Chapter 9
Nakatanaw lang ako sa labas ng glass wall ng isang coffee shop na pinuntahan ko. Hindi ko maiwasang matuwa sa pangalan ng coffee shop na ito.
Blue Cafe
Maybe the owner of this cafe is addicted to color blue. Hindi rin naman ako nagkamali dahil mula sa labas ng shop hanggang sa makapasok ako ay napansin kong halos puro kulay asul ang mga gamit. Not to mention na favorite ko rin ang kulay na ito. Kung bakit? Ewan ko, but maybe because it implies peace.
Napatingin ako sa dalawang babaeng kakapasok lang ng coffee shop. Pareho itong ayos na ayos. Although 'yong isa ay mukhang kagagaling lang sa trabaho dahil sa suot niyang white blouse paired with black pencil cut skirt. Ang isa naman parang galing sa pag shoshoping dahil sa ayos nito. Isama mo na rin ang dala-dala niyang sangkatutak na shopping bags.
Pinasadahan ng mga ito ng tingin ang buong sulok ng coffee shop hanggang sa huminto ang paningin nito sa pwesto ko.
Agad na tumili 'yong isang babae.
"Oh my goshyyyy!!! Xhena!" Siguro alam niyo na kung sino diba?Agad na lumapit ang dalawa sa aking pwesto at bineso ako.
"Hi guys! Buti nakapunta kayo rito." Pinapunta ko kasi sila dito dahil nais kong ibalita sa kanila ang mga kaganapan na nangari sa makalipas na araw. I know they would freak out the moment I'll spill the beans. Pero naisip kong mamaya na lang.
"Of course we are going to come! Besides na miss ko na rin makipag bonding sa inyo. It seems that both of you were busy with your life." Muntik na akong matawa dahil sa sinabi ni Giesel. Umirap pa siya sa kawalan na animo'y nagtatampo talaga.
"Wow big word! Parang hindi ka rin busy no'?" tanong ni Nikki sa kay Giesel.
And as usual the fighting begun. I cannot help but to sigh at the sight of them. Na missed ko sila.
Natigil lang sila sa bangayan nang may dumating na waiter para hingin ang order namin. A cute guy to be exact. Halos humagalpak kami ni Nikki ng tawa nang magpacute si Giesel sa waiter. Hindi ko maiwasang mapangisi. Malaki kasi ang epekto ng mga cute kay Giesel. Mapa bagay man o tao. Napansin kong naasiwa ang kawawang waiter at hindi na lang pinansin si Giesel.
Nang makaalis ang waiter ay busangot ang mukha ni Giesel at abot hanggang sahig ang nguso sa kakapout.
"Why is he like that? Pangit ba ako?" At hindi pa nakontento ang bruha dahil kinuha pa nito ang salamin sa kanyang pouch.
"Mukhang humihina na ang charms mo, Giesiel baby," nakangisi kong biro sa kaniya. Ngunit inirapn lang ako nito at binelatan. "Che!"
Natawa na lamang kami ulit ni Giesel.
Ilang oras pa kaming nanatili sa coffee shop hanggang sa maramdaman kong sumeryoso na ang atmospera sa paligid.
"So... how are you now Xhena?" Napatingin ako kay Nikki nang magtanong siya. Of course I'm not dumb not to notice what she's trying to say. But I still test my luck. I played innocent and answered her question as if it was just nothing.
"Mabuti naman. Heto at maganda pa rin." Tumawa pa ako ng bahagya nang sabihin ko iyon para ipahalata sa kanilang wala akong ideya sa sinasabi niya.
"Don't pretend Xhena. Alam mo namang kaibigan ka namin. We know that aside from being friends we are like siblings. We know each other that much." Ang kaninang Giesel na maloko ay ngayon sobra na ang seryoso.
Yes, I can agree with that. Sa sobrang pagkakaibigan namin ay mapagkakamalan mo na kaming magkapatid.
Hindi ko maiwasang magpakawala ng malalim na hininga. And just like that, I gave in. Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Mula sa pagpayag ko sa kasunduan, sa pagpirma ko sa kontrata at kung paano kami nag sama sa iisang bubong. But there are still some happenings that I didn't bother to tell them. Because that is too much personal. And if I say PERSONAL, it must to be a secret and private.
Hindi namin namalayan ng oras habang nagkukuwento ako sa kanila. Syempre hindi maiiwasang wala silang gawin sa akin. Binatukan ako at pinagsabihan na kesyo daw padalos-dalos ako ng desisyon at ang tanga ko raw. But at the end of that ay kumalma rin sila at piniling suportahan ako. Tsk. I'm so lucky to have these bitches in my life.
PAGKAPOS ng aming pagkikita ay dumretso na ako sa building ng Razul Company na pagmamay-ari ko. The moment I stepped my foot inside the building, all of my employees that are scattered everywhere slightly bowed their heads on me. I just walk passed them and then head to my private elavator.
Pagkapasok ko sa elevator ay agad kong pinindot ang top floor. My office is located on that floor.
Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako at nagtungo sa isang sliding door at binuksan iyon. Then bumungad sa akin ang malaki kong office.
Pagkaupo ko sa upuan ay siya ring pagbukas ng pinto ng opisina ko ulit. It is my secretary who opened the door.
"Yes Hailee?" tanong ko rito habang binubuksan ang macbook ko.
"Ma'am heto na po yung mga papers na kailangan mong pirmahan at basahin," pagkatapos niyang sabihin iyon ay may inilapag siyang mga papel sa gilid ng aking table.
"Thank you, Hailee. Is there some problems while I'm not here?" tanong ko rito ngunit nakahinga rin ako ng maluwang nang sabihin niyang wala. Atleast wala na akong proproblemahin pa.
In the midst of signing those papers, my phone suddenly beeped indicating that a text message just arrived. Agad kong binuksan ang mensahe nang makitang galing iyon kay Lewis.
From: Yelo
Where are you?Agad akong nagtipa ng reply nang mabasa ko ang text niya.
To: Yelo
I'm here at my office. Don't worry malapit na akong matapos sa aking trabaho.Wala sa sariling nakagat ko ang aking labi dahil sa reply ko. What the? Worry? As if naman mag-aalala iyon sa akin. Muling nag beeped ang phone ko.
From: Yelo
Stay. I'll pick you up.Hindi na ako nagreply sa text niya. Nais ko sanang um-apela sa alok niya ngunit naalala kong nasa isang talyer pala ang kotse ko. Nagkaproblema kasi kanina habang minamaneho ko.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos ko na ang trabaho ko kaya napagpasyahan kong umuwi na. Nandoon na kaya si Lewis?
I check my phone to see if there's a text from him. But for some what reason my hopes fell after seeing there was none.
Maybe he forgot?
Tsk. Kung bakit ba naman kasi siya mag-aalok kung hindi naman niya tutuparin?
Habang nagmamartsa ako papalabas ng building ay may mga ilang trabahador ko na bumabati sa akin. Pinaunlakan ko lang sila ng tipid na ngiti dahil naiinis pa rin ako kay Lewis.
Pagkalabas ko ng building ay nagulantang ako nang mamataan ang isang itim na Lamborghini na nakaparada malapit sa entrada ng aking building. At isang pigura ang nakasandal dito. It was Lewis!
Agad ko itong nilapitan at akmang pagsasabihan ngunit inunahan na ako nito.
"Ang tagal mo," sabi nito.
Hindi ko nagawang sumagot dahil nagulat ako sa pagtagalog niya. I'm not exagerated, pero nagulat talaga ako sa pagsalita niya using tagalog language. I mean, naririnig ko rin naman siyang magtagalog minsan but it's rare. Kaya nakakasurprised talaga.
I answered him back after composing myself. "Hindi ko naman kasi alam na nandito ka na. Bakit kasi hindi ka man lang tumawag o nag text?!" Hindi ko maiwasang taasan ang aking boses sa inis.
"I don't want to bother you, okay?" sabi na lang nito bago pumasok sa kaniyang kotse.
Hindi ko alam pero tila may kamay na humaplos sa aking puso dahil sa kaniyang sinabi.
-
Akimeraki
BINABASA MO ANG
The Devil's Offer | COMPLETED
General Fiction"Accepting his offer was like letting myself near the fire. Ready to burn me alive but still... I chose to get burned." Written by: Akimeraki