38
“Mommy, san po yung isusuot ko?” tanong ko ng mapansin na ako na lang ang nakapambahay. Si tatay, mommy, yung tatlo ko kong kuya at si Loves eh bihis na bihis na. ako lang ang hindi.
Nga pala, pare parehas sila ng suot. Same na shirt sa loob, tapos nakacoat tapos jeans. Oh diba? Ang popogi tuloy ng labas nila. lahat sila white shirt, pero yung coat nila ay iba-iba. Kay kuya Rusty ay Gray, kay kuya Ji naman ay Black at kay Loves ay blue. Omg. Parang turquoise siya eh. bagay niya actually.
“Oh. Wait.” Sabi niya at at tumakbo pataas. Ay nako, pasaway na mommy. Nakamonster heels tapos tatakbo-takbo sa hagdan. Mamaya nadapa. Hinintay ko siyang bumaba at di rin siya nagtagal. Bumaba siyang may hawak na malaking box.
Linapag niya yun sa table. Lahat sila nakatingin sa akin.
“Open it” sabi ni tatay. Dahan dahan ko itong binuksan. Lumaki ang mata ko sa dress. Tinaas ko ito at nakita kong napanganga si kuya, kuya Rusty at Loves. Si kuya Ji naman ay nagthumbs up kay mommy. Si tatay? Walang reaction. Nakatingin lang. neh.
Napatingin ako sa long V Line nito. OMG. Napatingin ako sa dibdib ko at I swear, narinig ko yung malakas na tawa ni kuya Ji. Tinignan ko siya.
“Sorry. Pero bagay sayo yan. Don’t mind the V line” natatawang sabi niya. maganda naman yung dress eh. white siya na parang lacy, may mahabang V Line na kita cleavage na ata. May sleeves naman ito, maiksi lang din yung dress. Bet ko 3-4 inches above the knee.
“Yup! Kaya tara. Bibihisan kita” sabi ni mommy at hinila ako pataas. Hawak hawak ko parin yung dress at di ako makaget over. Pag dating sa kwarto ay sinuot ko na ito, syempre wala ng hiya hiya kay mommy. Naghubad na ako sa harap niya. well, of course suot ko ang undies ko no. kung sila kuya Rusty nakita akong naka two piece, pwes pati si mommy, nakita na rin akong naka two piece.
Tinulungan niya akong i-zipper ito sa likod. Tapos inayos niya yung buhok ko at minake-upan ng konti. Medyo nabura nung nagtoothbrush ako eh.
Light make up lang naman.
“Ayan! Perfect!” sabi niya. napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin.
“Galing mommy. Ikaw na lang sana nag-ayos sa akin” sabi ko. Oo nga, para hindi na kami gumastos dun sa salon.
“Ay nako. Okay lang yun.” Sabi niya at hinila na ako pababa.
Ngayon ko lang napansin.. where’s my shoes?
“Mommy, san yung shoes ko?” tanong ko pagkababa namin. Nagulat ako nung may lumuhod sa harap ko. Si Loves.
![](https://img.wattpad.com/cover/15833105-288-k637069.jpg)
BINABASA MO ANG
♥ Hater Ko Lover Ko ♥
RomanceIsang storya na nagsimula sa isang hater page. Ang buhay nila ay parang roller coaster, may ups, may downs pero masaya. Ang buhay nila ay parang intersecting lines, isang beses nagkita, pero hindi na muli magkikita. Gagawa kaya siya ng paraan para...