Nasa isang isla kami ngayon for training. Nagtataka ako sa ibang student para kasing pinag bubulungan nila ako."Pansin ko lang Tracey mukhang kanina ka pa nila pinag-uusapan. Anong meron?" Sa totoo lang 'di ko din talaga alam kong bakit nila ako pinag-uusapan.
Wala naman akong naalala na may ginawa ako para pag tsismisan nila.
"Ganyan talaga kapag famous at maganda." Nakangiting sabi ni Amae. Kasama ko din si Dyrene habang nag-uusap kaming tatlo may lumapit sa aming dalawang babae.
"Hi, ikaw 'di ba 'yong girlfriend ni Black?" Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa tanong n'ya. Hindi dahil sa kong ano kun'di dahil sa kaba.
"Girlfriend siya ni Black?" Gulat na tanong ni Dyrene.
"Yeah, 'yun 'yong mga naririnig naming rumour." Sagot ng isa sa kanila bago umalis. Napatingin naman sa akin si Dyrene habang si Amae mukhang nag-aalala.
"So, si Jared Black pala 'yong boyfriend mo? Kaya pala hindi mo mapa kilala sa amin. My God Tracey nag-iisip ka ba?!"
"Nag-iisip ako Dyrene pero 'yong puso ko 'yong hindi. Mahal ko siya kaya ano bang magagawa ko?"
"Pero sana pinigilan mo!" Hindi nalang ako sumagot kay Dyrene. Ayoko ng gulo alam kong lala lang ang lahat kong sasagot pa ako.
"Anong nangyayari?" Napatingin ako kay Uno na kararating lang. Mas lalong lumala 'yung mga kaba sa dibdib ko.
Mukhang 'di ko na talaga mapipigilan 'yong mga mangyayari. Mukhang ito na talaga 'yong naka tadhana sa akin ngayong araw.
Pero sana please 'wag muna ngayon malaman ng family ko. Hindi ko kakayanin...
"Girlfriend ni Black si Tracey," gulat na napatingin sa akin si Uno.
"What? Are you out of your mind Tracey? Paano kong malaman 'to nila lolo, lola at nila tito. Malaking gulo 'yong mangyayari! Paano rin kong ginagamit ka lang ni Jared para magulo ulit 'tong family natin!" Napapailing siya pero na pansin ko napa tingin siya sa pwesto nila Jared.
"Please Uno kong ano mang binabalak mo 'wag mong gawin." Pero hindi ko siya napigilan.
Lumapit siya sa grupo nila Jared at hinala patayo ito. Agad akong tumakbo palapit sa kanila. Pero huli na ang lahat na suntok na ni Uno si Jared.
"Uno stop this please," pinigilan na rin naman sila ng iba pang mga lalaki. Napapaiyak na ako sa mga nangyayari.
"Ano bang problema mo?!" Galit na tanong ni Jared sa kanya.
"Anong problema ko? Ikaw ang problema! Bakit kailangang pati pinsan ko pa marami namang iba!" Sa sinabi ni Uno nawala 'yong galit sa mukha ni Jared at 'yong mga mata n'ya naging maamo. Tumingin siya sa akin pero walang emotion na makikita sa mga mata n'ya.
"Mahal ko siya," isang suntok na naman ang natamo ni Jared galing kay Uno.
"Alam mo pala ang salitang 'yon! Oras na malaman kong niloloko mo ang pinsan ko hindi lang 'yan ang matitikman mo!" Pinunasan ni Jared ang dugo sa labi n'ya.
"Oo alam ko. 'Yun 'yong nararamdaman ko para kay Tracey ngayon. Wala rin akong pakialam kong against kayo sa amin. Hindi ako matatakot kahit anong mangyari! Hindi ko siya bibitawan kahit anong mangyari. Hinding hindi ko rin siya sasaktan." Bago lumapit siya sa akin at ngumiti.
Hinila n'ya ako palayo sa kanila. Napunta kami hanggang sa dulo nitong isla. Tahimik lang kaming nakaupo sa mga batuhan na nandito.
Tumingin ako sa kanya at naka tingin din pala siya sa akin. Hinawakan ko ang sugat n'ya sa may labi.
Naramdaman ko nalang na ang labi n'ya nakalapat na sa labi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko 'di na siya katulad ng kanina. Hindi na dahil sa takot kun'di dahil kay Jared. Ilang segundo din bago nag hiwalay 'yong mga labi namin.
Hinawakan ni Jared ang mga kamay ko.
"I miss you so much," then niyakap n'ya ako.
"I miss you too, Jared."
"Please kahit anong mangyari don't leave me. I know they are all against us and I promise hinding hindi kita iiwan." Tumango naman ako sa kanya.
****
Nasa cottage na kami ngayon nitong isla. Magkakasama kami ngayong mag pi-pinsan.
"Tracey hindi naman kami against sa inyo ni Jared. Pero Tracey nag-aalala lang kami sa pwedeng mangyari sa'yo. Lalo na kapag nalaman nilang lahat 'yong relasyon n'yo. Hindi habang buhay maitatago n'yo 'yon."
"Alam ko Uno. Pero kasi 'di ko kaya. Mahal ko siya at ipapaglaban ko siya."
"Ikaw ng bahala malaki n
"You know Tracey hindi din naman ako against sa inyo ni Black. But you know he's certified womanizer nag-aalala lang din ako para sa'yo. Pero dahil sa sinabi n'ya kanina sa'yo napatunayan ko na mahal ka talaga n'ya. Don't worry isusupport ko naman kayo but hindi ko nga lang talaga pagkaka tiwalaan si Jared." Napangiti ako kay Dyrene kahit naman may pagka bitch attitude siya nag-aalala din siya sa akin. Niyakap ko siya at niyakap n'ya rin ako.
****
Napatingin ako sa whole clock nitong room namin. Wala dito si Uno dahil sa boys room siya. Ako nalang din ang mag-isa na gising tulog na tulog na 'tong dalawa.
Hindi kasi ako makatulog parang feeling ko anytime malalaman na nila lolo 'yong about sa amin ni Jared.
Minsan tuloy naiisip ko kong ano bang naging dahilan ng lahat. Kong bakit naging ganito? Kong bakit naging mag kaaway ang pamilya namin at pamilya nila Jared.
Hindi naman kasi sa amin sinabi ang buong story kong bakit nagka ganito. Ang alam ko noon 'di naman sila mag kaaway.
Gusto kong malaman kong paano nangyari 'tong lahat. Kong paano sila naging mag kaaway. Ayokong ma epektuhan 'yong relation namin ni Jared.
****
BINABASA MO ANG
I Love You A Thousand Times [On-Going]
Любовные романы"I Love You, I really do. If you say you love me too, I'll promise I will do everything just for you my love. Even I risk my own life." - Jared -FUENTEBELLA SERIES 1