Chapter 13- Weaklings

463 24 3
                                    

13

Nagising ako. Feeling ko may nakatitig sa akin. Hindi ko pa minumulat yung mata ko kasi inaantok pa talaga ako. Tapos ang sakit ng katawan ko, specially yung puson ko. Sobrang sakit. Ugh.

Minulat ko yung mata ko at nakita kong nakatitig si Eros sa akin, nakangiti.

“Good morning!” sabi niya

“Walng good sa morning kung ikaw aga dang makikita ko.”

“Eto, aga aga, ang sungit.”

“Ish. Ang hirap gumalaw.” Sabi ko

“Bakit?” nagkibit- balkat ako. Kinuha ko yung phone ko sa ilalim ng unan at tinignan yung oras. 8:43. Nakaalis na siguro si kuya.

“Kain na tayo.” Sabi niya at tumayo na. Tumango lang ako, at tumayo na. inayos naman ni Eros yung pinaghigaan namin.

“SHT! Ayi? Manganganak ka?!” sigaw niya at lumapit sakin tapos chineck kung may mali sa akin.

“Ha?” tanong ko, tinuro niya yung hinigaan ko. Sht. Ang daming dugo. Tumakbo ako papunta sa salamin at tumalikod doon. Oo nga, ang daming dugo sa pwet ko. Puchang tagos yan. Andami naman.

“Ano? Buntis ka? Nakunan ka?” hinampas ko siya

“Tanga! Tagos lang yan.” Sabi ko habang tinatanggal yung bedsheet at linagay yun sa labahan.

“Ah. Ew. so kadiri.” Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

“Tss. Sana magkaroon ka rin.” Lumaki yung mata niya

“Yoko nga. Pangit tignan kung naka-napkin ako.” Tss. Asa naman. Inisip pa talaga niya na magnanapkin siya.

“Magpalit ka nga muna. Nakakairita yung dugo pag tumatalikod ka. kinikilabutan ako.” Binuksan ko yung cabinet at kinuha yung isang pack ng napkin. Nye? Wala namang laman. Plastic na lang.

“Eros, naubusan ako ng supply. Pabili nga.” Agad siyang umiling.

“Yuck. You won’t make me buy kadiring napkins.” Sinapak ko nanama siya

“Anong gusto mo? Ako ang bibili habang may dugo sa pajamas ko? Duh. paconyo conyo ka pa!”

“Tss. Saan ba?” tanong niya

“Basta, sa store diyan. Oh.” Sabi ko at inabot yung 50 pesos.

“Bakit pa kasi ako.” Reklamo niya habang nagkakamot ng ulo.

“Tss. Si kuya nga kaya akong bilhan. Ikaw pa kaya?”

“Si Dee, pinabibili mo?” Tumango ako. Mula nung bata ako, nung first na nagkaroon ako, siya na ang laging pinapabili ko ng napkins ko. Nung una nahihiya siya. Pero ngayon, okay na. pinapasikat pa niya sa girls na nakakasalubong niya yung hawak niyang napkin. Oh diba? Over confident.

“Labas na.” tinulak ko siya palabas ng kwarto. Ang aga aga, naka-busangot yung mukha niya. Lumabas na siya.

Pumunta muna akong laundry room at hinulog yung bedsheet sa washing machine. Iwawashing ko nalang. Ang sakit ng puson ko. Hindi muna ako umupo sa sofa or sa kama. Nakatayo lang ako. Baka mamantsahan ko pa yung mga sheets. Oh! Andiyan na siya.

Kinuha ko yung hawak niyang pack ng napkins. Pumasok ako sa CR na may dalang undies at pajamas na black. Para pag natagusan, di halata.

“Oh, nakatayo ka parin diyan?” tanong ko pagkalabas ko sa CR. Andun parin siya at naka-pout.

“Ano?” tanong ko pa ulit.nakatingin lang siya.

“Nung bumili ako. Pinagtawanan ako nung mga tao dun, ipangbaband-aid ko daw. Tapos mukha daw akong bading sa suot ko. Tss. Mga engot.”

♥ Hater Ko Lover Ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon