Play niyo yung music sa gilid. Inspiration ko yan nung sinulat ko to. HAHAHAHA! Bitter kasi ako XD
_______________________________________________________
35
Nagising ako sa malakas na sigaw sa kwarto ko. Minulat ko ang mata ko para tignan yun at nakita si T-Rex na nakapamaywang at nakataas ang kilay. Parang babae. Tss. Umikot ako at nagtalukbong ng kumot. Inaantok pa ako.
Di kasi ako pinatulog ni Eros kagabi eh. HEP! Wag GM. Buong gabi lang naman po kaming nagtawagan. 5 hours na tuloy tuloy yun. Hanggang pagtutoothbrush ko ay naka on parin.
Wala lang, usap usap about sa life. Chaka! Hahaha! Dami kong alam.
Pakiramdam ko ay na-alog alog ang buong katawan ko sa pagyugyog ni tay sa akin. Feeling ko tuloy na dislocate na yung utak ko, yung bituka ko at yung iba ko pang lamang loob.
“TAY!” sigaw ko kaya tumigil na siya.
“Ang hirap mo gisingin, punyemas kang bata ka!” sigaw niya at pinalo ako sa pwet. Nakadapa kasi ako. At dahil dun, bigla akong napaayos ng higa. Di na ako bata, paluin ba naman ako pwet. Tss
“Wala lang si mommy, ako ang ginugulo mo. Si kuya ang guluhin mo, wag ako” sabi ko.
Kumunot ang noo niya at nagkamot sa may bandang kilay niya.
“Eh. Sinong kuya?” tanong niya. napairap ako.
“Si kuya DEE! O kaya, si Rusty! Hintayin mo, darating din si kuya Meiji! SILA ANG GULUHIN MO!” sabi ko. At ngayon ko lang napansin na rhyming pala names namin.
Dee, Rusty, Meiji, Ayi. O diba? ANG TARAY! Hahaha!
“Ahh. Dumadami kapatid mo eh. hehe” sabi niya at nagkamot naman ng ulo ngayon. May kuto ata to. Tss.
“O tapos?” tanong ko habang pinadaan ang kamay ko sa buhok ko. Ack! Ang daming sabit!
“Di bale, pag naghoneymoon kami magcocondom nalang ako para di na kayo dadami” ngumiwi ako.
“TAY! Tama bang iparinig sa anak mo yan? Sa akin?” nakataas ang kilay ko habang sinigaw yun. Duh. Sabihin ba naman sa akin, tss. Kakaibang tatay, kung di ko lang to tatay. Iisipin kong college lang to.
“Bakit? Wala namang masama” inoseneng sabi niya na parang walang mali sa sinabi niya. inirapan ko siya at tumayo. Lumabas na ako at naabutan si Rusty na tawa ng tawa habang nanonood ng cartoons. May pagkain pa sa bibig niya. what the eff? Kung ano anong nangyayari sa bahay ko.
“Bakit ka ba nandito?” inis na tanong ko kay tay nakikitawa na kay Rusty.
“Ha? Ah. Papagalitan sana kita dahil hindi mo ako sinipot kahapon.” Sabi niya. kumunot ang noo ko sa sinabi niya. kahapon? Kasama ko si Eros, yung sa hideout. Tapos..tapos.. OO NGA! Shunga ko talaga.

BINABASA MO ANG
♥ Hater Ko Lover Ko ♥
RomanceIsang storya na nagsimula sa isang hater page. Ang buhay nila ay parang roller coaster, may ups, may downs pero masaya. Ang buhay nila ay parang intersecting lines, isang beses nagkita, pero hindi na muli magkikita. Gagawa kaya siya ng paraan para...