Chapter 6
PAGKATAPOS kong magligpit ng aking mga gamit ay napagpasiyahan kong bumaba muna at uminom ng tubig dahil nauhaw ako sa pagliligpit.
Naabutan ko ang ilang mga katulong na seryosong naglilinis at tila desididong maging malinis ang mansyon ni Lewis. Nilapitan ko sila dahil ang bastos ko naman ata diba kumg hindi ako magpapakilala?
Habang lumalapit ako sa kanila ay nag-angat ng tingin ang isang babaeng nasisiguro kong may katandaan na. Hindi kagaya ng dalawa niyang kasama, siya ay tagasabi lamang at tagapayo kung ano ang dapat gawin at kung saan ang lilinisan. Ang dalawa niyang kasama ang naglilinis at kung tama ang hinala ko ay mga tatlong taon ang tanda ko sa kanila.
"Oh ma'am Xhena! Nakababa na po pala kayo," ani ng matanda.
"Ah opo. Katatapos ko lang po kasi magligpit ng mga gamit ko." Medyo nagulat pa ako dahil alam niya pala ang pangalan ko. "Ahm... kilala niyo po pala ako?" Gusto kong batukan ang aking sarili dahil sa aking tanong.
Really Xhena? what a stupid question. Syempre alam niya dahil marahil naipakilala ka na ni Lewis sa kanila.
Bahagyang tumawa ang matanda bago sumagot. "Oo naman hija. Ikaw si Xhena Razul-Newton diba? Yung asawa ni Lewis." Nginitian ko na lamang siya. I guess she's close to Lewis that's why she's not formal when she uttered his name.
"Siya nga pala. Ako si Manang Lolita. Ako ang mayordoma ng mansyong ito. Tawagin mo na lang akong Manang Loli," nakangiti itong nagpakilala sa akin.
"At itong dalawang kasama ko. Yung isa, siya si Analisa, apo ko. At yung isa naman ay si Johana, anak ng isa sa mga kasambahay rin dito. Huwag kang mag-alala makikilala mo rin ang iba pa rito."
Pagkatapos ipakilala ni Manang Loli ang kaniyang sarili at ang dalawa pang kasama ay hinarap ko ang mga ito at nginitian.
"Hi! I'm Xhena. It's nice to meet you," nakangiti kong inabot sa kanila ang aking kanang kamay upang makipag shake hands. Natawa ako ng mahina ng medyo alanganin pa silang inabot ang aking palad.
"I-ikinagagalak rin namin po kayong makita at makilala," medyo nauutal pang sabi ni Analisa.
"Oo nga po, ma'am Xhena," ani naman ni Johana.
"Ano ba kayo! Tawagin niyo na lamang akong Xhena. Huwag na kayong masyadong pormal," saway ko sa kanila.
Ngunit laking dismaya ko nang dahan-dahan silang umiling.
"H-hindi p-po pwede, ma'am Xhena. Baka po kasi masisante kami ni Sir Lewis kapag nilabag namin ang utos niya. Pasensya na po," After Analisa said that, both of them bowed their heads then continue what they've been doing lately.
What?... walang hiya talaga iyong si Lewis! Gigil niya si ako!
Hinarap ko si manang Loli para itanong sana kung nasaan ang hinayupak na yelo na 'yon. Kanina ko pa kasi napapansing wala siya kahit saan.
"Manang Loli? Did you see Lewis? I just noticed that he's not around."
"Ay! Oo nga pala hija. Nagpapasabi siya sa'yo na pupunta siya sa kaniyang opisina dahil marami pa raw siyang aasikasuhin. Tumawag ka na lang daw po 'pag may kailangan ka," mahabang litanya nito. I just nodded to Manang Loli before asking kung nasaan ang kusina.
After drinking one glass of water, enough to satisfy my thirst, I made my way back to his bedroom... or should I say our bedroom.
So ano na ang gagawin ko ngayon? Kung bakit ba naman kasi niya ako iniwan dito?
I spent my whole day watching t.v, eating and sleeping in the house. Rest day ko kasi ngayon mula sa trabaho ko sa office kaya sa bahay lang ako. At hindi rin ako nakapag-gala dahil hindi ako pinayagan ni Lewis. He said, I should wait for him. And waiting him for God knows how many hours is very tiring and boring making me sleep.
BINABASA MO ANG
The Devil's Offer | COMPLETED
General Fiction"Accepting his offer was like letting myself near the fire. Ready to burn me alive but still... I chose to get burned." Written by: Akimeraki