Chapter 30- Mabilis

416 16 2
                                    

30

Umagang umaga ay nag-iwan ako ng note sa pinto ni Eros. Sumilip ako sa pinto ko at nakita kong binasa niya ito. Pero binulsa niya lang yung note at tuloy tuloy na umalis. Haaay. Okay na yun, kesa naman nilukot niya at tinapon.

Lumabas ako at nakita kong tumingin siya sa akin. Magsasara na sana yung elevator na pigilan ko, naipit pa yung kamay ko dahil maliit na lang yung pagitan at nilusot ko yung kamay ko. Napangiwi ako at agad na tinago yung kamay ko sa bulsa ko.

“Eros” sabi ko. Di siya tumitingin sa akin.

“Tiks. Huy. Pansinin mo naman ako.” Sabi ko. Tumingin siya sa akin, pero saglit lang.

“Explain” sabi niya

“Kasi, yung parents namin. Ano, mahirap i-explain eh. basta, may something yung parents namin at siya yung anak nung girlfriend ng tatay ko. Tapos uhm. Ano kasi eh..” nagkamot ako ng ulo at kinagat ang labi ko.

“Bakit siya tumitira sa yo?” tanong niya

“kasi wala siyang matirhan, saakin siya binilin ng mama niya. Tsaka--”

“Magkaano ano kayo?” tanong niya

“Uh. Ano.. paano ba? Uhm… b-basta” sabi ko habang nakayuko.

“Wala kang tiwala sa akin?! God! Ayi naman!” sigaw niya.

“Eros. Nagpromise kasi ako, tsaka… Sabi ng mama niya na wag kong sabihin. Pero Eros.. maniwala ka naman sa akin oh” bumukas yung elevator at lalabas na sana siya ng hawakan ko yung kamay niya.

Eros. Mahal kita.” Sabi ko. Tumingin siya sa akin. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko to diba. Mahal ko siya. Oo. Sobra. God knows how much I love him. The heaven and the stars know how much I love him. So much, so damn much.

“Ano mo si Rusty?”mahinahong  tanong nito

“Basta, malalaman mo rin. Basta Eros, Mahal kita. Hindi kita ipagpapalit” sabi ko.

“Panghahawakan ko yan dahil mula ngayon ay girlfriend na kita. Pero Ayi, oras na malaman kong kayo……” sabi niya. Tumango ako. Oo.

Kumalas siya sa kamay ko, dumiretso siya sa sasakyan niya at pinaharurot ito. Pero bago niya ito pinaharurot ay tumingin siya sa akin.

Nang nakaalis na yung sasakyan ay saka lang nasink-in yung sinabi niya..wait, ano yun? G-GIRLFRIEND NA NIYA AKO? SO KAMI NA? Ang bilis naman yata. Pero kung ito ang paraan para maniwala siyang wala kaming ginagawa ni Rusty ay sige. Payag na ako.

Basta Eros, sasabihin ko rin naman sayo. Hindi ko lang alam kung bakit sobrang desperado na nila na itago ito. Itago na magkapatid na kami.

___

Nandito na ulit ako sa unit ko. Magbibihis ako dahil ako ang kinuha ni T-rex na wed organizer. Taray no? naayos na kasi nila yung mga papel na kailangan nila ayusin.

♥ Hater Ko Lover Ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon