1
Ayi’s POV
Tinignan ko yung listahan ko at Asukal at Soy nalang kulang. Tinulak ko yung cart at hinanap yung Soy. Ah! Ayun. Kumuha ako ng Soy at tinulak ko ulit yung cart para maghanap ng asukal. Noodles, Gatas, Kape, Aish! Asan ba yun?!
Nagtanong ako sa lalaking naka puti at naka cap ng Blue. Kinalabit ko siya.
“Ah, kuya. San po yung sa may Asukal?” sabi ko at tinignan niya lang ako.
Tinititigan na niya ako. “Ah…Kuya??”
“Mukha ba akong nagtratrabaho dito?” sabi niya
“Ha? Eh….Kasi..Yung suot mo, hindi nga ba?” sabi ko. Shet. Pahiya ako
“Tsss. Oh, kukuha nalang ako ng bago. Sa susunod wag eengot engot.” Sabi niya sabay kuha ng asukal sa cart niya at linagay yun sa cart ko.
“Thank you. ” sabi ko ng nakayuko. Ay wait. Ako daw Engot?
“Hoy! Di rin ako engot!!” pahabol kong sinabi habang paalis na siya.
Di niya ako pinansin pero nung paalis na rin sana ako. “Anong tawag mo sa sarili mo kung di ka engot? Shunga?” Haaaay.
Padabog akong lumingon “ANO?!” sigaw ko pero… Ngumiti lang siya at nag-shh. Nagulat din ako nung kumindat siya.
“Bawal sumigaw.” Sabi niya at umalis na siya
Shocks. The way he held his lips. The way how he hushed. The way he smiled. His eyes. His ways. It’s so…..
Yuck. Mukhang pang-manyak.
***
Kasalukuyan akong naglalagay ng mga pinamili ko sa trunk ng sasakyan ko. Pagkalagay ko sumakay na ako at stinart na. Pang 2 hours lang kasi yung maximum time sa pinag parkingan ko. Punuan kasi, dumaan muna ako ng gasoline station.
“1000 po. Diesel” Sabi ko. Habang naghihintay ako, tinignan ko yung nasa kabilang side na nagpapagas..
O____O Halaaa. Nakatingin sa akin yung driver nun. Tapos yung driver niya yung lalaki sa grocery kanina. Ngumiti ulit siya at kumindat. Tss. Parang kanina lang ang sungit sungit nito sa akin. Inirapan ko lang. Baka mamaya sabihan pa akong Engot nanaman.
Nagbayad na ako at hinarurot ang sasakyan.
*Bzzz bzzzz bzzzzzz*
“Hello?”
“Antagal mo naman sagutin nak.” Ahy. Si T-Rex XD Papa ko pala si T-rex
“Oh, T-Rex. ”
“Nak. Alam mo yung gusto mong condo, nabili ko na.”
“Talaga??”
“Yup. Nandun na rin mga gamit mo. Inutusan ko yung pinsan mo na ipunta mga gamit mo doon. 0000 yung passcode. Palitan mo nalang ha? at malamang tulog na yun. Nakatulog sa pagod”
“Aaaw. Thank you T-rex!! Sige, papunta na ko don.”
“No prob. Tapos yung bahay natin, may housekeeper na, di bale, kilala ka niya.”
“Ooooooh. Okay.”
“Sige I’ll hang up na. Imemeet ko pa yung girlfriend ko.”
Tss. Girlfriend daw. Porket wala na si Mommy pa girlfriend girlfriend na si T-rex.
***
Mabigat. Sobra. Ang dami ko palang grinocery. Pumasok na ako sa elevator at pinindot yung 14.
![](https://img.wattpad.com/cover/15833105-288-k637069.jpg)
BINABASA MO ANG
♥ Hater Ko Lover Ko ♥
RomanceIsang storya na nagsimula sa isang hater page. Ang buhay nila ay parang roller coaster, may ups, may downs pero masaya. Ang buhay nila ay parang intersecting lines, isang beses nagkita, pero hindi na muli magkikita. Gagawa kaya siya ng paraan para...