Chapter 10
Tahimik lang ang byahe namin papauwi ng bahay ngunit nagulat ako nang magsalita siya.
"Did you already take your dinner?" he said seriously. Hindi muna ako nakapagsalita ngunit kalauna'y nakasagot din.
"Not yet. I forgot to eat because I have many papers to sign and read," mahinanon kong sabi.
Nagulat ako nang iliko nito ang kotse imbis na tumuloy. Namalayan ko na lamang ay nasa harap na kami ng isang restaurant.
"You should not starve yourself to death like that again," he said before he went out of the car and made his way to the side of my door and pull it open for me.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Is he worried?
Napailing na lang ako sa aking naisip.
Don't assume too much Xhena!
Napatigil lang ako sa pagsesermon sa sarili nang sitahin ako ni Lewis.
"Don't you have any plans on stepping outside?" Halata sa mukha nito ang pagkairita. Hindi na lamang ako nagreklamo at bumaba na lang mula sa kotse.
I roamed my eyes at the entire place. The restaurant look simple yet elegant and beautiful. Nang makapasok kami ay doon ko mas napatunayan na maganda ito. Pero napansin kong romantic ang ambiance dito.
Napatingin ako kay Lewis at nakita kong seryoso ito. Napasimangot ako dahil doon. Kailan ko kaya siya makikita ng nakangiti?
Dumeretso kami sa isang table which is good for two. There's a flower at the top of the table. Kung totoo lang ang sa amin ni Lewis ay masasabi kong date ito.
Agad din naman kaming nilapitan ng isang waiter at kinuha ang order namin. Mukhang madalas dito si Lewis dahil halos pamilyar na sa kaniya lahat ang pagkain. Sino kaya ang kasama niya? Baka girlfriend?
Naramdaman kong bumigat ang aking dibdib dahil sa naisip.Sa huli ay ginaya ko na lang din ang in-order niya.
The silence ate us after that. Pero nang hindi ko na matantya ay ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Mukhang madalas ka rito ah?" tanong ko habang nakatingin sa iba ngunit napatingin ako sa kanya nang marinig kong tumikhim siya.
"Hindi naman. The last time I came here was two years ago."
What? Ang tagal na non ah? "Sino naman ang kasama mo?" Hindi naman siguro siya pupunta rito ng mag-isa diba?
Ilang minuto na ata ang lumipas ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. Sinabi na lang niyang, "Let's not talk about it." Hindi na rin ako nangulit. Maybe it's too personal para malaman ko.
After that conversation ay naramdaman kong mas lumamig pa ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili. Guilt is all I feel right now. Kung bakit ba naman kasi tinanong ko pa?
Pagkatapos naming kumain at bayaran ang bills ay tahimik na kaming bumalik ni Lewis sa kanyang kotse. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik pa rin kami.
Dumeretso siya sa kanyang study room at nag kulong doon. Ilang saglit pa ay maririnig mo na ang ilang pagkabasag ng bagay at pagsigaw ng isang lalaki. Halata sa boses nito ang sakit, pait at galit. Hindi ko alam kung sino ang nasa likod ng pagwawala niya at kung bakit ganito siya ngayon pero nasisigurado kong malaki ang pinsalang naidulot sa kaniya ng taong iyon.
Pagkatapos kong mag half bath ay dumeretso ako sa kusina at nadatnan ko roon si Manang Loli. Nagtitimpla ito ng kape.
"Magandang gabi ho, Manang Loli," nakangiti kong bati.
"Magandang gabi rin sa iyo, hija," Bati nito pabalik.
Nagtanong ako kung para kanino ang kape at sabi niya ay para iyon kay Lewis dahil iyon lang ang tanging nakakapagpakalma dito kapag nagagalit.
"Huwag niyo po sanang mamasamain Manang Loli, pero may ideya po ba kayo kung bakit siya nagkakaganoon?" Siguro naman may ideya itong si manang dahil balita ko mula pa noong bata pa si Lewis ay nagtatrabaho na siya sa pamilya Newton.
Napatingin sa akin si Manang sa aking tanong at tila nagaalinlangan pa kung sasagutin ba ako. Pero nagsalita rin siya pagkatapos, "Wala ako sa pwesto para sabihin ang mga bagay na dapat si Lewis ang magsabi sa'yo. Pero ito lang ang masasabi ko hija. Noon ay hindi pa ganyan ang batang iyan. Siya ay pala ngiti at pala tawa. Masayahin siyang bata. Pero dahil sa pagmamahal... dahil sa p-pagmamahal ay nagbago siya. Minsan na siyang nagmahal ngunit sinaktan. Kaya pakiusap sa iyo Xhena hija, alagaan mo si Lewis at huwag mong sasaktan. Huwag mong saktan ang minsan nang nasaktan." Pagkatapos magsalita ni Manang Loli ay umiiyak na siya. At hindi ko rin namalayan may mga namumuong luha na sa mga mata ko. Hindi ko alam na sa kabila ng ipinapakitang ugali ni Lewis ay may itinatago itong nakaraan na pilit kinakalimutan at binabaon ngunit pilit na bumabalik.
Wala sa sariling napatango ako kay Manang Loli. "Pangako po sa inyo Manang Loli. Hindi ko sasaktan si Lewis."
PAGKATAPOS ng aming pag-uusap ni Manang Loli ay dumeretso na ako sa study ni Lewis habang dala-dala ang kape. Kumatok muna ako at nang walang sumagot ay pinihit ko na ang sindura ng pinto ng dahan-dahan. Bumungad sa akin ang magulong study ni Lewis. Ang mga papeles ay nakakalat sa sahig. Ang mga frames at iba't ibang mga babasaging bagay ay ngayon basag na.
Bumungad sa akin ang tahimik na natutulog na si Lewis. Nakasandal lang ito sa kaniyang swivel chair habang nakapikit ang mga mata.
Napagdesisyon-an ko munang linisin ang kaniyang study. At nang matapos ay tsaka ako lumapit sa kaniya. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Mas nilapit ko pa ang aking mukha para mas mapagmasdan ko pa. Ilang minuto pa ata akong nakatingin sa kaniya.
"Haaaaaysssst... ang gwapo mo 'pag tulog. Mukha ka tuloy anghel," nakangiti kong sabi ngunit gan'on na lang ang pagkatigagal ko nang magmulat siya ng mata.
"Maliit na bagay." Dahil sa sinabi nito ay doon lang naprosesa sa aking utak ang nangyari kaya napatili ako.
"God woman! You're so loud! Lower your voice... geez!"
Lumayo na ako sa kaniya at dumeretso ng tayo.
"Why are you here?" he asked.
"A-ahm... d-dinalhan kita ng kape." Hindi ko maiwasang kagatin ang pang-ibabang labi dahil sa sitwasyon. Wala na siyang sinabi pag katapos noon kaya napagdesisyon-an kong umalis na. Ngunit napatigil ako sa paghakbang nang hinila niya ang aking kamay at ang resulta ay napaupo ako sa kaniyang kandungan!
Ngunit mas lalo pa akong nagulat nang inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at inamoy-amoy iyon!
"W-what a-are you doing?" nauutal kong tanong. Ngunit hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa ginagawa. Bahagya ko siyang tinulak sa dibdib para magkaroon ng kaunting distansya sa amin. Pero tila isang bakal ang itinulak ko dahil hindi man lang siya natinag. But I attempt to push him again and I am so lucky because I made it. Subalit aalis na sana ako sa kanyang kandungan nang hulihin niya ang aking palapulsuhan at hinila ulit pabalik sa kaniya.
"Stay." After he said that he kiss me torridly.
Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ako nakapagreact agad. Nanlalaki rin ang mata ko at nakakapit lang aking mga kamay sa kanyang dibdib habang siya naman ay tila ninanamnam ang ginawa niyang paghalik sa akin. Nakapikit ang mga mata niya at ginagalaw niya ang kaniyang mga labi sa akin sa hindi ko mapangalanang ritmo.
Hindi kalauna'y naubos din ang kakarampot kong pagtitimpi kaya tumugon na ako sa kaniyang halik.
God, Lewis! What are you doing to me?
Vote. Comment. Follow❤
-
Akimeraki
BINABASA MO ANG
The Devil's Offer | COMPLETED
General Fiction"Accepting his offer was like letting myself near the fire. Ready to burn me alive but still... I chose to get burned." Written by: Akimeraki