Chapter 15

61 3 0
                                    


Kanina ko pa hinihintay si Jared pero wala pa rin siya. Medyo nag-aalala na talaga ako.

7:30 PM kasi nag simula itong party pero 8:30 na ngayon wala pa rin siya. Hindi rin siya tumawag or nag text man lang na hindi siya makakarating.

"Oh? What's with that face?" Umiling lang ako sa tanong ni Uno.

"Si Jared ba?" Ngumiti naman ako sa kanya ng pilit bago tumango.

"Baka na late lang, traffic." Sana nga. Pero iba kasi talaga ang pakiramdam ko.

"Hwag mong masyadong isipin yun couz. Darating din 'yun." Pina kalma ko ang sarili ko dahil na rin sa payo ni Uno.

Umupo muna ako sa table namin at tanging ako lang ang nandito. Paano ba naman kasi sila nagkakasayahan sa gitna or 'yong iba naman may kakwentuhan at ako lang talaga nag-iisa dito. Feel ko tuloy out of place ako kahit na pamilya ko naman ang ibang mga kasama ko dito.

Tumingin ako ulit sa wrist watch ko at 8:45 pm na.

"Jared, saan ka na ba?" Tumayo ako para sana pumunta sa rest room. Kaso namatay lahat ng ilaw ay namatay.

'Anong nangyayari?'

Pero wala akong narinig na sigawan man lang. Usually kasi 'di ba kapag namamatay ang ilaw may maririnig kang sigawan. Pero ngayon ang weird wala man lang sila sumigaw.

Feeling ko tuloy mag-isa na lang akong nandito. Pero wait? Mukhang ako na lang nga ang nandito.

'How come?'

Aalis na sana ako sa kinaroroonan ko ng tumutok sa akin ang spotlight.

"Ano 'to?" Tanging sa akin lang talaga ang ilaw hindi siya umaalis.

"Tracey," I know that voice. Pero hindi ko siya makita kong na saan siya.

"I know you miss me." Gusto kong mag simangot pero hindi ko pa rin kasi gets ang nangyayari.

"I just just want you to know that I really love you. Ang daming mga nangyari na 'di natin inaasahan. Pero nandito pa rin tayo at pa tuloy na lumalaban. Sana 'wag kang susuko kahit anong mangyari. Nandito lang ako para suportahan ka sa lahat ng bagay. Hinding hindi na kita iiwan pa. Hinding hindi na ako mawawala." Nakakainis lang kasi may background music lahat ng binibitawan n'yang salita.

Nag play kasi 'yong Can't help falling inlove.

"Marami mang naging tutol sa ating dalawa pero natutuwa ako kasi naging malakas tayo at pinaglaban natin ang dapat. May mga nasaktan man tayo at nasaktan nila tayo. Walang magbabago sa pagmamahal ko sayo I will take a risk para sa'yo." Unti-unti ko na ring nararamdaman  na parang may palapit sa akin.

After n'yang maka lapit sa akin nag liwanag ang buong paligid. Dalawa nalang nga kaming nandito.

Saan na ang iba? Iniwan talaga nila ako dito?

"Tracey," tumingin ako kay Jared. Ang gwapo n'ya sa paningin ko. Pero alam kong hindi lang sa paningin ko siya gwapo alam kong pati sa iba. Kaya nga ang dami kong kaagaw sa kanya. But I'm so happy kasi ako ang pinili n'ya at ako ang minahal n'ya. Kahit na napakaraming tutol sa amin.

Nagulat ako sa biglaang pag luhod n'ya sa harapan ko. Gosh? Hindi ko kasi in-expect na mangyayari 'to. Napapanood ko lang 'to sa mga tv. Pero kapag actual na pala na sa'yo nangyari parang 'di mo alam ang gagawin at kakabahan ka.

"Tracey, will you marry me?" Nilabas n'ya rin ang sing-sing na galing sa bulsa n'ya.

Hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Handa na ba akong bumuo ng pamilya? Handa na ba akong mag pa kasal? Handa na ba akong ma sakal? Char!

Ba 'yan! Sa ganitong situation kong ano-ano ang iniisip ko.

"Tracey," napatingin naman ako ulit kay Jared mukhang nangangalay na siya.

"Y-yes." Sagot ko.

"Really?" Tumayo siya at niyakap ako. Bumitaw na siya sa pagkaka yakap sa akin at sobrang lapad ng ngiti n'ya. Gosh, I really love him talaga.

Sinuot n'ya sa daliri ko ang sing-sing.

"Bagay sayo." Niyakap ko rin siya at biglang nag labasan ang mga tao kanina na nandito.

"Wooooh! Congratssss!" Sigaw nila na nagkakalat pa. Napangiti nalang ako.

"I love you."

"I love you too."

*****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You A Thousand Times [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon