CASSY’S POV:
“Pam! Bilisan mo naman dyan! Dadating na si Carla!” naghahanda kami ngayon para sa dinner nila Carla at Luis. Parents nila yung bago kong kliyente ngayon. Kailangan daw kasing mainlove si Carla kay Luis para pumayag ito sa fixed marriage para sa pagmemerge ng companies nila. Uso pa pala ngayon yung mga fixed marriage na yan. Kahit kelan, never akong naniwala sa ganon. Ang sakin kase, kung magpapakasal ka, dapat dun sa taong mahal mo. Hindi dun sa taong gusto ng magulang mo para sayo. Oh well, kaya nga ako nandito diba? Para mainlove sila sa isa’t-isa.
Ako nga pala si Cassandra Reyes, Cassy for short. Isa kong matchmaker. Masaya naman ako sa ginagawa ko. At least, natutulungan ko yung iba na mahanap yung tamang tao para sa kanila. At isa pa, bayad ako dito. Mahirap na masarap tong trabaho ko. Mahirap, kase kailangan mo talagang gumawa ng paraan para mainlove sa isa’t-isa yung mga kliyente mo. Minsan nga meron akong naging kliyente na bata pa lang magkaaway na. Grabe lang, nahirapan talaga kong imatch yung dalawang yon. Tapos meron namang mas matanda ng 15 years yung lalaki kesa dun sa babae. Andami kong ginawang paraan don para sagutin lang nung babae si tatang! Pero masarap naman yung feeling kapag nakita mo na masaya sila sa isa’t-isa. Masaya sila kase nahanap na nila yung taong magmamahal sa kanila ng totoo.
“Ate Cassy!” kulbit sakin ni Pam.
“Ok na ba yung pinapagawa ko sayo?” tanong ko sa kanya.
Tumango naman ito.
“Ay nga pala ate, si Gabby---“
Hindi ko na sya pinatapos.
“Sabihin mo sa baklang yon, wala akong pakialam sa kanya! Gawin nya kung anong pinapagawa ko sa kanya pero wag na wag nya kong kakausapin” galit na sabi ko.
“Eto na naman po sya. Lumabas na naman yang pagiging homophobic mo ate” reklamo sakin ni Pam.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ko homophobic. Galit lang ako sa mga bading kasi nga yung first boyfriend ko, pinagpalit ako sa mga matandang bading. Hello?! Tong ganda kong to, mas pinili nya sakin yon? At saka naniniwala kasi ako na ang babae para lang sa lalaki, hindi pwedeng babae sa babae tapos lalaki sa lalaki. Hindi ba sila nandidiri don? Pag nakakita kasi ako ng same sex na naglilingkisan, kinikilabutan ako. Tumatayo lahat ng balahibo ko.
“Basta, sabihin mo ayoko syang kausapin tapos!” sabi ko dito sabay lapit kay Luis.
“Hello lover boy” nakangiting bati ko dito.
“Ms Reyes” sabi naman nito.
“Cassy na lang, masyado ka namang pormal”
“Kinakabahan kasi ako eh. Papano kung hindi pa rin nya ko magustuhan?”
“Wala ka bang tiwala sakin?” sabay kindat ko sa kanya.
Napangiti naman agad ito.
“Bakit nga ba ako kakabahan eh si Cassandra Reyes yung kasama ko ngayon at tutulong sakin para mahalin ako ni Carla” nakangiting sabi nya.
“O sige check natin kung ok na ha! Favorite flower? Check! Favorite food? Check! Red carpet? Check? Favorite song? Check! Drums? Check!” sabi ko dito.
“Ahm Cassy, para san yung drums?” takang tanong nito.
“Para yan sa tunog ng tibok ng puso nya. Para akalain nya, malakas talaga yung kabog ng dibdib nya” paliwanag ko dito.
“Hindi ba nya mahahalata yon?”
“Trust me lover boy. Akong bahala dyan.”
“Ate nandyan na daw sa labas si Carla” sigaw ni Pam.
BINABASA MO ANG
Fall for me Ms. Matchmaker
RomanceSiya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never pa syang pumalpak sa pagmamatchmake. Close to perfection, ganyan sya i-describe ng mga nakakakilala...