Chapter 3

27.7K 606 8
                                    

A/N: Eto na po yung update guys :) Pasalamat tayong lahat kay Coco Martin dahil ginanahan akong mag-update. hahaha. 

I love you Coco Martin :) 

============================================================================

 

MICHELLE’S POV:

Ring ring ring

Psh! Ang aga-aga namang istorbo ng teleponong to.

Inis na sinagot ko yung tawag.

“Ano?”sigaw ko.

“Wow, wala man lang hello?” natatawang sabi ng nasa kabilang linya.

“Ang aga-aga Sam! Ano na naman bang kailangan mo?!” inis na sabi ko dito.

“Sis, magpapasama sana ko sa mall.”

“Sam naman! Alas-otso pa lang o, wala pang bukas na mall ngayon!”

“Alam ko kasi kung gaano ka kabagal kumilos kaya ginising na kita”

“Tss! O sige na! Magkita na lang tayo sa mall”

Yun lang at pinatay ko na yung phone. Ibang klase talaga yung babaeng yon! Ang aga-agang mambulabog.

Padabog akong bumaba ng hagdan. Ang pinakaayoko kasi yung binubulabog yung pagtulog ko!

“Baby girl bat nakasimangot ka dyan?” nakangiting tanong sakin ng kuya ko.

Sinamaan ko naman agad sya ng tingin.

“Tingin mo bakit kuya? Bat hindi mo itanong sa gf mo?!” inis na sabi ko dito.

Lalo naman itong natawa.

“O ano na namang ginawa sayo ng bestfriend mo?”

“Ang aga-aga kuya, tinawagan ako para ano? Para magpasama lang! bakit ba hindi ikaw yung tinawagan nya?!”

“Baby girl ha, nagseselos na ko, mukhang mas mahal ka ni Sam kesa sakin ha” biro nito.

Tinaasan ko sya ng kilay. Nagparaya na nga ako para sa kanilang dalawa diba? Ano pa bang inaarte nitong lalaking to?

“Really kuya? Hanggang ngayon nagseselos ka pa rin sakin?”

“Ikaw naman baby girl di ka na mabiro.” Sabay gulo ng buhok ko.

“Kung gusto mo kuya ikaw na lang sumama sa kanya. Para matulog na lang ako ulit”

Ngumiti naman ito sakin.

“No baby girl, ikaw na yung sumama, ikaw yung tinawagan diba?”

“Sige na sige na! Mag-aayos na ko at baka magtaray na naman yung babaeng yon pag na-late ako!”

Halos 30 minutes na kong naghihintay dito sa loob ng mall pero wala pa din si Sam. Nakakainis lang talaga yung babaeng yon! Matapos akong gisingin ng maaga para hindi ma-late, sya naman yung wala pa hanggang ngayon!

Inis na inis akong lumakad palabas ng mall. Hindi ko tuloy napansin na may makakasalubong pala ako kaya bigla kaming nagkabungguan. Aish! Malas talaga!

“Leche naman o!” inis na sabi ko.

“Excuse me?” mataray na tanong ng nakabangga ko.

Noon ko lang sya tiningnan. HOLY COW! Nanlaki yung mata ko. Ang ganda. Ang ganda-ganda ng babaeng nakabunggo ko. Kahit nakasimangot , sya na yata yung pinamagandang babaeng nakita ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita. 

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon