. Bakit kasi kailangan n'ya pang sabihin na kayo? Alam n'ya naman 'yong mangyayari kapag sinabi n'ya 'yun."

"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo Uno. Alam ko kong bakit n'ya 'yun ginawa dahil kahit ano namang tago naming dalawa sa relasyon namin. Darating ang araw na malalaman din nila. Pwede bang iwan mo muna ako ayoko ng kausap." Bago tinalikuran ko na siya.

I Love You A Thousand Times [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon