37
Maaga palang ay nagpa-spa kami ni mommy. Hindi daw siya makakatulog kung hindi ako papaya eh, and besides, parang bonding na rin to.
Kakatapos lang namin at pumunta naman kaming salon. Hila hila niya parin ako. Mas matangkad si mommy sa akin ng mga two inches lang. tangkad niya no? former model din siya. Sila ni tatay. Actually, dun rin sila nagkakilala. Nakikita ko si mommy noon sa ilang magazines at never kong inexpect na magiging mommy ko siya.
“So… Anong bagay?” tanong ni mommy sa hairstylist. Pareho silang nakatingin sa akin, nakaupo kasi ako. Mauuna daw akong aayusan.
“Ano bang isusuot niya ma’am?” tanong nung bakla. Ehem. Linabas ni mommy yung phone niya at pinakita ito. Nakita kong lumaki ang mata nung err..bakla at ngumiti ng malapad.
“Ang taray naman ma’am. Bagay talaga sa kanya yan!” sabi niya at sinimulan akong ayusan. Inistraight niya yung buhok kong wavy, plinantsa lang naman. tumingin ako sa salamin at nakita kong humaba ito dahil naging straight.
Medyo ginupitan lang ng konti, at nilagyan ng konting layer. Tapos minake-upan niya ako. Light lang naman daw, pero ayaw nila akong paharapin sa salamin. Para surprise daw. Tss.
Sumunod naman si mommy. Hindi ako makatingin sa salamin kasi pinaupo nila ako sa lugar kung saan walang salamin. Tss.
“Tara?” yaya ni mommy. Tumango lang kami at naglakad na sa mall. Pinagtitinginan kami, napayuko tuloy ako kasi hindi ko alam kung anong itsura ko. Mamaya mukha pala akong clown diba?
“Huy. Ang ganda kaya natin” sabi ni mommy kaya napatingin ako sa kanya.
“Talaga? Di mukhang clown?” tanong ko at natatawang umiling siya.
Paglabas ng mall ay nagtaxi kami. di kami nagdala ng sasakyan eh.
“Grace Village po.” Sabi ni mommy. So sa Grace Village ang bahay nila? Eh ang alam ko ang mamahal ng mga bahay dun ah. sobra!
“Pupunta tayong bahay. Andun sila lahat. Pero si Jano mo pinatulog muna nila sa magiging kwarto mo.” Sabi ni mommy
“Po? May mga kwarto kami?” Tumango siya
“Aba siyempre. Gusto ko kahit ang tatanda niyo na, magstay kayo paminsan minsan sa bahay no” sabi niya. napatango ako sa sagot ni mommy.
“Eh bakit po sa kwarto ko natulog si Tiks? Bakit di sa guest room?” tanong ko at napa-tsk si mommy.
“Ikaw naman. nahiya ka pa sakin. Kinwento kaya ng ni Dee at Rusty yung nangyari sa Batangas” sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Lumaki ang mata ko ng maisip kung naong ibig niyang sabihin.
Omyghad! Does she mean, yung nahuli kami nila kuya na…uhm..yun?
“Yes bunso. Yun nga. Big girl ka na talaga” sabi niya at umiling ako.
“Mommy. A-ano..lasing lang po kami nun” sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/15833105-288-k637069.jpg)
BINABASA MO ANG
♥ Hater Ko Lover Ko ♥
RomanceIsang storya na nagsimula sa isang hater page. Ang buhay nila ay parang roller coaster, may ups, may downs pero masaya. Ang buhay nila ay parang intersecting lines, isang beses nagkita, pero hindi na muli magkikita. Gagawa kaya siya ng paraan para...