Chapter 5

26.6K 660 24
                                    

CASSY’S POV:

“Game na daw ate, simulan mo na daw yung kanta.” Masungit na sabi sakin ni Pam. Kasalanan ko bang ayoko lang talaga sa mga tulad ng kaibigan nya? At eto ko ngayon, magttrabaho para sa isang ugh, I cant even say ‘that’ word.

Habang kumakanta ko, mas pinili kong hindi humarap sa kanilang dalawa. Ayokong masira yung gabi ko dahil sa Michelle na yon. Sana lang talaga biglang magbago yung preference nya at matapos na tong pagmamatchmake ko sa kanila.

Pagkatapos kong kumanta ay agad lumapit sakin si Joel at yung Michelle.

“Michelle, I want you to meet the famous match maker, Cassandra Reyes” pakilala ni Joel.

Ayoko sanang humarap sa kanila pero ayoko namang maging bastos.

Pagharap ko, lalo akong nabigla sa nakita ko.

“IKAW?!” sabay na sabi naming dalawa.

Hindi ko napigilang titigan si Michelle. Naka-floral dress sya ngayon na bagay na bagay sa kanya. Light lang din yung make up nya kaya mas cute syang tingnan ngayon. Actually hindi cute, ang ganda-ganda nya ngayon.

And why the hell am I checking her out? Gosh Cassy! Stop!

“Hmmm, Ms Cassandra, gusto mo ba yung nakikita mo ngayon?” sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko. Bigla kong naramdaman na nag-init yung mukha ko.

“Magkakilala kayo?” narinig kong tanong ni Joel dito.

“Yeah, nagkabungguan kami kanina sa mall.” Sagot ni Michelle.

“Mall? Anong ginawa mo don?”

Tumaas bigla yung kilay ni Michelle.

“Last time I checked, di kita boyfriend kaya wala kang karapatang magtanong” pagtataray nito. Oh, so eto yung sinasabi ni Joel kanina, hmmm, mataray nga si ate.

“Sinong kasama mo?” hindi pa rin tumigil sa pagtatanong si Joel.

“Si Samantha” walang ganang sagot nito.

Doon napataas ang kilay ko. Samantha? Sino yun? Girlfriend nya? Nakakadiri talaga tong babaeng to. Tsss.

“O ano na namang gusto ng babaeng yon?” medyo inis na tanong ni Joel.

“Nagpasama lang.”

“Ahm excuse me lang ha, nandito pa kasi ako. Baka gusto nyong umupo muna tapos dun kayo mag-usap” singit ko sa dalawa.

Nakita kong biglang nagbago yung expression ng mukha ni Michelle. Ngumiti sya ng matamis sa akin.

“Salamat pala sa song ha. Ang ganda, ang galing mong kumanta” nakangiti pa ring sabi nito.

“Wala yun, trabaho ko yun eh” sagot ko dito.

Tumango naman ito.

“Pwede kong makuha number mo?”

Nagtatakang tiningnan ko sya.

“Well, bilang ‘match maker’ namin nitong si Joel. Siguro naman dapat my number mo ko diba? Para kung kailangan kitang kausapin, pwede kitang tawagan” nakangiti pa rin ito.

“I have your number so ako na lang tatawag sayo”

“Ayaw! Gusto ko bigay mo sakin” nakasimangot na sabi nito. Gosh! Bat ba ang kulit ng babaeng to.

“Fine!” binigyan ko sya ng calling card ko. Bigla naman syang ngumiti sa akin.

“Let’s go Mich, dun na tayo sa table” yaya dito ni Joel

Sinamaan agad ng tingin ni Michelle si Joel.

“Nag-uusap kami diba?” masungit na sabi nito dito.

“Nagugutom na kase ko” reklamo naman ni Joel.

“Eh di kumain ka don! Bat kailangan ba sabay tayo?”

“Malamang, date nga to diba?”

Nakipaglaban ito ng tingin kay Joel.

“Isusumbong kita sa mama mo!”

“Bwisit ka talaga kahit kelan!!!” sigaw nito.

Kaya nagulat ako ng bigla itong tumingin sakin na nakangiti. Wow, ang bilis lang nagbago ng ekspresyon ng mukha nya.

“Cassy, dun na muna ako ha. Bwisit kasi tong lalaking to eh” nakangiting sabi nito.

“Ok lang, date nyo to eh”

“Ahm, no, dinner lang to, hindi date” pagtatama nito. Yun lang at sumunod na it okay Joel

Hindi ko maintindihan pero hindi ako naiinis habang kausap ko sya kahit alam kong bisexual sya. Siguro dahil hindi naman kasi halatang ganon sya. At ang ganda-ganda ng mga mata nya at ngiti nya.

“Ate?”

Napatingin naman ako kay Pam.

“O?”

“Nakatitig ka kasi kay Michelle.”

“What? Ako? Sa tomboy? Duh!”

“OA ng reaction ate. Ok lang naman, maganda naman kasi talaga sya. Tapos hindi sya mukhang bisexual.”

“Mukhang mahihirapan yata ako sa babaeng yan. May gf pa yata. Pano sya maiinlove kay Joel?”

“Wow bago yan ah! Si Cassandra Reyes nahihirapan?”

“Pam, she’s not into guys ok? Mahirap talaga”

Tumango-tango naman ito.

“So aayaw ka na?”

“No, I love the challenge” sabi ko kay Pam habang nakatingin kay Joel at Michelle.

Natigilan ako ng biglang lumingon sakin si Michelle at ngumiti.

Agad ko naman syang tinalikuran.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magalit o mainis sa Michelle Padilla na to! 

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon