Chapter 09

102 5 0
                                    


Ilang araw na rin akong nasa kwarto lang at hinahatiran lang ng pagkain. Ayokong magpakita sa kanilang lahat hindi naman kasi nila naiintindihan ang nararamdaman ko.

Nong dumating si mama nong gabing 'yun mas lalo lang akong nasaktan. Akala ko maiintindihan ako ni mama pero hindi pala kagaya din siya nila tita Anne. Hindi man lang nila ako pinakinggan.

Nagmahal din naman siguro sila kaya dapat siguro alam nila 'yong nararamdaman ko ngayon.

"Tracey," napatingin ako kay Amae na may dalang pagkain. Hindi na rin ako pwedeng umalis ng mansion. Kaya mas mabuti na rin talagang mag kulong nalang ako dito sa room ko.

"Okay lang ako Amae, kay Jared ba may balita ka?" Kinuha n'ya naman ang phone n'ya at mukhang may tinignan.

"Balita ko alam na rin ng family n'ya. Hindi lang ikaw ang nasa ganitong situation pati siya rin." Walang buhay lang akong tumingin sa labas ng bintana ng room ko.

"Kumain kana Tracey, hwag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat."

"Sana nga Amae. Pero hindi ko lang maintindihan bakit ganito 'yong galit nila sa family nila Jared? Bakit? Bakit 'di nila ako maintindihan?" Halos maga na rin ang mata ko kakaiyak. Parang tingin ko nga wala na akong reason para mabuhay.

"Hindi ko alam." Niyakap ako ni Amae. Tanging si Amae nalang 'yong nakakaintindi sa akin lahat sila against.

"Tracey, wait is that Jared?" Napatingin naman ako sa labas ng gate. At nandoon nga siya pero nakita kong palabas ng gate sila tito Bhong at lolo.

Agad akong tumakbo pababa baka anong gawin nila kay Jared. Please sana naman wala silang gawing masama. Palabas na sana ako ng pintuan ng mansion ng nakaabang si tito Sean.

"Hindi ka pwedeng lumabas Tracey," halos magma kaawa ang tingin ko kay tito Sean.

"Im sorry Tracey, pero hindi talaga pwede. Sa ganitong situation hindi kita matutulungan." Napatango lang ako kay tito Sean at nag simula na namang pumatak ang mga luha ko.

"Alam n'yo dapat talaga tumakas nalang kayo nong una pa lang. Hindi n'yo na pinaalam pa kasi ganito talaga ang mangyayari. Gusto ko man kayong tulungan pero hindi pwede."

"Naiitindihan ko tito pero hindi naman kasi habang buhay matatago ang relation namin ni Jared. Mas mabuti pang ipaalam nalang namin alam ko darating din ang araw na maiintindihan n'yo kami."

"I'll understand you but the situation right now is not."

****

Halos isang linggo na ang nangyari nong huling pumunta dito si Jared. Sobrang mis na mis ko na siya pero hindi pwede.

"Tracey," lumapit sa akin si Amae at may ibinulong. Totoo ba ang sinasabi n'ya?

"Pero Amae kinakabahan ako paano kong mahuli kami?" Ang sabi kasi ni Jared hihintayin n'ya ako sa University na pinapasukan namin. Magpapa enroll na kasi kami tatakas daw kami. Tama ba ang decision ko?

"Nasasayo pa rin naman ang decision Tracey konh pupunta ka ba o hindi."

Ilang minutes din akong nag-isip kong gagawin ko ba ang napag-usapan namin.

Nakabihis na ako ngayon kasama si Amae, Uno at Dyrine. Walang alam ang dalawa sa plano tanging kami lang ni Amae.

"Lo, anong meron?" Tanong ni Uno may mga body guards kasi. Tumingin sa akin si lolo at alam kona kong bakit.

"Mahirap na baka tumakas si Tracey, 'wag kang mag-alala tanging si Tracey lang ang may body guards." Saad ni lolo nagkatinginan lang naman kami ni Amae.

"Sasamahan ko na rin kayo." Sabi ni tito Bhong. Napakapit tuloy ako ng ma higpit kay Amae parang tingin ko hindi matutuloy 'yong plano namin ni Jared.

****

Nandito na kami ngayon sa University. Nakakainis 'yong mga body guard apat pati sila.

"Sinabi ko na ang tungkol sa body guard thingy. Pero kahit anong mangyari hihintayin ka pa rin ni Jared sa likod ng University sa kabilang gate don siya maghihintay." Bulong sa akin ni Amae bago umalis.

Kahit saan talaga ako pumunta hindi nawawala ang paningin nila sa akin. Nag-iisip pa ako ng paraan kong paano ko sila matatakasan. Pupunta na sana ako para magpasa ng form ko kaya lang naisip ko useless lang din naman 'yon kong matuloy 'yong plano namin ni Jared.

Napadaan ako sa isa sa mga restroom dito. Mukhang may naisip ako na idea. Pumasok ako sa loob ng restroom at nakahinga ako ng malalim dahil hindi sumunod sa akin ang mga body guard.

Pumasok ako sa loob ng isa sa mga cubicle 'yong pinaka dulo 'yong pinili ko. Pumatok ako sa inidoro at tumingin sa maliit na bintana na nandito. Kaya lang ng makita ko ang mga student nanlumo ako dahil si Uno nandoon.

Napatingin naman ako sa taas. At tanging kisame nalang ang pwede kong lusutan. Umakyat ako sa taas at kinuha ang blade na nasa bag ko. Mabuti nalang na lock ko 'yung pinto walang ibang makakapasok sa cr na 'to.

Hindi ko rin sure kong kayang butasin ng blade na 'to ang kisame. Pero sana naman mabutas siya pinagpapawisan na rin ako dito hindi ko pa rin nabubutas.

May mga narinig na rin ako na mga katok mula sa main door nitong cr. Laking papasasalamat ko ng makagawa na ako ng maliit na butas hinila ko nalang ng kamay ko 'yong iba para lumaki ang butas.

Pumasok ako kaagad ng mag kasya na ang sarili ko. Narinig ko na rin kumakalabog na ang pintuan parang sinisira na ito.

Dali-dali akong gumapang sa kisame kahit na sobrang init dito. Punong-puno na ng pawis ang likod at mukha ko. Pero kailangan kong tiisin 'to.

Malayo na ang narating ko pero wala pa akong nakikitang pwedeng lusutan para makaalis dito. Nang may maaninag ako sa unahan na liwanag.

May bintana na maliit sa unahan kailangan ko lang 'yong sirain. Mabuti nalang talaga jealosy yung bintana mabilis ko lang siyang nasira. Napatingin naman ako sa ibaba nitong bintana.

May mga halaman sa baba at may isang puno ng mangga na nandito at abot ang sanga dito sa bintana. Kumapit ako sa mga sanga ng mangga mabuti nalang talaga walang tao na nandito. Buti rin ay sanay ako umakyat.

Nakababa na ako sa mangga, gusto ko pa sanang mag pahinga pero wala ng time sa bagay na 'yun. Mukhang pinaghahanap na nila ako.

Agad akong tumakbo papunta sa kabilang gate mabuti nalang malapit lang 'to sa kinaroroonan ng gate.

Nakita ko kaagad si Jared paglabas ko ng gate nakatayo siya sa may dulo ng kotse n'ya. Tumakbo ako palapit sa kanya.

Ngumiti siya sa akin bago pinag buksan ako ng pinto.

"Jared bilisan natin hinahanap na nila ako." Marahan namang tumango si Jared at pinaandar ang kotse n'ya.

Napansin din namin sa likod na ang daming sumusunod na kotse sa amin.

"Shit nasundan tayo," hinawakan n'ya ang kaliwang kamay ko.

"Don't worry nandito lang ako. Huwag kang matakot hinding hindi kita iiwan."

"Jared!" Napasigaw ako ng may makakasalubong kaming truck.

Naramdaman kong niyakap n'ya ako para ma protektahan and everything went black.......

*****

I Love You A Thousand Times [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon