December na ngayon kaya umuwi muna ako sa bahay. Hindi pala namin bahay kun'di bahay ng buong pamilya namin. Si tito Sean lang naman kasi ang may sariling bahay lahat kami nakatira sa bahay na pinagawa ni tito Sean. Malaki 'yung bahay na 'yun parang isang mansion na dahil lahat kami don nakatira. Kaming mag pipinsan sila tita, tito at si lolo at lola.
Nakasalubong ko kaagad sila Trivor at Uno tapos nasa second floor naman sila tita at tito. Kinabahan ako ng makita ko si lolo at lola. Nakalimutan ko na dinner pala naming pamilya ngayon kaya halos lahat sila nandito. Kahit si tito Sean at tita Elca nandito.
Walang nag-iingay sa amin except nalang sa ingay ng mga tinidor at kutsara.
"Trivor hows your study?" Tanong ni lolo sa kanya. Medyo kinakabahan na ako sa mga tanong nila.
"It's okay Lo, 1.5 pinakamababa sa grades ko." Napangiti naman si lolo ayaw n'ya kasi sa lahat na nagkakaroon kami ng 2 na grades.
"Good 'wag n'yong gayahin ang ate n'yo shamelle na nagkaroon ng 3 sa grades." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mapatingin sa akin si lolo.
"Nabalitaan ko Tracey may boyfriend ka na daw. Bakit hindi mo man lang siya pinapakilala sa amin?" Napatingin tuloy silang lahat sa akin including si mama at papa. Paano nalaman ni tita na may boyfriend na ako?
"Hindi naman ako against kahit sino pa 'yan mayaman man o mahirap dahil don naman tayo nanggaling. Ang isa lang namang ayaw ko 'wag lang ang pamilyang Montreal." Halos hindi ko malunok ang kinakain ko ng sinabi ni Lolo 'yan.
"Mukhang wala namang nagkakagusto sa mga Montreal Lo. Ang papanget kaya ng mga 'yun." sambit ni Dyrene na halatang inis na inis.
****
Matapos naming kumain pumunta na ako sa room ko mag katabi kami ng room ni Amae. Lumabas ako at pumuntang terrace para magpahangin. Tumingin ako sa phone ko na puno ng message ni Jared at mga tawag. Gusto ko mang sagutin ang tawag n'ya pero ayoko natatakot ako. Natatakot na ako sa pwedeng mangyari ngayon. What if kong mahuli kami?
"Tracey!" Halos mapatalon ako ng biglang sumulpot si Amae sa tabi ko.
"May problema ka ba?" Umiling naman ako kahit sabihin ko naman sa kanya may magagawa ba siya? Baka lalo pa ngang lumala ang situation.
"Si Black ba ang boyfriend mo?" Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa tanong n'ya.
"Hindi ano ka ba naman Amae." I lied.
"Lagi ko kayong nakikita ni Black na mag kasama at nakita ko rin ang reaction mo kanina habang sinasabi ang about sa Montreal." Napaiyak na ako ng sabihin n'ya 'yun.
"Amae please don't tell them about this." Lumuhod na ako sa harapan n'ya para lang 'wag n'yang sabihin.
"Tracey tumayo ka nga." Pinatayo n'ya ako.
"Don't worry your secret will be safe to me." Agad ko siyang niyakap dahil sa sinabi n'ya.
"Thank you Amae. Hindi mo alam kong gaano ako nagpapa salamat sa'yo." Ngumiti lang naman siya sa akin.
****
"Nandito ako sa loob ng bathroom bakit ka ba napatawag?" Tanong ko kay Jared ayoko kasing nasa room ako baka may makarinig ng pinag-uusapan namin. Ayoko namang mahuli na si Jared 'yung boyfriend ko lalo na kilala ni Travis at Uno si Jared na isa siyang Montreal.
"Yam naman mis na mis na kita." My gosh iba na naman 'yung tawag sa akin ni Jared.
"I miss you too. Pero bakit iba-iba naman 'ata ang tawag mo sa akin?" Halos 2 weeks na rin kasi kaming hindi nagkikita next week pasukan na rin ulit.
"Lahat kasi ng tawag sa'yo bagay. I want to see you badly." Kahit ako gusto ko rin siyang makita.
"Gagawa ako ng paraan para magkita tayo." Pagkatapos naming mag-usap bumaba na ako.
"Tracey sama ka." Aya sa akin ni Dyrine.
"Saan naman?" Tumingin ako kay Thea na ngayon ay 9 years old na. Parang dati lang ang bata n'ya pa.
"Grocery kasama din naman si Amae." Agad akong nag bihis ng sabihin nilang kasama si Amae. Sasama ako sa kanila dahil pagkakataon na 'yun para makita ko si Jared.
Pagdating namin sa grocery store humiwalay ako sa kanila sinabi ko lang na pupunta akong 3rd floor at may bibilhan don. Pero ang totoo pupunta talaga ako sa tambayan namin ni Jared.
****
"Jared!" Sigaw ko sa kanya at ng makalapit siya sa akin niyakap ko siya kaagad.
"God I miss you my Queen." May kinuha siya sa bulsa n'ya at isa 'yung kwentas.
"Para sa'yo 'to sana magustuhan mo." Isinuot n'ya sa akin ang kwentas na may pendant na rose.
"Ang ganda." Nag beep ang phone ko kaya kinabahan ako bigla. Si Amae ang nag text nasa counter na daw sila at uuwi na sila pagkatapos non.
"Jared nasa counter na sila kailangan ko ng umalis. Gustuhin ko man na makasama ka pa pero kasi nandoon sila Travis baka hanapin nila ako." Tumango lang naman siya sa akin.
"I understand." Palakad na sana ako ng yakapin n'ya ako at halikan sa noo.
"Mag-iingat ka. Kahit na maging against ang lahat sa atin hinding-hindi kita susukuan." Napangiti ako sa sinabi n'ya.
"Hinding-hindi rin ako susuko hangga't hindi ka sumusuko lalaban tayo kahit anong mangyari."
Ang sakit lang makita siya na iniiwan ko habang papalayo ako sa kanya. Kitang-kita ko 'yung lungkot sa mukha n'ya. Hwag kang mag-alala Jared malapit na ang pasukan at magkakasama na tayo ulit.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/136645945-288-k736001.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You A Thousand Times [On-Going]
Любовные романы"I Love You, I really do. If you say you love me too, I'll promise I will do everything just for you my love. Even I risk my own life." - Jared -FUENTEBELLA SERIES 1