A/N: Dapat di na ko mag-uupdate eh. Sabi ko naman sa inyo, dapat walang kinilig nung last update ko eh. Aish! Kaya eto gumawa ako ng chapter na hindi nakakakilig. Bitter ako eh! Nasstress ako sa pics nila JLC and Angelica, hahaha!
O sya, patawarin nyo at hindi nakakakilig tong isang to. Babawi na lang ako sa susunod.
Mahal ko kayong lahat! CIAO!
=============================================================================
MICHELLE'S POV:
"Baby girl, may problema ka ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Kuya JP.
Malungkot na tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang iniiwasan ako ni Cassy. Nung nasa Batangas kami, ang saya-saya namin non, pero pagbalik dito sa Manila, parang nagbago na sya. Lagi na lang syang may kausap sa phone at everytime na yayayain ko syang magdate lagi nyang sinasabing busy sya, na may kailangan syang tapusin. Tapos di na rin nya masyadong sinasagot yung mga tawag at text messages ko.
Nag-alala tuloy ako. Papano kung hindi nya talaga nagustuhan yung ginawa ko sa Batangas? Na nagkunwari lang syang masaya dahil naaawa sya sakin?
Tapos kahapon, kinausap ko sya dahil gusto ko syang yayaing magdate ngayon pero nalungkot ako sa sinabi nya. Ni hindi man lang nya naalala.
-FLASHBACK-
"Hi baby" masayang bati ko sa kanya pagkatapos kong pumasok sa office nya.
Ni hindi man lang nya ko tiningnan, tumango lang sya. Nakatingin lang sya sa laptop nya.
"Hey, miss na kita" sabi ko pa sa kanya.
"Kakakita lang natin kahapon" malamig na sagot nya na hindi pa rin tumitingin sakin.
Gustung-gusto ko na syang tanungin kung may problema ba kaming dalawa pero natatakot ako. Papano kung meron nga? Papano kung biglang nagbago na yung nararamdaman nya sakin? Kung naging na lang sya na si Rex na yung mahal nya? Kaya ko bang tanggapin yon?
"Ahm, may gagawin ka ba bukas Cassy?" tanong ko na lang sa kanya.
"Yeah, may client meeting ako sa Cebu bukas." sagot naman nito.
Nagulat ako sa sagot nya. Wala sya bukas? Hindi ba nya naalala kung anong meron bukas?
"Bukas? Aalis ka?" malungkot na tanong ko sa kanya.
"Yeah bakit?"
"Yayayain lang sana kita bukas magdinner"
"Sorry, hindi talaga ko pwede eh. Next time na lang ok?" sabi pa nito.
"Gusto ko sana bukas eh"
"Huh? Bakit? Ano bang meron bukas?"
Bigla naman akong nakaramdam ng pagpiga sa puso ko. Seryoso hindi nya alam kung anong meron bukas? Gusto kong umiyak pero nagpakatatag ako sa harap nya.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"No, wala naman, gusto lang talaga kitang yayain. Sige, una na ko, busy ka yata eh." Yun lang at lumabas na ko sa office nya.
-END OF FLASHBACK-
Tapos ngayon ni hindi nya man lang nya ako binati. Siguro nga balewala na ko kay Cassy. Nalulungkot lang ako kase kayang-kaya nya kong dedmahin pero ako eto, nagsesend parin ng text messages sa kanya. Ilang beses ko na din sya tnry tawagan kanina pero lagi nyang nirereject yung tawag ko.
BINABASA MO ANG
Fall for me Ms. Matchmaker
RomanceSiya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never pa syang pumalpak sa pagmamatchmake. Close to perfection, ganyan sya i-describe ng mga nakakakilala...