Chapter 33- Couple things

389 16 2
                                    

33

Pinipicturan ko si Eros habang nagdadrive siya. Papunta kaming Batangas, ngayon ko kasi titignan yung church. Nasa byahe pa lang kami ngayon. Nagpumilit siyang sumama dahil ngayon na yung last day off niya. sayang nga eh. pero okay lang, magkikita pa naman kami, minsan pag gabi, or minsan pag umaga na lang.

“Matunaw na ako niyan” Ani Eros at napansin kong hindi ko na nga pala siya pinipicturan. Nakatitig na pala ako.

“Di ah. ASA.” Sabi ko at tinignan nalang yung phone ko. Narinig kong humalakhak siya.

Tumingin ako sa bintana at tinignan yung view.

“Dito na tayo” sabi niya

“Ows? Ito yung simbahan?” tanong ko at Tumango siya.

“Eh, eto yung asa picture oh. Parang mas lumaki lang.” sabi niya habang ako naman ay manghang mangha sa ganda nito. Ang gandaaaaa! OMG. As in mukha talaga siyang lumang luma na, yung tipong may mga vines na sa walls nito at yung mga bintana ay medyo faded na siya. Classic. Gusto ko rin magpakasal dito. Hehehe.

Pumasok kami sa loob at mas namangha ako. Tahimik lang sa loob, marahil ay kakatapos lang ng misa. May mga iilang taong nagdadasal. Umupo kami ni Eros sa may bandana gitna.

“Ang ganda no?” tanong ko

“Sobra” sabi niya, tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin.

“Hahaha. Cute mo” sabi niya

“Sssshh. Nasa simbahan tayo.” Sabi ko habang nakalagay pa sa labi ko ang daliri ko

“Ok lang. Para makita ni Lord na ikaw lang ang mahal ko. Diba Lord? Dito ko siya papakasalan?” tanong nito habang nakaharap sa altar. Ang sweet talaga. Dinadiabetes na ako. Mwehehe.

“Ewan ko sayo” sabi ko at naramdaman kong uminit yung pisngi ko. Lumabas na kami. chineck lang namin yung church. Paglabas namin ay dumiretso kaming mall.

“Babs. Tignan mo yun!” turo ni Eros sa couple couple na gamit sa loob ng store.

“Oh tapos?” tanong ko

“Bili tayo” sabi niya habang nakangiti kaya kitang kita yung dimples niya.

“Yoko. Ano tayo? High school?” pambabasag ko

“Eeeh. Basta. Tara dun.” Sabi niya at hinila ako papunta sa loob. May mga couple bracelets, rings, damit, shoes at iba iba pa. para talaga tong bata. Nakatayo lang ako dun habang siya ay tinitignan yung mga bracelets. Napatingin ako sa kamay ko.

Suot ko pala yung bracelet na bigay ni Rusty. Harhar. Suot niya rin naman yung kanya eh. tsaka wala namang masama dun.

“Uy. Ang pogi oh.”

“Saan?”

♥ Hater Ko Lover Ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon