Chapter 8

5K 134 6
                                    

Chapter 8

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. For heaven sake! Ngayong gabi ko lang naman mami-meet ang mga parents ni Lewis!

Ramdam ko ang mga namumuong pawis sa aking noo at panginginig ng mga kamay ko habang papalapit kami sa mga magulang niya.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Lewis nang bigla siyang nagtanong.

I nodded to make him believe that I'm fine. But he just look at me in retured then to my surprise he held my hand!

"I know you're not. Don't worry too much. Relax." Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero feeling ko nakita kong tipid siyang ngumiti. Tsk! Maybe it's just because I'm too pressured right now that's why I'm imagining things.

Sinunod ko ang sinabi niya at pinakalma ko na ang aking sarili at laking pasasalamat ko ng gumana naman.

Nang tuluyan na kaming makalapit, ay nakita ko na ang dalawang magulang ni Lewis na kakababa lamang galing sa hagdanan.

The woman that I assumed around 40's look so elegant and prim. While the man beside her wears a very serious expression. At buti na lang napigilan ko na agad ang bunganga ko bago pa makapagsalita. What the! He look exactly just like Lewis! Mapa-ekspresyon man o mukha. Pero medyo mas firm ang katawan nito kesa kay Lewis. Maybe if I don't know too much baka mapagkamalan ko pa itong kapatid lang ni Lewis.

Nilapitan sila ni Lewis at hinalikan sa magkabilang pisngi.

"Hey mom, dad."

Agad na niyakap ni Mrs. Newton si Lewis na animo'y ngayon lang nakapagkita ulit.

"It's nice to see you again, son. Sobra kitang namiss alam mo ba 'yon?" sabi ni Mrs. Newton habang pinupugpog ng halik ang kawawang mukha ni Lewis. Seeing Mrs. Newton in her situation right now, masasabi kong ibang-iba siya sa iniisip ko tungkol sa kanya kanina. She's cool and definitely unique!

"M-mom! I'm not a child anymore!" Halata sa mukha ni Lewis ang pagka-inis at pagka-ilang. Hindi ko tuloy napigilang humagikhik.

Ngunit agad ko rin iyong pinagsisihan sapagkat bumaling sa akin ang atensyon ng mag-asawa.

Shock is visible in Mrs. Newton's face while his husband just stared at me.

"And who's this lovely lady? Don't tell me fiancee mo siya?" Nakataas pa ang kilay ni Mrs. Newton habang tinatanong si Lewis.

Wala sa sarili akong napalunok dahil doon.

"No mom. Actually she's already my wife." Nagulat kami nang bigla na lamang mahimatay si Mrs. Newton. Agad naman itong dinaluhan ng asawa.

"Honey?! Wake up!" Binuhat nito ang asawa at tinalikuran kami para dalhin ito sa kwarto. Ngunit hindi pa ito nakaka-isang hakbang nang magsalita ito. "Mag-usap tayo mamaya, anak." Iyon lang bago ito tumalikod.

Naiwan kaming dalawa ni Lewis sa sala. Ngunit agad rin naman kami inasikaso ng mga katulong.

HINDI ako mapakali sa upuan ko habang hinihintay ang mga mga magulang ni Lewis. Mahigit mga isang oras na kasi kami dito bago magising at mahimasmasan ang kaniyang ina. Sabi daw ng kanilang personal doctor ay dahil daw ito sa pagkabigla. Nalaman namin na madaling ma-shock ang kaniyang ina at maaari iyong magdulot ng masama sa kaniya kapag napasobra. It can affect her heart according to the doctor.

Sa tingin ko'y nahalata ni Lewis na hindi ako mapakali kaya hinawakan niya ang aking palad at pinakalma ako.

"Chill... hindi nangangagat sina mama at papa kaya wala kang dapat ikatakot. Besides I'm here right by your side," he assured me then gave me an encouraging smile.

The Devil's Offer | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon