CHAPTER 03

131 10 0
                                    


Halos two months na rin ang nakalipas. Ano nagtaka ba kayo dahil ang bilis? Syempre ayoko ng ikwento ang iba pang mga nangyari tinatamad ako. Kong tinatanong n'yo kong anong nangyari sa panliligaw ni Jared. Actually ngayon ko siya sasagutin. Two months din siyang nanligaw sa akin ayoko na rin sabihin kong anong mga ka cornihan ang ginawa n'ya para lang sagutin ko siya.

Gusto n'ya din sanang pumunta sa bahay para personal na manligaw sa akin at para na rin maging legal kami. Kaso hindi ako pumayag natatakot kasi ako lalo na nakakatakot si lolo kaya hindi na muna siguro.

Pumunta ako kong saan ang place na mahilig naming puntahan. Saan pa ba syempre sa ilog ***** at hindi nga ako nagkamali dahil nandito siya nakaupo sa mga batuhan.

"Hindi mo sinabi na nandito ka na pala! Baliw ka talaga." sambit ko sa kanya. Tumingin siya sa akin pero parang may lungkot 'yong mga mata n'ya. May problema ba siya?

"Ayaw kasi kitang pinaghihintay kaya nauna na ako dito bago ka pa dumating." tumabi ako sa kanya parang ang lalim ng iniisip n'ya.

"Okay ka lang ba? Wala ka bang sakit? Bakit parang ang tamlay mo?" napangisi naman siya sa mga tanong ko sa kanya.

"Gusto mo na ba ako?" at nilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin. Hindi ako nakasagot sa tanong n'ya. "Kasi kong gusto muna ako, mahal na kita."

"Mahal na kita." Wala sa sariling sagot ko. Halos manlaki ang mata ko ng ma realize ko kong anong sinabi ko.

"So, tayo na love?" Nag wink pa siya sa akin. Nahihiya akong tumango sa kanya.

"Yes!" Nagtatalon na siya sa sobra n'yang saya. Natutuwa ako kasi kanina ang lungkot n'ya pero ngayon sobrang saya n'ya na. Hinila n'ya ako papunta sa umaagos na tubig at binasa ako.

"Waah Jared!" Binasa ko rin siya at 'yun nga basang basa na ang damit ko. Buti nalang wala na akong klase later.

Matapos naming mag basaan umupo ulit kami sa mga batuhan na nandito.

"Alam mo ang fresh air talaga dito. Thank you kasi dinala mo ako sa lugar na 'to Jared." Tumingin ako sa kanya at naka tingin din siya sa akin.

"I Love You Tracey." Unti-unting lumapit ang mukha n'ya sa akin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng maramdaman ko ang labi n'ya na nasa labi ko. This is my first kiss at ang lambot ng labi n'ya. Ang bango rin ng hininga n'ya. Mga 4 seconds lang ang tinagal ng halik n'ya sa akin at halos 'di kami magka tinginan na dalawa ng matapos 'yun.

"Sorry inaakit kasi ako ng labi mo." Hinampas ko siya ng sinabi n'ya 'yun pero nakangiti ako sa kanya. "Sadista ka talaga love." Napasimangot ako sa sinabi n'ya.

"Sadista pala ah." Kiniliti ko siya sa bewang n'ya pero wala siyang kiliti don. Walanghiya kaya sinimulan kong kilitiin siya sa may leeg at 'yun nga tawa siya ng tawa.

"Waah Love tama na." Halos hindi na siya makahinga kakatawa n'ya.

Nang mapagod kami sa mga pinanggagawa namin tumahimik na kami.

"You know Tracey we're couple right? Pero hindi mo pa alam ang about sa family ko." Oo nga no? Tanging name n'ya lang talaga ang alam ko. Mismong last name n'ya 'di ko alam. Gosh anong klaseng girlfriend ako hindi ko man lang alam ang about sa kanya.

"My name is Jared Black Montreal." Nagulat ako ng ma realize ko kong anong last name n'ya. Matagal ko ng hinala na siya 'yung Black na sikat sa school pero hindi ko inaakalang isa siyang Montreal.

"I'm so sorry kong ngayon ko lang sinabi 'yung buong name ko. Natatakot kasi ako na baka layuan mo ako pag sinabi ko 'yung last name ko." Nakita ko 'yung lungkot sa mata n'ya ng sabihin n'ya 'yun. Tama naman siya lalayuan ko talaga siya kong nalaman ko kaagad na montreal siya.

"Hindi mo kasalanan. Kasalanan ko dahil 'di man lang akong nag-abalang alamin ang pagkatao mo. Hindi ko rin tinanong kong anong last name mo." Hinawakan n'ya 'yung kamay ko at tinitigan ako.

"Please don't run away. Don't leave me even our family are enemies." Napailing ako sa sinabi n'ya hindi ko naman siya iiwan. Pero natatakot ako natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin kapag nalaman ng family ko. Hinawakan ko ang mukha ni Jared at nag smile sa akin.

"Hindi kita iiwan sabay nating haharapin lahat ng ito." Niyakap n'ya ako ng sabihin ko 'yan.

"Thank you Tracey. Lalaban tayo kahit anong mangyari." Tumayo ako sa kanya ng sabihin n'ya 'yan. Hindi namin ang isa't-isa.

****

****

I Love You A Thousand Times [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon