21
Nasa bahay na kami ni Eros ngayon at nagpapahinga. Ilang beses ko siyang nasapak dahil sa paulit ulit niyang pagbanggit tungkol sa Baby.
“Gawa tayo?” PAK!
“Gusto ko din” PAK!
“Baby baby baby!” PAK!
“Hahaha! Bab--” PAK!
Kung bibilangin ko kung ilang beses ko siyang sinapak, di ata kasya yung mga daliri ko, kailangan ko pang isama yung daliri sa paa ko. Neh.
“Psst” pagsisitsit ni Eros sa akin. Di ko siya pinansin. Kinalabit niya ako. Tumingin na ako kasi alam kong di niya ako tatantanan.
“Mm?” umangat yung labi niya at ngumiti ng napakalapad.
“May gusto akong gawin. Sa--”
“Ayoko nga! Ang berde berde mong butiki ka!” sigaw ko.
“Hahahaha! Imba! Iba ang gusto kong gawin! Assuming” sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.
“Gusto ko gumawa ng cupcake.” Sabi niya
“Seryoso ka?” tanong ko at Tumango lang siya.
“Turuan mo ako.” Sabi niya ng naka-pout. Ngumiwi ako sa nakita. Ew. Nakakakilabot siyang isipin na naka-pout. Er. Mukhang sinakal na bibe.
Tumingin ako sa orasan at 7:05 pm na. Maaga pa naman, kadalasan ay mga 10 to 11 na kami natutulog eh.. Tumayo ako at pumunta sa kusina, binuksan ko yung cabinet at kinuha yung mga kakailanganin. Kumpleto ako sa ingredients kasi si kuya ay mahilig magluto o kaya ay magbake.
Tumayo si Eros at lumapit sa akin. Kumuha ako ng mga bowl, cups tsaka yung mixer. Nakatingin lang siya sa akin.
“Marunong ka?” tanong niya
“Hindi siguro kita tuturuan kung di ako marunong. Syempre marunong ako!” panunumbat ko sa kanya. bumelat lang siya sa akin at bumelat ako pabalik.
“Lagay mo tong flour” linagay niya ito sa bowl. Sunod lang siya ng sunod sa akin.
“Sunod mo yung limang itlog” ngumisi siya
“Sama ko yung akin?” nakakalokong tanong niya. inirapan ko siya.
“Kadiri ka! Tss. Dugyot neto” Umiwas ako ng tingin at tingin ko eh namula ako ng sobra. kadiri kasi, bigla biglang babanat. Di ako ready, HAHAHAHA!
“Halo mo. Tapos lagay mo ito, ito pa, tsaka ito. Halo mo” utos ko at ang gulo gulo niya. para siyang bata. May flour sa noo niya at sa buhok niya. ayos kasi ng ayos ng buhok, VAIN -__-
“Naheat mo na yung oven?” tanong ko at Tumango siya ng nakangiti.
“O, lagay mo na. dahan dahan ah” sabi ko at linagay niya ito sa loob ng oven. Habang naghihintay kaming maluto ito ay nag-ayos kami at naglinis. Di ko maiwasan siyang tignan. Puti yung buhok niya sa harap, tapos yung noo niya, puting puti na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/15833105-288-k637069.jpg)
BINABASA MO ANG
♥ Hater Ko Lover Ko ♥
RomanceIsang storya na nagsimula sa isang hater page. Ang buhay nila ay parang roller coaster, may ups, may downs pero masaya. Ang buhay nila ay parang intersecting lines, isang beses nagkita, pero hindi na muli magkikita. Gagawa kaya siya ng paraan para...