Chapter 45- Daddy na talaga ako!

338 17 5
                                    

45

“Sige na. you make gora na!” sabi nila ate. Umalis na ako at nagtungo sa Parking. Iniwan ko nalang sila ate doon. Di naman sila mabobore eh.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Clark, at nagmaneho papunta sa hospital. Sa ngayong oras, baka nag-eendorse na sila kaya pag dating ko doon ay paalis na siya.

Hawak hawak ko ang PT, sana. Sana totoo na to.

Agad ko itong pinark at nagmamadaling pumasok.

“Good Morning Ma’am” bati nung guard pero patuloy lang ako sa paglalakad. Sa sobrang kaba, excitement at takot ay di ko na siya nabati pabalik.

Dumiretso ako sa Coronary ward at tama nga ako. kakatapos lang nila mag-endorse.

“Love!” sigaw ko. Di ko naman pwedeng isigaw na, ‘Eros!’ o kaya, ‘Clark!’. Kaya Love na lang.

Agad siyang lumingon at ngumiti. Ngumiti din ako at tumakbo siya palapit sa akin. Nakasakbit pa sa isang balikat niya ang bag niya. humalik siya sa akin ng saglit at saka ako tinanong.

“Oh. Tara?” sabi niya. hinawakan ko yung kamay niya at tinignan siya ng taimtim.

“Tiks. Ano kasi…Tinry ko ulit. Tapos..” di ko na natuloy yung sasabihin ko. Linagay ko sa kamay niya yung PT. Tinitigan niya ito at lumaki ang mata niya. nanginginig pa yung kamay niya.

“T-totoo ba to?” Tumango ako at ngumiti siya ng sobrang lapad. Hinila niya ako at nagtungo kami sa isang department.

Pinagtitinginan kami ng ilang nurses. Yung iba nginingitian ako. Weird.

Hingal na hingal siya ng makarating kami sa tapat ng pintuan. Hindi man lang ako napagod.

PHDr. Jia B. Chu.  OB-Gyne

“Huy. Nakakahiya. Baka may appointment” sabi ko at umiling lang siya.

“Di ah, close kami nyan eh” sabi niya. tumaas ang kilay ko doon. Close sila ng isang doctor? AT BABAE? URGH! Gera to sinasabi ko na!

“Huy. Kalma. Ang sakit naman ng grip mo” sabi niya at binitawan yung kamay ko. Kiniss-kiss niya pa yung kamay ko.

“Nagseselos ka kay doktora? Hahaha! Lika na nga” sabi niya at kumatok siya sa pintuan.

“Pasok!” sigaw ng isang babae. Binuksan niya yung pintuan at pumasok kami. tinignan ko yung doctor at nahiya naman ako. ihhh! Kasi naman!

“Ahahaha!” tumawa lang si Clark

“Sabi ko sayo, nagseselos ka pa” bulong niya. eh kasi naman, matanda na pala to. Tantya ko mga 50’s na. nakakahiya tuloy.

♥ Hater Ko Lover Ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon