Chapter 33

2.7K 74 13
                                    

Hi Sweets! Sorry po kung ngayon lang ang update at hindi kahapon! 💛

🌸🌸🌸

Chapter 33

If I will be asked the question,

"Did you ever regret making your decisions way back then?"

I'll definitely say no. I never regret making my decisions that brought me to where I am right now because that decision was the reason why I have my angels today.

Life has many obstacles. It depends upon on us how to handle it in order to surpass it. Life has also many options and choices. But kagaya kung gaano ito karami, marami ring rason kung bakit isa lang ang ating pinipili. Sometimes, because they are afraid to take a risk, they chose to ran away instead. Kagaya ng ginawa ko. But I am not afraid. I had my own reason and that was to fix myself.

Kahit sabihin mo mang wala ka ng choice kung hindi ang mag go with the flow na lang, choice pa rin iyon.

Like what happened between me and Lewis. If only he gave me a chance to explain and prove myself, baka wala kami sa sitwasyon namin ngayon. But what is the point of explaining kung hindi naman maniniwala? Well at least I tried. It's his lost na pinili niya ang alam niyang tama.

See? That's what I'm talking about having many options and choices. Sa dinami-rami nila, may isa talagang naiiba. Lewis chose to ignore me than hear my side. That's his choice.

I close my eyes as I went out of the plane. Pagdilat ko, bumungad sa akin ang aking mga anak na masayang nakatanaw sa paligid. It was normal since this is the first time they went here in Philippines. Nauna sila sa akin sa pagbaba ng eroplano dahil na rin siguro sa sobrang pagkasabik.

Their eyes twinkled in delight and amazement. Hindi ko tuloy naiwasang napangiti.

I missed this. The feeling of being in your own beloved country. The temperature of it and the surrounding. It was far different from New York.

"Momma!"

"Mommy!"

Lakad-takbo ang ginawa ng kambal papunta sa akin. Pareho nilang hinawakan ang mga palad ko nang nakarating sila sa aking puwesto.

"What is it, my babies?" malambing kong tanong sa kanila.

"This place is so beautiful, momma! Are we gonna live here forever?" inosenteng sabi ni Azure.

"Yes, baby. Dito na tayo titira."

Agad silang natuwa sa sinabi ko. I'm glad na agad nilang nagustuhan dito dahil hindi na ako mahihirapan pang magpaliwanag sa kanila kung sakali.

Pagkatapos naming kunin ang mga luggages ay nagmartsa na kami papalabas ng airport. Panay ang puna ng kambal at ni Claudine kung gaano kaganda ang mga nakikita nila. Lalong-lalo na ang kambal na pinagtitinginan na ng mga tao dahil sa ingay nila.

They were busy appreciating the new environment habang ako naman ay busy sa katitingin din sa paligid. I am looking for Hailee na sundo namin ngayon.

"Claudy..."

"Yes?" agap niya nang tawagin ko siya.

"Wait for me here. May tatawagan lang ako at hahanapin. You watch out for the twins, okay?" bilin ko na agad niya namang sinang-ayunan.

Nang mahanap na si Hailee ay bumalik ako sa kinaroroonan nina Claudine at agad na kumunot ang aking noo nang napansing nakikipagtalo si Claudine sa isang babae. Hindi ko kita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa akin.

Agad akong lumapit nang nakita kong umiiyak na si Azure habang inaalo naman ito ng kakambal.

Napamura na lamang ako nang nakilala ang babae.

The Devil's Offer | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon