Chapter 8- Goodnight Kisses

517 24 1
                                    

8

Mag-aalone time ako ngayon. Kaya pumunta ako sa office ko ngayon. Matagal tagal na rin akong di nakakapunta dito, minsanan nalang kasi ang clients. Pagdating ko dun, yung iba tulog, yung iba telebabad, yung iba kumakain. Pumasok na ako at nagulat silang lahat.

“Pumasok ka ata ngayon?” tanong ni Jess. Kaibigan ko dito.

“May client eh.” Sabi ko with a shrug

“Ooooh.” At nagsibalikan na sila sa upuan nila.

Inopen ko na yung PC ko and nagsearch ng mga magagandang decos para sa beach weddings.  And magaganda lahat. So far, may idea na ako kaya inisketch ko sa pad ko yung naimagine ko. Yung sa may officiator parang may arch na malaki then maraming flowers and vines na nakasabit. Tapos yung para sa aisle na lalakaran nung bride, maraming petals and leaves.

Pero mga brown sila. Autumn daw gusto eh. At dahil tumawag si Aldrin kagabi, sabi daw ng bride na sunflowers daw yung gusto niyang bouquet . Weird. pero syempre may kasamang roses yun.

Matapos kong i-sketch, tinago ko na yun sa back pack ko at umalis na.

“Alis ka agad?” Jess

“Oo eh. Hahanap ako ng mga magandang shop ng wedding dresses.” Sabi ko at umalis na. dumiretso ako sa car ko tapos nagdrive lang ako kung saan saan, baka kasi may mga shop sa mga gilid gilid. The may nakita nga ako so pagkapark ko pumasok ako dun. Magaganda naman yung mga dresses. Kaso sobrang mahal. Di ko i-susuggest to.

Nagdrive ulit ako then may nakita naman ako, bale, tatlong shops lang ang pumasa sakin. Maganda na, mababa pa sila maningil. Pumunta ako sa mall to check kung meron din, kaso….Mapapashopping yata ako.

Di nako naghanap ng mga shops. Tutal sale ngayon, magshohopping ako.

Eto, Pasok dito, bili bili bili, labas. Diretso sa kabilang shop, bili ulit ng mga shirts or jeans.

***

Marami na yata akong nabili. Mga 6 na shirts at 2 jeans. Ok na to. Sale naman so sinulit ko na yung mga buy 1 take 1 sa shirts. Dumiretso ako sa McDo para maglunch, habang kumakain ako, iniisip ko, kumain na kaya si kuya?

Tinawagan ko siya since unli na ulit ako.

“Hello kuya?”

“Yes baby?” tanong niya

“Uhm. Kumain ka na?”

“Concerned ka ata sakin ngayon?” sabi niya. Pake niya ba.

“Pasalamat ka nga kinakamusta pa kita”

“Ako ba? Sure ka?” tanong niya

“Ewan ko sayo. Bahala ka. Chineck lang kita”

“Ako nga ba?” bat ba ang kulit nito?

“Oo nga. Tss.”

“Kumain na ako. Kasama ko si Jano at si Aldrin” magkasama sila?

“Asan kayo?”

“Bahay. Naghalf-day ako.” Pagkasabi niya nun pinatay ko na at umuwi agad.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si kuyang nagkakape.

“Si Aldrin?” tanong ko

“Wala.”

“Kala ko ba andito sila”

“Naniwala ka naman” nakakainis to. Wala naman pala sila.

“Sabi mo eh.”

“Kaw ah. May gusto ka ata makita.” Panunukso niya sa akin

♥ Hater Ko Lover Ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon