TRACEY POINT OF VIEW
First year college? Geez ito na 'ata sa lahat ang pinakanaiinisan ko. Paano ba naman nahiwalay ako sa mga pinsan ko naiibang school ako sa kanilang lahat. Tuloy nag-iisa lang ako dito wala akong kakilala bukod sa sarili ko sino pa ba? Pero second semester dito na rin mag-aaral si Trivor and Amae sana nga lang matuloy.
"Guess guys papasok na raw si Black." dinig kong sabi ng mga katabi kong mga student. I know who's that guy they are talking, one month na rin kasi ako dito kaya kilala ko na sila. Pero worst wala man lang akong naging kaibigan wala 'atang may balak na makipag kaibigan sa akin. Hindi naman ako masungit or ano pa man 'yun nga lang tahimik ako hindi ako marunong gumawa ng topic. I'm Introvert person.
Nandito ako sa bleacher ng pool tambay lang ako dito. Marami ring mga student na nandito na nanonood ng try out including me. Napatingin ako sa phone ko na kanina pa vibrate ng vibrate di ko kasi ugaling naka volume gusto ko vibration lang. Tumatawag lang naman 'yung pinsan kong si Trivor.
"Anong kailangan mo?" pagsagot ko palang ng tawag n'ya.
"Ouch couz! Ganyan ba talaga bungad mo sa pinakagwapo mong pinsan? Kapag ba tumawag sa'yo may kailangan agad?" dami namang sinasabi ng hinayupak na 'to.
"Oh? Ano ba kasi bakit ka napatawag?"
"Sungit mo! Ano meron ka ba? Kakamustahin lang naman kita haha kamusta first month mo diyan? Madami bang chix?"
"As usual ano pa nga ba? Boring as usual wala pa rin akong friends mahirap bang makipag socialize sa akin? Enjoy na enjoy talaga ako dito!" Tumawa naman si Trivor sa kabilang line sarap kutusan. "Tsaka walang chix dito manok lang."
"Alam mo kong bakit wala? Flat ka kasi haha tapos mukha pang masungit."
"What? Anong flat pinapagsabi mo? Anong kinalaman non?"
"Wala basta, a. Hanapan mo akong chix diyan."
"Ewan ko sa'yo Trivor! Siraulo ka!"
"Haha don't worry next month dadalawin ka naming baka inaamag ka na diyan, e."
"Isa pa talaga papatayan na kita! Lakas ng trip mo! Kahit 'wag na kayong dumalaw hindi ko kayo kailangan!" medyo napalakas 'yung pagkakasabi ko kaya napatingin sa akin ang iba including 'tong katabi ko. Pinatayan ko na si Trivor nakakahiya kasi. Kinuha ko na ang bag ko at akmang aalis, napatigil ako nong himawakan n'ya ako sa braso.
"What do you want mister? Do I know you? Can you let me go?" Hinila ko 'yung braso ko na hawak n'ya pero hindi n'ya pa rin binibitawan.
"I want your number, give it to me your number." What? Siraulo ba 'to? Pinapagtinginan na kami ng mga student at pinapagbulungan na rin. Masyado 'ata kaming agaw attention.
Lumapit 'yung isang lalaking student sa amin. "Couz let her go she's not a thing." Nakangising sabi nito sa kanya pero sinulyapan lang siya nito.
"Tracey Rhae Fuentebella ah" napalunok ako nong nag smirk siya bago binitawan ako.
"Tracey sorry sa pinsan ko ganyan talaga siya kapag interested sa isang babae."
"Pakisabi sa kanya. Naka drugs ba siya? Kasi mga galawan n'ya pang adik!" bago lumakad na ako paalis hindi ko na hinintay 'yung magiging sagot ng cousin nong stranger.
****
Nandito na ako ngayon sa unit ko at ang kinaiinis ko walang pumapasok sa utak ko gumagawa kasi ako ng thesis. Lintik kasing hinayupak na lalaki na 'yun panggulo siya ng utak ko! Hindi ko naman siya gustong isipin pero naiisip ko pa rin siya ugh! Kanina pa ako pa ikot-ikot sa bed ko at ginugulo 'yung buhok ko dahil hindi mawala sa isipan ko 'yung stranger guy. Nakikita ko kasi sa isipan ko 'yung mukha n'ya na nakangisi. Pero wait parang pamilyar siya. Oo nakita ko na nga siya. Siya 'yung lalaki na kasabay ko bumili sa national book store. Kaya pala hindi mawaglit siya sa utak ko dahil siya 'yung gwapo. Pero still nakakatakot pa rin siya lalo na 'yung ginawa n'ya sa akin kanina manghihingi lang naman kasi ng number kailangan may ganon pa? Adik talaga 'yun siraulo! Pero kahit ganon crush ko pa rin siya pero nasungitan ko siya? Ugh bakit ko ba kasi ngayon ko lang siya naalala? Huhu nakakahiya doon sa pinsan n'ya baka sinabi na non 'yung sinabi ko na kong naka drugs ba siya? Wahh! Nakakahiya ako!
BINABASA MO ANG
I Love You A Thousand Times [On-Going]
Romansa"I Love You, I really do. If you say you love me too, I'll promise I will do everything just for you my love. Even I risk my own life." - Jared -FUENTEBELLA SERIES 1