Guys, sorry, kailangan ko lang ng tulong. ano kayang magandang title sa story na to:
pero saka ko pa yan sisimulan, pagkatapos ng CMIF :) bigla ko lang kasing naisip yang story na yan :)
Ano nga ba yung gayuma?
-Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay ginagamit upang makapang-akit at mapa-ibig ang isang tao, gayong hindi naman ito gusto ng taong ginagayuma. Ang panggayuma ay ay kadalasang inihahalo sa inumin ng gagayumahin. Ito raw ay magiging mas mabisa kung lubos ang paniniwala ng nanggagayuma sa kapangyarihan nito.
Ah, eh uso pa ba ngayon ang gayuma?
- sa probinsya uso pa rin yan, pero dito sa Manila wala na. saka sino ba naman kasing maniniwala sa gayu-gayuma na yan.
Ahm, kung saka-sakali ba na may mahal ka tapos hindi ka mahal gagamit ka ng gayuma?
-no way! Gusto ko mahalin nya ko dahil yun yung nararamdaman nya, hindi dahil lang sa pinainom sya or nagayuma sya.
Oo yan yung sagot ko dati. Pero hindi na ngayon, dahil gagawin ko lahat para mahalin ako ni Jordan. Maghahanap ako ng gayuma. Kailangan mahalin nya ko sa kahit anong paraan.
Pero papano kung biglang nagkaron ng maliit na problema?
Yung gayumang para kay Jordan, iba yung nakainom. Yung kakambal nya na si Justine. Ang masama pa nito, babae yung kakambal nya at malapit nang ikasal.
Anong gagawin ko ngayon? Sabi nung matandang binilhan ko, pwede naman daw mawala yung bisa ng gayuma, kailangan lang daw i-mix yung"blue alum crystals" sa kumukulong tubig ulan ..tapos ipainom daw to dun sa taong nagayuma.
Ok na sana, nagawa ko na yung antidote. Pero bakit hindi ko magawang ipainom kay Justine?
Dahil ba minahal ko na rin sya?
Ano nga bang dapat kong gawin? Ang itama yung mali ko pero masasaktan ako? o magpakaselfish at itago kay Justine yung antidote?
Ako nga pala si Clarisse Lopez at ito ang magulong buhay-pagibig ko.
Actually, normal lang sana, kung hindi ko lang ginamitan ng..
GAYUMA.
BINABASA MO ANG
Fall for me Ms. Matchmaker
RomanceSiya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never pa syang pumalpak sa pagmamatchmake. Close to perfection, ganyan sya i-describe ng mga nakakakilala...