Chapter 9- Double Meanings

491 20 3
                                    

9

Nagkukulong ako dito sa kwarto ko ngayon. Sht. Si Aldrin pala kahapon. Hay. Bad impression nanaman, pano na niya ako magugustuhan?

“Ayi. Si Aldrin, nasa sala. May pag-uusapan daw kayo.” Pumasok si kuya para sabihin yun. Nag-ayos muna ako ng konti at lumabas na.

“Ah. sorry pala kahapon. Medyo nahihilo lang ako nun” sabi ko at umupo sa harap niya

“Ok lang. Ano kasi, nandito na sila. And they want to talk to you, kung ok lang” sabi niya. Anong ibig sabihin niyang ‘sila’? Yung clients ko?

“Ah. sure. Yung groom and bride?” tumango siya

“And kung ok lang, ngayon na sana.”

“Ngayon na? As in ngayon?” tumango ulit siya. Ang aga pa naman ata. Matagal pa yung wedding at naayos na lahat. Marami ng nahire na mag-aayos at ok na. Though hindi pa okay yung wedding dress.

“Sige wait, magbibihis lang ako”

“HOY AYI! Di ka maliligo?” tanong ni kuya

“Naligo ako kagabi, ok lang to.” Sigaw ko at pumasok sa loob. As usual, jeans and shirt ulit. Nothing formal naman tong pupuntahan ko.

*** 

“Andito na tayo” tumigil si Aldrin dito sa harap ng isang shop. Sa pagkakaalam ko, ito yung shop na napuntahan kong maraming maganda na mababa lang ang prices.

Pumasok na kami at nakita kong may isang lalaking nakaupo at isang magandang babaeng nagtititngin ng mga gowns.

“Oh. Nandito na kayo. Upo kayo.” Sabi nung lalaki

“Dude, si Ayi. Yung organizer.” Sabi ni Aldrin

“Hello po. Nice to meet you po Mr. Cantos.” Sabi ko. Gwapo rin, mahahalata mong magpinsan sila dahil para siya Aldrin na mas matured! 98% copy niya. magkamuha sila. 25 na daw.

“Hahaha. Hello. Wag kang mahiya. Wag rin masyadong formal” sabi nung babae at ngumiti lang ako.

Pinag-usapan lang namin yung mga details na kulang kulang and inexplain ko muna yung mga mangyayare at mga bagay na dapat nalang malaman. So far, okay na.

“Ayi, mapapaaga ang kasal namin. Pero it’s okay. Lahat yan natawagan na namin and alam na nila. So bale next week Thursday na yung kasal” masayang sabi ni ate Mae. Ang bilis naman. Nagmamadali ata sila.

“Sige po. Pero pwede po bang tanungin kung bakit napaaga?” oo, chismosa na kung chismosa. Pero, trabaho parin to eh.

“Eto kasing lalaking to. Andaming babaeng naghahabol sa kailangan ikasal na kami para tumigil na yung mga babae niya” sabi niya

“Eto naman. Wala nga sabi akong babae.” Ang sweet naman nila. Naiingit tuloy ako. lalo na nung nakita kong pumulupot yung kamay niya sa baywang ni ate.

“Ayi. Alis muna kami ng pinsan ko. Magsusukat pa siya ng mga suits. Sasamahan ko lang. samahan mo muna si ate diyan” sabi ni Aldrin at lumabas na sila ni Sir.

Nagtingin tingin kami ni ate ng mga gowns. Andami niyang gusto XD Lahat gusto niya isuot. Loko XD

May nakita akong gown na maganda. May kahabaan siya, parang tube siya, flowy, at kita likod! . Hinawakan ko siya at tinignan sa salamin kung bagay sakin. Ang cute. Dyosa talaga ako XD

Binalik ko na yun at pumunta kay ate.

“Gusto ko to, tapos ito, tsaka ito, ito, ito at ito” turo niya.

“Hahahaha! Andami naman. Isa lang po.” Sabi ko

“ito.” Turo niya dun sa isang dress na simple lang. tube na see through sa likod. Basta, ang ganda nga. Gusto ko rin tuloy isuot. Pinakuha niya yung dress at pumasok sa fitting room. Sumunod na lang ako.

♥ Hater Ko Lover Ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon