Chapter 11- Adobo

459 20 1
                                    

11

Maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin ni Eros. Ewan ko. Bakit ba, gusto ko siyang gawaan eh. Tinupi ko na yung kumot ko at inayos ito. Tinignan ko si Eros, tulog na tulog siya, mas magandang kasama to pag tulog. Tahimik lang siya at peaceful XD

Kinuha ko yung phone ko at pinicturan siya. Nakailang kuha na ako, pero di parin ako kuntento. Kaya pinicturan ko pa siya sa iba ibang angles. Nung makuntento na ako, dahan dahan akong tumayo at dumiretso sa kusina niya.

Ano kayang lulutuin ko? Binuksan ko yung ref niya at konti lang yung laman. Puro cupnoodles, beer, chichirya at chocolates. Tss. Nakakita ako ng itlog at kumuha ng apat. Kinuha ko rin yung hotdog. Kinuha ko yung kaldero at naghanap kung may bigas. Asan ba yun? Kumakain ba ng kanin yun? Binuksan ko na lahat ng cabinets, drawer at wala parin akong nakitang bigas. Tss. Buti nalang nakakita ako ng pancake.

Magaling yata ako magluto, basta yung madali lang. mga instant, Yung prito prito lang XD

Sinimulan kong lutuin yung pancake, tapos yung mga egg at yung hotdog. Natapos na akong magluto, pero di parin siya gising. Kaya hinugasan ko muna yung mga pinaglutuan ko. Sinimulan ko ng mabsabon.

“AY PAKSHET! Eros naman eh!” napasigaw ko nung biglang may nagback-hug sakin.

“Hahaha. Sorry. Nagulat ata kita” sabi niya

“Tss. Magtoothbrush ka nga muna” sabi ko.

“Mamaya na. paamoy muna” sabi niya habang inaamoy yung buhok ko. Ano ba to.

“Magtoothbrush ka muna please. Baka mahawa yung buhok ko sa hinga mo.”

“Tss. Oo na.” sabi niya pero bago siya umalis may pahabol pa siya. Pinalo niya yung pwet ko. -,-

“EROS! Ang manyak neto. Tss.” Sigaw ko pero tumakbo na siya papuntang CR. Kadiri talaga yun. Pag walang magawa manghahawak nalang bigla.

Nang matapos ako maghugas, at natapos na rin siya magtoothbrush. Tinawag ko na siya.

“Kain na.” sabi ko. Dali dali siyang umupo at parang ngayon lang nakakita ng pagkain.

“Oh bakit? Nainlove sa pagkain?” sabi ko. Todo titig kasi, tapos nakangiti lang siya sa itlog at pancake.

“Wala lang. Parang first time ko ulit kumain ng ganto.” Sabi niya at tumusok na ng hotdog.

“Bakit naman?” tanong ko

“Hmm. Kasi mag-isa ko lagi, nasa work si kuya. Si papa at mama, nasa davao rin, kasama si kuya. Kaya walang nagluluto ng pagkain para sakin.” Sabi niya habang ngumunguya

“Halata nga. Asan yung bigas mo?”

“Bigas? Ah. wala. Di ko rin alam pano magluto nun.” Sabi niya.

“Ay jusko. Mas malala ka pala sakin.”

“Hmm?” sabi niya habang pinapapak na yung pancakes. Sumubo rin ako ng pancake.

“Kasi puro prito lang alam ko. Pero at least alam ko magsaing.” Pagmamalaki ko. May talent din pala ako.

“Edi ayos. Araw araw ka pumunta dito tapos lutuan mo ko. Breakfast, lunch at dinner” sabi niya

“Aba aba. Ang galing mo ha. Di ako yaya.”

“Tss. Anong gusto mong kainin ko? Yung mga cupnoodles?”

“Diskarte mo na yan. Papagurin mo pa kong magluto” sabi ko at kumain na kami. Ewan ko. Parang biglang naging awkward sa sinabi ko. Tahimik lang kaming kumain. Nguya dito nguya doon. Habang kumakain kami, minsan magtitinginan kami tapos biglang iiwas din kami. Naiirita ako.

♥ Hater Ko Lover Ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon