Chapter 2- Si kuya kong POGI

863 21 11
                                    

2

“Ayiiiiiii!!! Gising!!” sigaw ni Kisar habang yinuyugyog ako.

“Anoo??”

“May tao sa labas.” Ang aga aga. Tss

“Kung hinahanap ako, sabihin mo wala ako”

“Hindi! Parang….ano..patay na ata yun?” sabi niya at napabangon ako agad

“Asan?!” sabi ko habang tumakbo palabas ng kwarto. Sana hindi yung lalaking yun kagabi. Delikado pag nalaman ni kisar yung nangyari kagabi. Binuksan ko yung pintuan at nakita ko yung lalaking yun ng walang malay na nakahiga sa harap ng bahay.

“Hoy!” sabi ko habang sinisipa yung tagiliran niya.

“Ohhh. Aray.” ungol niya. Sino ba to? Nakayuko siya eh. Kahit kagabi, kaya hindi ko nakita yung mukha niya.

“Gising. Uwi. Di ka taga dito.” Maangas kong sabi. Tumayo siya at inayos yung damit niya, maayos naman siya manumit kaya di mukhang pulubi o rapist

Inangat niya yung mukha niya at-

“IKAW NANAMAN?!” sigaw ko at dinuro duro siya

“Anong ako? Ngayon lang tayo nagkita ah.” Sabi niya

“Ha? Diba ikaw yung lalaking nasa grocery, yung sinabihan akong engot?” sabi ko habang binatukan siya

“Aray! Hindi ko alam. Isang beses lang kita nakita. Dun sa Gasoline station.” Ahh. Siya yung mukhang kirat na kumikindat, pero, siya din yung nasa grocery eh.

“Hindii. Ikaw yung nasa grocery nun!”

“Ahh. Baka si Jano yun.” Bulong niya sa sarili niya. At bigla siyang tumingin sa akin at lumakiang mata niya.

“Hala! Shet! Hinalikan kita kagabi diba? Sorry. Lasing ako nun eh.”

Pagkasabi niya nun. Bigla akong lumapit at tinakpan yung bibig niya. “Ssshhhhhhh.” Sabi ko.

“Ew. Kagigising mo lang? anong klaseng hinga yan?” sabi niya pagkatanggal ko ng kamay ko.

“Uh. May kissing scene kagabi?” sabi ni Kisar. Linakihan ko siya ng mata at umiling iling.

“Wala! Wala! WALA!” sigaw ko.

“Meron! Good kisser pala tong kasama mo.” Sabi ni uh…yung lalaki

“OOOOOHH. Susumbong kita sa kuya mo Ayi!” sabi niya sabay takbo sa loob ng unit at naglock.

“KISAR!! WAG!” lagot ako kay kuya niyan. Tsk.

“0-6-4-4” bulong ko at binuksan yung unit ko pero bago ko isara yun..

“Hanggang ngayon ba naman sinasabi mo parin yang passcode mo?” Tumalikod ako at nakita ko si crush <3 <3 <3  Hihihihi.

“Ano ngayon?!” maangas kong sabi. Baka mainlab to sakin pag nagtapangtapangan ako XD

“Tssss.” Sabi niya sabay pasok ulit sa unit niya at padabog na sinara yung pintuan.

“Miss! Wait. Sorry pala kagabi. Sana maging friends tayo. Ako pala si Clark Basco.” Pahabol nung lasinggero

“Ew, di tayo friends. Kami lang ni Front door neighbor” sabi ko at nag belat :P

“Type mo yun? Ha!” sabi niya habang tinuturo yung lugar kung saan nakatayo si Pogi kanina.

“Obakit? Hindi ko ba siya pwedeng magustuhan?” iling lang siya ng iling

“Tsk tsk tsk. Kawawa ka naman. Eh ni hindi pa nagka-syota yan eh. Tsaka mukhang walang balak.”

“Pano mo nasabi?”

♥ Hater Ko Lover Ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon