48
Naghihintay kami dito sa condo ko. Halos lahat na ata nilinis ko. Pagpag dito, pagpag doon. Walis dito, walis doon. Vacuum dito, vacuum doon.
“Love, mabait sila. Natatakot ka nanaman” sabi niya at binackhug ako
“kinakabahan ako. doon ka nga!” taboy ko sa kanya pero di man lang siya natinag.
“Ano ba! Get off me! Dun ka! Get a life! Maglilinis ako!” sigaw ko sa kanya pero nakangiti lang siya at nakayakap sa akin. Urgh. Nakakairita yang mukhang yan. Tss.
“Ang sarap mong yakapin. ” sabi niya
“Whatever loser. Dun ka” sabi ko at nagpatuloy sa pagpupunas sa mga frames. Nakakapit parin siya sa akin parang linta. Ah bahala siya! Naglalakad siya pag maglalakad din ako. nakakainis. Ang bigat bigat!
*ding dong*
Nagkatinginan kami at tumakbo siya para buksan yung pinto. Linapag ko muna yung punas at pumunta sa likod ni Clark.
Sumalubong sa amin ang nakangiting babae at lalaki na may katandaan. Tapos kasunod nila si uh..jano, na nakasalamin at business attire pa.
“Hi anak!” bati nila kay Clark at humalik sa pisngi. Bumaling ang atensyon nila sa akin. Tinignan nila ako head to toe.
Gulp.
Napalunok ako kasi nga diba, first impression lasts.
“Hi anak!” sabi nung mommy niya at yumakap sa akin, ngumiti lang sa akin yung daddy niya at nagsalute. Watdahek?! Ganito sila kabait? Hindi ko na kasi sila matandaan. Six years ago din yun noh! Marami ng nangyari sa akin.
“Ah. hehe…hi po tita, tito” nahihiyang sabi ko. Nagulat ako ng hampasin ako nung mommy niya, sa balikat lang naman.
“Ikaw talaga. Mama na lang” sabi niya
“Oo nga. papa nalang, naalala ko pa. ang kulit kulit mo noon. Lagi kang kumukuha ng chocolates sa ref namin” sabi ni, uh, papa. Err.
Nagkwentuhan lang kami at medyo naalala ko na nga. oo nga, mga kagagahan ko noon. Lagi kong tinatakas mga chocolates nila tapos aakyat ako sa kwarto ni Clark. Maglalaro lang kami habang kumakain ng chocolates. Minsan naman, mga chips. Kaya lagi kaming napapagalitan noon eh. at napapalo sa pwet. Hahaha!
“Kaya nga ma. Hanggang ngayon ang kulit kulit parin niya” sabi ko kay mommy.
“Hahaha!” tumatawa lang sila ni papa. Ang saya naman. mabait din sila sa akin.
“Uh, ma, pa. HOY! Jano!” tawag ni Clark sa atensyon nila. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Oh? Ang sweet niyo naman.” puna ni mama. Ngumiti nalang ako at uminit ang pisngi ko.
“Uh..kasi po…BUNTIS PO SI AYI” sabi ni Clark at yumuko kaming dalawa. Naghihintay din kami ng isang bayolenteng reaksyon, pero wala din.
![](https://img.wattpad.com/cover/15833105-288-k637069.jpg)
BINABASA MO ANG
♥ Hater Ko Lover Ko ♥
RomanceIsang storya na nagsimula sa isang hater page. Ang buhay nila ay parang roller coaster, may ups, may downs pero masaya. Ang buhay nila ay parang intersecting lines, isang beses nagkita, pero hindi na muli magkikita. Gagawa kaya siya ng paraan para...